Dolphy , nag-request ibalik si Claudine sa 'Riles'
March 4, 2002 | 12:00am
Muling napapanood si Claudine Barretto sa programang Home Along Da Riles. Si Dolphy mismo ang nag-request para ibalik siya sa show. Pwede pa naman dahilan sa pinalabas na kaya siya nawala sa show ay nag-aaral siya sa abroad. Syempre kapag ang "hari" ang nakiusap, mapapahindian ba niya kahit pa mahihirapan siyang pagsabay-sabayin ang kanyang taping sa Riles, yung sa Sa Dulo Ng Walang Hanggan at yung shooting niya sa Bicol ng movie niya with Aga Muhlach?
Excited din si Claudine sa ...Dulo... sapagkat makakasama niya rito ang kapatid na si Gretchen Barretto. Dati ay larawan lamang nito ang ipinakikita sa show pero naisip ng mga namamahala sa show na mas maganda kung mag-guest siya kaya pinakiusapan siya ni Claudine at hindi naman ito nahirapan na imbitahin ang kanyang kapatid. Kahit pa sinabi nito na maninibago siya dahil hindi na siya sanay. Matagal na siyang hindi lumalabas. Nakapag-tape na si Gretch ng kanyang episode para sa show.
Naimbitahan ako sa launching ng official website ng grupong RETRoSPECT na ginanap sa Casaluna Bar nung Huwebes ng gabi. Isinabay na rin ang launching sa regular gig ng grupo sa nasabing lugar at ang pagkuha sa kanila ng MTV sa direksyon ni Jaypee de Guzman, yes ang dating child actor. Kung may gusto kayong malaman sa RETRoSPECT matatagpuan sila sa kanilang website sa www. retrospect. hp
Ang grupo ay binubuo ng limang musikero (Saniel Cuison, lead guitar, Marion Villano, base, Jeffrey Enciso, drums, Joselito Cendana, keyboards, Joey Manota, alto & soprano sax) at ng apat na vocalists na sina Gold, Ogie, Em-j at J. Martin. Forte nila ang mga hit songs ng old millennium na binubuo ng 70s, 80s at 90s at ang kanilang mga original songs.
Sa buwang ito, ilalabas ng Harmony Music ng Alpha Records ang kanilang 2nd album na pinamagatang "The Luv Bug". Ang 1st album nila ay ginawa nila sa Dyna Music.
Mapapanood ang RETRoSPECT sa Ratsky Malate (Mondays), Ratsky Morato (Tuesdays), Strumms Jupiter, Makati (Wednesdays) at Casaluna Bar (Thursdays).
Excited din si Claudine sa ...Dulo... sapagkat makakasama niya rito ang kapatid na si Gretchen Barretto. Dati ay larawan lamang nito ang ipinakikita sa show pero naisip ng mga namamahala sa show na mas maganda kung mag-guest siya kaya pinakiusapan siya ni Claudine at hindi naman ito nahirapan na imbitahin ang kanyang kapatid. Kahit pa sinabi nito na maninibago siya dahil hindi na siya sanay. Matagal na siyang hindi lumalabas. Nakapag-tape na si Gretch ng kanyang episode para sa show.
Ang grupo ay binubuo ng limang musikero (Saniel Cuison, lead guitar, Marion Villano, base, Jeffrey Enciso, drums, Joselito Cendana, keyboards, Joey Manota, alto & soprano sax) at ng apat na vocalists na sina Gold, Ogie, Em-j at J. Martin. Forte nila ang mga hit songs ng old millennium na binubuo ng 70s, 80s at 90s at ang kanilang mga original songs.
Sa buwang ito, ilalabas ng Harmony Music ng Alpha Records ang kanilang 2nd album na pinamagatang "The Luv Bug". Ang 1st album nila ay ginawa nila sa Dyna Music.
Mapapanood ang RETRoSPECT sa Ratsky Malate (Mondays), Ratsky Morato (Tuesdays), Strumms Jupiter, Makati (Wednesdays) at Casaluna Bar (Thursdays).
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended