Carol, pinababalik sa ASAP
March 8, 2002 | 12:00am
Kamakailan lang ay dumating sa Pilipinas ang kilalang French pop dance diva na si Larusso (Leticia Cerrero sa tunay na buhay), 22, para i-promote ang kanyang second self-titled album na nagpi-feature ng mga awiting "Entre Nous" at "Tous Unis (Give Me Love)" na released locally ng EMI Philippines, Inc.
Siyam na taong-gulang pa lamang si Larusso nang ma-discover ng kanyang ina at mga kaibigan na meron siyang taglay na magandang boses nang magkatuwaan sila ng kanyang mga kaibigan sa birthday ng kanyang pinsan. Magmula noon ay lalong na-develop ang magandang boses ng French singer.
Hinahangaan niya ang mga veteran singers tulad nina Barry White, Whitney Houston at Barbra Streisand. Kapag hindi siya busy, naroon lamang siya sa kanilang bahay at nanonood ng TV. Hindi rin ikinakaila ng dalaga na meron na siyang kasintahan na isa ring French pero ayaw niya itong pangalanan dahil masyado umanong pribado ang kanyang boyfriend.
Although kumikita na siya ngayon bilang isang recording artist, sinabi nito na hindi umano pera ang kanyang priority sa kanyang singing career kundi ang kagustuhan niyang mag-perform sa harap ng kanyang audience.
"I love to sing and I want people to enjoy my songs," aniya.
Hindi rin ikinakaila ni Larusso na natuto siyang magsalita ng Ingles sa pamamagitan lamang ng self-study.
Tahimik ngayon sa kanyang showbiz career ang maganda at seksing si Janna Victoria pero punum-puno naman ng buhay ang kanyang lovelife dahil sa kanyang boyfriend na si Dominic Ochoa.
Ang nakakapanghinayang lang, bigla yatang nawala sa sirkulasyon si Janna dahil wala itong pelikulang pinagkakaabalahan after her launching flick with Piolo Pascual, ang Lagarista na hindi na nasundan. Wala na rin umano si Janna sa pangangalaga ng talent manager na si Dondon Monteverde dahil ayaw na nitong magpa-seksi.
Samantala, kung walang pelikulang pinagkakaabalahan si Janna, ganun naman ka-busy ang kanyang boyfriend na si Dominic Ochoa. Kamakailan lang ay napanood siya sa hit movie na Got 2 Believe na pinangunahan ng magkasintahang Rico Yan at Claudine Barretto na dinirek ni Olive Lamasan for Star Cinema. Kasama rin si Dominic sa movie nina Donita Rose at Piolo Pascual, ang Nine Mornings na pinamamahalaan naman ni Jose Javier Reyes, also for Star Cinema. Bukod sa pelikula, may dalawa siyang regular TV shows, ang MTB at ang Whattamen kung saan niya kasama sina Rico Yan at Marvin Agustin.
Sa kabila ng kanyang pagiging VJ ng MTV sa Singapore making her an international celebrity, walang ipinagbago ng ugali si Donita Rose hanggang ngayon. Siya pa rin ang dating warm at friendly na Donita Rose na kilala ng marami.
Ginagawang Quiapo ni Donita ang Pilipinas at Singapore dahil tinatapos niya ang pelikulang Nine Mornings with Piolo Pascual sa Star Cinema. Earlier, naipalabas na ang unang tambalan nila ni Mark Anthony Fernandez, ang Hesus Rebolusyonaryo na dinirek ni Lav Diaz for Regal Films. Bukod sa pelikula, in-demand din si Donita sa ibat ibang commercials kaya kahit naka-base siya ngayon sa Singapore, kinakailangan niyang magpabalik-balik ng Pilipinas habang ang kanyang pamilya ay naka-base sa San Francisco, California.
Pabalik na ngayong Marso 15 ang magaling na singer-actress na si Carol Banawa galing sa kanyang month-long series of shows sa America.
Sa kanyang pagbabalik ay saka siya magdedesisyon kung babalik siya sa pangangalaga ng ABS-CBN Talent Center o kung pipirma siya ng kontrata sa GMA-7 para mapabilang sa SOP.
Sa pagkakaalam namin, muli umanong sinusuyo si Carol ng ABS-CBN pero nag-aalanganin umano ang dalaga na muling pumirma dahil sumama ang loob nito nang bigla siyang tanggalin sa ASAP at palitan ni Diane dela Fuente.
Email: [email protected]
Siyam na taong-gulang pa lamang si Larusso nang ma-discover ng kanyang ina at mga kaibigan na meron siyang taglay na magandang boses nang magkatuwaan sila ng kanyang mga kaibigan sa birthday ng kanyang pinsan. Magmula noon ay lalong na-develop ang magandang boses ng French singer.
Hinahangaan niya ang mga veteran singers tulad nina Barry White, Whitney Houston at Barbra Streisand. Kapag hindi siya busy, naroon lamang siya sa kanilang bahay at nanonood ng TV. Hindi rin ikinakaila ng dalaga na meron na siyang kasintahan na isa ring French pero ayaw niya itong pangalanan dahil masyado umanong pribado ang kanyang boyfriend.
Although kumikita na siya ngayon bilang isang recording artist, sinabi nito na hindi umano pera ang kanyang priority sa kanyang singing career kundi ang kagustuhan niyang mag-perform sa harap ng kanyang audience.
"I love to sing and I want people to enjoy my songs," aniya.
Hindi rin ikinakaila ni Larusso na natuto siyang magsalita ng Ingles sa pamamagitan lamang ng self-study.
Ang nakakapanghinayang lang, bigla yatang nawala sa sirkulasyon si Janna dahil wala itong pelikulang pinagkakaabalahan after her launching flick with Piolo Pascual, ang Lagarista na hindi na nasundan. Wala na rin umano si Janna sa pangangalaga ng talent manager na si Dondon Monteverde dahil ayaw na nitong magpa-seksi.
Samantala, kung walang pelikulang pinagkakaabalahan si Janna, ganun naman ka-busy ang kanyang boyfriend na si Dominic Ochoa. Kamakailan lang ay napanood siya sa hit movie na Got 2 Believe na pinangunahan ng magkasintahang Rico Yan at Claudine Barretto na dinirek ni Olive Lamasan for Star Cinema. Kasama rin si Dominic sa movie nina Donita Rose at Piolo Pascual, ang Nine Mornings na pinamamahalaan naman ni Jose Javier Reyes, also for Star Cinema. Bukod sa pelikula, may dalawa siyang regular TV shows, ang MTB at ang Whattamen kung saan niya kasama sina Rico Yan at Marvin Agustin.
Ginagawang Quiapo ni Donita ang Pilipinas at Singapore dahil tinatapos niya ang pelikulang Nine Mornings with Piolo Pascual sa Star Cinema. Earlier, naipalabas na ang unang tambalan nila ni Mark Anthony Fernandez, ang Hesus Rebolusyonaryo na dinirek ni Lav Diaz for Regal Films. Bukod sa pelikula, in-demand din si Donita sa ibat ibang commercials kaya kahit naka-base siya ngayon sa Singapore, kinakailangan niyang magpabalik-balik ng Pilipinas habang ang kanyang pamilya ay naka-base sa San Francisco, California.
Pabalik na ngayong Marso 15 ang magaling na singer-actress na si Carol Banawa galing sa kanyang month-long series of shows sa America.
Sa kanyang pagbabalik ay saka siya magdedesisyon kung babalik siya sa pangangalaga ng ABS-CBN Talent Center o kung pipirma siya ng kontrata sa GMA-7 para mapabilang sa SOP.
Sa pagkakaalam namin, muli umanong sinusuyo si Carol ng ABS-CBN pero nag-aalanganin umano ang dalaga na muling pumirma dahil sumama ang loob nito nang bigla siyang tanggalin sa ASAP at palitan ni Diane dela Fuente.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended