Roderick, ayaw payagang mag-asawa ng ina
March 8, 2002 | 12:00am
Madalas kaming mag-text kahit sa mga panahong naghihilik na ang buong mundo, pero paminsan-minsan lang kaming magkita dahil sa kakapusan ng oras.
Pero yung paminsan-minsang yun ay hindi katapun-tapon dahil panumpuno ng sustansiya ang aming mga kuwentuhan.
Isang bagay na nagdudugtong sa puso namin ng kaibigang Roderick Paulate ay ang paksa ng ina.
Kung minsan nga ay nagtatanungan kami, bakit nga ba ganun, hindi naman kami lilitaw sa mundong ibabaw kung wala ang aming tatay, pero bakit masyadong nakatutok ang aming atensyon sa aming nanay?
Pareho kasi kaming bunso ni Kuya Dick at hanggang ngayoy hindi pa rin kami naaawat sa dodo at laylayan ng aming mga nanay, ubuhin lang si Mama Paz ay ninenerbiyos na siya, hindi na malaman ng actor-TV host ang kanyang gagawin.
Nung kaarawan ni mamang ay nagkasama-sama silang magkakapatid, nag-uwian sa bansa ang mga kapatid niyang nasa Australia, mabuo lang ang kanilang pamilya.
Maraming batang nagtatakbuhan, ang dami-dami na pala niyang pamangkin, kaya nagbiro si Kuya Dick na siya na lang pala ang walang anak na nakikigulo dun.
Biro lang ang sa kanya, pero agad nang dumepensa si Mama Paz, huwag na raw muna siyang mag-asawa habang magkasama pa sila.
Siyemprey gusto rin namang magkaanak ni Kuya Dick, dahil sino nga naman ang mag-aalaga sa kanya pagdating ng paglubog ng araw sa kanyang buhay?
May kani-kanyang pamilya na ang kanyang mga kapatid at siyempre, may sari-sariling prayoridad na rin ang mga ito.
Pero dahil sa hiling ni Mama Paz na huwag na muna siyang lumagay sa tahimik habang nabubuhay pa ito ay isinasakripisyo ni Kuya Dick ang personal niyang kaligayahan.
Hindi bale nang mahuli siya sa biyahe kung yun talaga ang nakatakda, mapaligaya lang niya si Mama Paz.
Ganun katindi ang pagmamahal ni Kuya Dick sa kanyang ina, walang hindi siya gagawin, basta maibigay lang niya ang kaligayahan ng kanyang dakilang ina.
Naaalala raw kasi niya yung mga panahong nagsisimula pa lang siya sa pag-aartista na malaki na siya ay kinakarga pa siya ni Mama Paz.
Nangingilid ang kanyang luha kapag naaalala niya ang gabing yun na sumakit nang todo ang kanang dibdib ni Mama Paz, ang akala nilay may cancer na ito sa dibdib, pero ngalay lang pala dahil sa pagkarga nito kay Kuya Dick.
"Grabe ang sakripisyo ni mamang para sa akin, kapag naaalala ko ang mga ginawa niyang pakikipaglaban sa akin, napapaiyak na lang ako," sabi ni Kuya Dick.
Bukod sa mas mahaba pang buhay ni Mama Paz ay may isa pang ipinagdarasal si Kuya Dick, ang sanay gumaling na ang kanyang migraine.
Grabe ang inaabot ni Kuya Dick kapag umaatake na ang matinding sakit ng kanyang ulo, parang bumabaligtad ang kanyang mundo, gusto na niyang ipag-untugan ang kanyang ulo sa pader.
Lumuluha nang tuluy-tuloy ang kanyang mga mata, kumikirot ang kanyang ulo na para bang wala nang bukas pa, kaya yun na lang ang kaisa-isa niyang hiling bukod sa mas mahaba pa sanang buhay na pagsamahan nila ni Mama Paz.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended