^

PSN Showbiz

Kaye, lucky charm ng "hari"

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Lumutang ang galing ni Kaye Abad sa pelikulang Batas Ng Lansangan kung saan nakasama niya ang action king Fernando Poe Jr. Naging bukang bibig ng mga nakapanood ang galing na ipinakita ni Kaye sa nasabing movie. Siya ngayon ang sinasabing lucky charm ni FPJ.

Aminado pa nga sila na napaiyak sila ng husto sa mga ma-dramang eksena nina FPJ at Kaye. Talagang nangibabaw ang galing ng dalaga dahil magaling siyang humugot ng emosyon niya lalo na sa iyakan. Isa lamang itong patunay na naging good choice ni Susan Roces si Kaye para gumanap na anak ni FPJ sa Batas Ng Lansangan.

Marami ring hanga kay Kaye sa Tabing-Ilog kung saan siya napansin ng maybahay ni FPJ. Sa ilang beses naming napanood ang morenang aktres, hindi namin naiwasang maiyak sa mga madamdaming eksena nila ni John Lloyd Cruz. Kaya naman for the past weeks ay hindi nagpapahuli sa ratings ang Tabing-Ilog at siguradong hahataw pa dahil paganda nang paganda ang istorya.

Natutuwa si Kaye sa mga appreciation na natatanggap niya lately. Dobleng karangalan ang feeling niya ngayon dahil bukod sa nakasama siya sa Batas Ng Lansangan ay napansin pa ang kanyang trabaho. Hindi na kami magtataka kung muling kunin ni Da King si Kaye sa mga susunod pa nitong projects.
* * *
May bago na namang aabangan ang mga avid viewers ng ABS-CBN dahil magpi-premiere ang pinakabagong gag show na Klasmeyts. Siguradong isang masaya at kwela ang Klasmeyts dahil nagsama-sama ang mga magagaling na komedyante sa pangunguna nina Herbert Bautista, Bayani Agbayani at Paolo Contis. Kasama rin sina Michael Flores at Keempee de Leon.

Matagal na ring walang gag show ang Channel 2 kaya naman muli ay nag-conceptualize ang creative team ng Dos para mabuo ang ibang klaseng gag show na Klasmeyts sa pangunguna ng director na si Johnny Manahan at creative consultant Ariel Ureta.

Mapapanood ang kakaibang brand ng comedy mula kina Keempee, Michael, Bayani, Herbert at Paolo. Kumpletos rekados ang Klasmeyts dahil pinagsama-sama ang mga nakakatawang commercial spoofs, funny side of news and current affairs shows, action blockbusters at marami pang iba.
* * *
Palapit na nang palapit ang 18th Star Awards for Movies na gaganapin sa UP Theater sa Sabado, March 9. Siguradong lahat ng nominado sa nasabing awards night ay nae-excite and at the same time ay kinakabahan sa magiging resulta ng parangal. Isa na marahil sa nine-nerbyos ay si Carlo Aquino. Nominee siya bilang Best Actor for Minsan, May Isang Puso at Best Supporting Actor sa pelikulang Bagong Buwan.

Nang tanungin siya kung anong feeling kung sakaling manalo, nasabi niya na masyado pa raw maaga para mag-assume. Sobrang happy na raw siya dahil muli siyang napansin ng mga jurors. Nagulat nga si Carlo nang malaman na sa dalawang categories siya nominated. Kung ano man daw ang maging resulta-ke manalo o matalo ay lubos siyang nagpapasalamat sa members ng Philippine Movie Press Club o PMPC.

Natapat na may taping si Carlo for G-mik sa awards night kaya naman ginagawan ng paraan ni Ms. Cris Navarro, manager sa Talent Center na payagan siya ng G-mik na maka-attend at makahabol dahil in that way lang daw mapapakita ni Carlo ang gratitude niya for Star Awards.
* * *
For your comments and feedback, you can e-mail this writer [email protected].

vuukle comment

ARIEL URETA

BAGONG BUWAN

BATAS NG LANSANGAN

BAYANI AGBAYANI

DAHIL

KLASMEYTS

SIYA

STAR AWARDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with