Audition o pananantsing?
March 6, 2002 | 12:00am
Minsan ay nakakwentuhan ko ang isang reporter at ang naging paksa namin ay tungkol sa isang talent agency na ang may-ari ay isa ring taga-showbiz. Isa rin siyang bading na kumukuha ng mga aplikante na dadalhin sa Japan para magsayaw.
Ang unang gagawin ng bading na ito ay magpapa-anunsyo sa isang magasin na naghahanap sila ng mga aplikante na gustong magtrabaho sa abroad. Siyempre sa hirap ng buhay ngayon ay maraming maga-apply na dancers. Kapag nasa talent agency na ay maglalaro na ang imahinasyon ng may-aring bading lalo na kung guwapo at malakas ang sex appeal ng aplikanteng dancer.
Susukatan nito ng damit ang lalaking nakapasa sa audition na siyang gagawing costume. Pero sa kanyang pagsusukat ng damit ay doon papasok ang kanyang pananantsing kung saan hahawakan nito ang hita ng aplikante hanggang sa kaselanang bahagi ng katawan. Patutuwarin pa niya ito para raw malaman kung itoy may almoranas o luslos. Sey ng bading na source ko ay hindi ba trabaho ito ng isang doktor na siyang gagawa ng medical examination ng pasyente?
Hindi kami magtataka kung dumating ang araw na idemanda ito ng mga lalaking aplikante dahil sa sexual harassment o kundi man ay baka maumbag siya ng ibang kalalakihan.
Nang minsang makausap ko si Mommy Alice na ina ni Rica Peralejo ay sinabi nito na ang susunod na pelikula ng kanyang anak ay ang Boso under Viva Films. Nauna ko nang nainterbyu si Raven Villanueva at sinabi nito na nagpapasalamat siya kay Vic del Rosario dahil binigyan siya nito ng launching movie titled Boso. Nangangahulugan na suporta lang ni Raven si Rica. Katwiran ni Raven ay hindi naman siguro mamasamain ni Rica na bigyan siya ng suporta dahil sa Dos Ekis ay sumuporta rin siya dito. Noong nakaraan pang taon ay na kay Raven na ang script ng movie.
Nasa bansa na si Jolina Magdangal matapos ang matagumpay na concert tour sa Amerika. Naimbitahan ang singer-actress sa Hula Bowl sa Maui, na isang much-celebrated annual college football game sa Hawaii na dinaluhan ng 30,000 na manonood na mula sa lahat ng dako ng Hawaiian Island at US Mainland. Si Jolina ang kauna-unahang Filipino artist na nag-perform sa malaking event na ito na kinober ng ESPN cable TV na napanood sa lahat ng dako ng Amerika.
Matapos ang palaro ay nagkaroon ito ng solo concert sa isang reserved portion ng stadium. Nagtungo rin sa Los Angeles, California ang magaling na aktres kung saan binuksan niya ang Jolinas Fashion Gallery sa Musikang Pilipino sa West Covina. Inilunsad din niya ang Jolinas products sa US market at nagkaroon din ng outlets sa San Francisco, Las Vegas at Hawaii.
Naging malaking tagumpay din ang concert ni Jolens sa Alex Theater sa Glendale, California na pinamagatang Jolina Live in Glendale na prodyus ng JNL Entertainment Productions. Siya ang ikalawang Filipino artist na nag-perform sa kilalang theater. Naunang nag-perform dito si Nora Aunor.
Natupad na rin ni Tirso Cruz III ang pangarap na maging isang direktor hindi nga lang sa pelikula kundi sa telebisyon. Nagpapasalamat nga si Pip dahil sa pagkakataong ipinagkaloob sa kanya para idirek ang isang episode sa Kakabakaba titled "Killer... Killer" na napapanood tuwing Sabado.
Natutuwa rin ang aktor dahil puro magagaling ang mga artistang idinirek niya gaya nina Rica Peralejo, Ciara Sotto, Maricar de Mesa, Jao Mapa, Polo Ravales at Miles Poblete. Hindi nagkaroon ng problema si Pip dahil maganda ang naging working relationship niya sa production staff gayundin sa mga artista. Naroon din sa taping ang asawang si Lyn at mga anak para bigyan ng suporta ang magaling na aktor sa kanyang directorial debut.
Pangarap din niya na maging direktor sa pelikula balang araw.
Sa mga naging contract stars ng Seiko Films ay kakaiba si Diana Zubiri na inaasahang magiging pambato ni Robbie Tan. Una, sosyal ang beauty niya at isang estudyante pa ng isang kilalang unibersidad kung saan kumukuha ng Communication Arts. Kaya lang, huminto muna siya dahil sa lakas ng kaway ng showbiz.
Nagulat ang kanyang mga kaiskuwela at kaibigan nang makita ang mga naglalabasang pictorials nito sa mga tabloid na nakabuyangyang ang kanyang dibdib. Para kay Diana, trabaho lang naman ito at hindi niya iniisip ang sasabihin ng mga tao.
Sa kabilang banda, naiintindihan naman siya ng malalapit na kaibigan dahil ang pag-aartista ang katuparan ng kanyang mga pangarap sa buhay. Kahit baguhan ay puring-puri siya ni Direk Francis "Jun" Posadas dahil may ibubuga ito sa pag-arte kaya madali siyang nakakatapos sa syuting ng pelikulang Itlog na palabas na ngayon.
Pero sana naman ay huwag siyang matulad kay Brigette de Joya na matapos pasikatin ay nabuntis kaya nawala sa kuwadra ng Seiko.
Ang unang gagawin ng bading na ito ay magpapa-anunsyo sa isang magasin na naghahanap sila ng mga aplikante na gustong magtrabaho sa abroad. Siyempre sa hirap ng buhay ngayon ay maraming maga-apply na dancers. Kapag nasa talent agency na ay maglalaro na ang imahinasyon ng may-aring bading lalo na kung guwapo at malakas ang sex appeal ng aplikanteng dancer.
Susukatan nito ng damit ang lalaking nakapasa sa audition na siyang gagawing costume. Pero sa kanyang pagsusukat ng damit ay doon papasok ang kanyang pananantsing kung saan hahawakan nito ang hita ng aplikante hanggang sa kaselanang bahagi ng katawan. Patutuwarin pa niya ito para raw malaman kung itoy may almoranas o luslos. Sey ng bading na source ko ay hindi ba trabaho ito ng isang doktor na siyang gagawa ng medical examination ng pasyente?
Hindi kami magtataka kung dumating ang araw na idemanda ito ng mga lalaking aplikante dahil sa sexual harassment o kundi man ay baka maumbag siya ng ibang kalalakihan.
Matapos ang palaro ay nagkaroon ito ng solo concert sa isang reserved portion ng stadium. Nagtungo rin sa Los Angeles, California ang magaling na aktres kung saan binuksan niya ang Jolinas Fashion Gallery sa Musikang Pilipino sa West Covina. Inilunsad din niya ang Jolinas products sa US market at nagkaroon din ng outlets sa San Francisco, Las Vegas at Hawaii.
Naging malaking tagumpay din ang concert ni Jolens sa Alex Theater sa Glendale, California na pinamagatang Jolina Live in Glendale na prodyus ng JNL Entertainment Productions. Siya ang ikalawang Filipino artist na nag-perform sa kilalang theater. Naunang nag-perform dito si Nora Aunor.
Natutuwa rin ang aktor dahil puro magagaling ang mga artistang idinirek niya gaya nina Rica Peralejo, Ciara Sotto, Maricar de Mesa, Jao Mapa, Polo Ravales at Miles Poblete. Hindi nagkaroon ng problema si Pip dahil maganda ang naging working relationship niya sa production staff gayundin sa mga artista. Naroon din sa taping ang asawang si Lyn at mga anak para bigyan ng suporta ang magaling na aktor sa kanyang directorial debut.
Pangarap din niya na maging direktor sa pelikula balang araw.
Nagulat ang kanyang mga kaiskuwela at kaibigan nang makita ang mga naglalabasang pictorials nito sa mga tabloid na nakabuyangyang ang kanyang dibdib. Para kay Diana, trabaho lang naman ito at hindi niya iniisip ang sasabihin ng mga tao.
Sa kabilang banda, naiintindihan naman siya ng malalapit na kaibigan dahil ang pag-aartista ang katuparan ng kanyang mga pangarap sa buhay. Kahit baguhan ay puring-puri siya ni Direk Francis "Jun" Posadas dahil may ibubuga ito sa pag-arte kaya madali siyang nakakatapos sa syuting ng pelikulang Itlog na palabas na ngayon.
Pero sana naman ay huwag siyang matulad kay Brigette de Joya na matapos pasikatin ay nabuntis kaya nawala sa kuwadra ng Seiko.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended