Soap actress, feeling reyna!
March 5, 2002 | 12:00am
Sobra ang kaartehan ng sikat na aktres na ito na kinaiinisan ng production staff at mga kasamahang artista. Nalasing na yata ito sa tagumpay kaya nagbago na ng ugali. Kung suplada ito noon ay mas lalo ngayon dahil ni hindi na ito marunong ngumiti. Lagi itong nakasimangot kahit magpapalit lang ng damit, kaya ayaw lapitan ng production staff.
Kahit sa dressing room ay ayaw nitong may makasama kapag may show kaya kinakabitan ang pintuan ng "Bawal Ang Bisita Dito."
Minsan sa taping ng kanyang soap program ay na-late ito ng apat na oras at nang dumating ay ni hindi man lang humihingi ng paumanhin lalo na sa kasamahang dalawang premyado at beteranang aktres. Hindi na lang nila ito pinansin dahil siya ang bida sa palabas.
Natanggap na si Janice de Belen sa Ateneo University at ngayong pasukan ay mag-aaral na siya roon ng Psychology. Tama ang desisyon niya na ipagpatuloy ang pag-aaral dahil matalino naman siya at mahilig siyang mag-analyze ng behavior ng mga tao.
Sapul nang magkahiwalay sila ni John Estrada ay gumanda ang kanyang career lalo na sa telebisyon. Positive thinker siya. Sa halip na magmukmok sa isang tabi dahil sa problema ay lalo siyang na-challenge para ayusin ang buhay.
Maganda ang takbo ng Sis na sila ni Gelli ang mga host.
Umalis kahapon si Gladys Reyes para mag-show sa Japan. Makakasama niya si Leandro Muñoz. Babalik din siya rito by middle of March.
Excited si Gladys dahil first time niya ito sa Japan. Kasama niya ang kanyang ama. Nataon naman na pahinga muna siya sa taping ng soap opera dahil sa istorya ay nakulong siya sa mental hospital at kailangan munang magpagamot. Kaya natanggap niya ang offer sa Japan. Habang naroroon, dadalawin niya ang kanyang pinsan na nag-asawa sa Japan.
Ang kanyang kikitain dito ay ipandadagdag niya para sa downpayment ng dream house para sa kanyang pamilya.
Mayroon din siyang gagawing pelikulang katatawanan para sa Violet Films na pag-aari ni Violeta Sevilla. Isa itong independent prodyuser na taga-Guagua, Pampanga na gusto ring makatulong sa ating industriya. Bida sa pelikulang Kas & Karie sina Bayani Agbayani, Long Mejia at mga leading ladies na sina Gladys at Matet. Kasama rin nila si Daisy Reyes.
Dinalaw ko ang aking kaibigan at sikat na couturier na si Oskee Peralta. Abala siya ngayon sa gagawing pagdiriwang ng Mutya ng Tanauan sa pamumuno ni Mayor Alfredo Corona. Si Oskee ang gagawa ng mga gown sa 24 na kandidata na ang koronasyon ay idaraos sa March 10. Nakalabas na rin sa pelikula si Oskee at ngayon ay may gagawin siyang movie titled Rampadora kasama sina Melanie Marquez, isang baguhang aktres at iba pa under Asia Manhattan Films. Anytime ay baka simulan na ang syuting nito.
Nang minsang makausap ko si Patricia Javier ay sinabi niyang pangarap niyang maka-penetrate sa Hollywood.
May nakilala siyang agent sa Tate at interesado itong kunin siya kaya lang kailangan niyang mag-audition sa LA.
Sasamahan siya ng manager na si Jessica Rodriguez sa kanyang audition sa Abril at baka swertihin siya na maging isang international star.
Habang wala pang pelikulang ginagawa ay abala si Patricia sa mga show sa abroad gaya ng Japan.
Naimbyerna si Aya Medel sa intrigang may misteryosa siyang sakit (sexually transmitted disease) dahil hindi naman daw ito totoo. Pinahahalagahan niya ang personal hygiene at regular check-up kasama ang kanyang Chinese boyfriend. Hindi naman niya idini-deny na mayroon silang pre-marital sex ng nobyo pero never itong hahantong sa pagkakaroon niya ng STD.
Matagal-tagal din bago nasundan ang huli niyang pelikula kaya balik-bold na naman siya sa Eva Lason Kay Adan katambal sina Eddie Gutierrez at Allen Dizon sa direksyon ni Tony Bernal under K Productions.
Kahit sa dressing room ay ayaw nitong may makasama kapag may show kaya kinakabitan ang pintuan ng "Bawal Ang Bisita Dito."
Minsan sa taping ng kanyang soap program ay na-late ito ng apat na oras at nang dumating ay ni hindi man lang humihingi ng paumanhin lalo na sa kasamahang dalawang premyado at beteranang aktres. Hindi na lang nila ito pinansin dahil siya ang bida sa palabas.
Sapul nang magkahiwalay sila ni John Estrada ay gumanda ang kanyang career lalo na sa telebisyon. Positive thinker siya. Sa halip na magmukmok sa isang tabi dahil sa problema ay lalo siyang na-challenge para ayusin ang buhay.
Maganda ang takbo ng Sis na sila ni Gelli ang mga host.
Excited si Gladys dahil first time niya ito sa Japan. Kasama niya ang kanyang ama. Nataon naman na pahinga muna siya sa taping ng soap opera dahil sa istorya ay nakulong siya sa mental hospital at kailangan munang magpagamot. Kaya natanggap niya ang offer sa Japan. Habang naroroon, dadalawin niya ang kanyang pinsan na nag-asawa sa Japan.
Ang kanyang kikitain dito ay ipandadagdag niya para sa downpayment ng dream house para sa kanyang pamilya.
Mayroon din siyang gagawing pelikulang katatawanan para sa Violet Films na pag-aari ni Violeta Sevilla. Isa itong independent prodyuser na taga-Guagua, Pampanga na gusto ring makatulong sa ating industriya. Bida sa pelikulang Kas & Karie sina Bayani Agbayani, Long Mejia at mga leading ladies na sina Gladys at Matet. Kasama rin nila si Daisy Reyes.
May nakilala siyang agent sa Tate at interesado itong kunin siya kaya lang kailangan niyang mag-audition sa LA.
Sasamahan siya ng manager na si Jessica Rodriguez sa kanyang audition sa Abril at baka swertihin siya na maging isang international star.
Habang wala pang pelikulang ginagawa ay abala si Patricia sa mga show sa abroad gaya ng Japan.
Matagal-tagal din bago nasundan ang huli niyang pelikula kaya balik-bold na naman siya sa Eva Lason Kay Adan katambal sina Eddie Gutierrez at Allen Dizon sa direksyon ni Tony Bernal under K Productions.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended