Paolo, di pa magiging ama
March 6, 2002 | 12:00am
Itinanggi ni Paolo Contis na buntis ang girlfriend niyang si Desiree del Valle kaya ito nagmamadaling umalis at sumamang muli sa kanyang pamilya sa US. Hindi raw totoo na magiging ama na siya. Pero nakatakda niyang dalawin ito ngayong summer. "Masyadong mahal sa telephone. Dati nga four hours a day kami mag-usap pero, ngayon once a week na lang. Nauubos ang kinikita ko," sabi niya. "Babalik din naman siya rito for a vacation within the year. Dun siguro malalaman nyo na talagang hindi siya nagbuntis. At yung mga nagpupunta sa States, nakikita siya dahil hindi naman siya nagtatago. Sinasabi nilang hindi siya totoong buntis," dagdag na pagtatanggol pa niya sa girlfriend.
Pero, sinabi rin ng kabataang aktor na hindi na ganun katindi ang relasyon nila ng girlfriend niya. "Siguro, dahil mahirap yung long distance affair," paliwanag niya.
Paolo is joining Herbert Bautista, Michael Flores, Keempee de Leon and Bayani Agbayani sa bagong gag show ng ABS-CBN, ang Klasmeyts, na magsisimula ngayon, Marso 6, 9:30 n.g. pagkatapos ng Whattamen. Pinalitan nila ang Attagirl na nalipat sa Martes sa 10:00 n.g. pagkatapos ng Okatokat.
Ang Klasmeyts has everything, from gags to funny song parodies and commercial spoofs. Ipakikita rin ng lima ang nakatatawang side ng news and current affairs shows, action blockbusters, popular foreign shows and the top teleseryes para mapatawa lamang ang kanilang mga manonood sa bahay at maging yung live audience nila sa istudyo.
Thirty minutes lamang ang unang intensyon para sa show pero nang makita ang final results ng unang episode na palabas ngayon, bitin na bitin daw ang mga manonood, ginawa na itong isang oras.
Si Johnny Manahan ang direktor ng show. Head writer si Joel Mercado ng MTB at Arriba! Arriba! at si Ariel Ureta, ang creative consultant.
Inaadya pa rin si Billy Crawford. Hindi siya napuruhan ng naging aksidente niya nung magpa-Pasko, nang mawalan siya ng malay sa kanyang kuwarto at tumama ang kanyang baba sa gilid ng kanyang kama. May ilang linggo o buwan din siyang nag-sideline gayong ang talagang layunin niya sa pagpunta rito ay makapag-celebrate ng isang masayang holiday season. Hindi rin siya masyadong nakita sa TV gayong kung mayroon isang tao na isinilang yata para mag-entertain, si Billy ito. At sa paglipas ng mga taon, he has attained a new maturity na kitang-kita sa kanyang second album na "Ride".
Sa susunod na buwan, iri-release na ang "Ride". Naglalaman ito ng 12 original songs kasama ang romantic ballad na "When You"re In Love With Someone", "I Wish", "Trackin" na nakasama sa European Top 5 sa loob ng 15 linggo at Top 10 sa loob ng 35 linggo.
Nasa Maynila pa rin si Billy at ipo-promote ang kanyang single via TV appearances and mall shows. Catch him live at SM Southmall on March 8 ( 5pm), SM Bacoor, Mar. 9 (3 pm) at SM Megamall, Mar. 10 (5pm). Sa Abril pa ilalabas ang kanyang album pero iri-release na ng BMG Records Pilipinas ang "Trackin" CD single commercially.
Pero, sinabi rin ng kabataang aktor na hindi na ganun katindi ang relasyon nila ng girlfriend niya. "Siguro, dahil mahirap yung long distance affair," paliwanag niya.
Paolo is joining Herbert Bautista, Michael Flores, Keempee de Leon and Bayani Agbayani sa bagong gag show ng ABS-CBN, ang Klasmeyts, na magsisimula ngayon, Marso 6, 9:30 n.g. pagkatapos ng Whattamen. Pinalitan nila ang Attagirl na nalipat sa Martes sa 10:00 n.g. pagkatapos ng Okatokat.
Ang Klasmeyts has everything, from gags to funny song parodies and commercial spoofs. Ipakikita rin ng lima ang nakatatawang side ng news and current affairs shows, action blockbusters, popular foreign shows and the top teleseryes para mapatawa lamang ang kanilang mga manonood sa bahay at maging yung live audience nila sa istudyo.
Thirty minutes lamang ang unang intensyon para sa show pero nang makita ang final results ng unang episode na palabas ngayon, bitin na bitin daw ang mga manonood, ginawa na itong isang oras.
Si Johnny Manahan ang direktor ng show. Head writer si Joel Mercado ng MTB at Arriba! Arriba! at si Ariel Ureta, ang creative consultant.
Sa susunod na buwan, iri-release na ang "Ride". Naglalaman ito ng 12 original songs kasama ang romantic ballad na "When You"re In Love With Someone", "I Wish", "Trackin" na nakasama sa European Top 5 sa loob ng 15 linggo at Top 10 sa loob ng 35 linggo.
Nasa Maynila pa rin si Billy at ipo-promote ang kanyang single via TV appearances and mall shows. Catch him live at SM Southmall on March 8 ( 5pm), SM Bacoor, Mar. 9 (3 pm) at SM Megamall, Mar. 10 (5pm). Sa Abril pa ilalabas ang kanyang album pero iri-release na ng BMG Records Pilipinas ang "Trackin" CD single commercially.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended