^

PSN Showbiz

FPJ, gusto nang simulan ang movie with Judy Ann

FRONT SEAT - Cristy Fermin -
Buhay na buhay pa rin ang magneto sa publiko ng Hari Ng Aksyon na si Fernando Poe, Jr. dahil sa unang araw ng pagpapalabas ng Batas Ng Lansagan ay parang dambuhalang sawa ang pila ng manonood sa lahat ng mga sinehan.

Ibang klase talaga ang karisma ni FPJ sa publiko, hanggang ngayo’y epektibo pa rin para sa manonood ng pelikulang Pilipino ang parapido niyang suntok.

Walang pakialam ang Pinoy sa bagsak na ekonomiya ng ating bayan, handa nilang ipagtabi mula sa maliit nilang kinikita ang pambayad sa takilya para sa pelikulang pinagbibidahan ng Hari Ng Aksyon.

Balita nami’y naka-1.7 million ang Hari ng Lansangan nu’ng magbukas ito sa mga sinehan, isang napakagandang balita, dahil matagal na panahon ding humilahod sa takilya ang mga pelikulang Pilipino.

Tuloy ay hindi na malaman ng mga prodyuser kung anong uri ba ng panoorin ang gusto ng mga tao, dahil mas madalas kaysa hindi, ay mababa ang kinikita ng halos lahat ng pelikulang ipinalalabas.

Ganu’n naman kasi kapag buo ang kredibilidad sa manonood ng artista, walang taghirap sa kanilang bokabularyo, sinusundan talaga ng tao ang isang magandang panoorin.

Dalawang beses naming nakakwentuhan nang halos magdamag sa Kilimanjaro Bar ni Judy Ann Santos si Tito Ronnie nu’ng nakaraang buwan.

Ang action star na dati’y pinanonood lang namin at hinahangaan ay hayun at kasama lang namin, nagkukuwento ng mga nakakaawang karanasan niya sa buhay, taong-tao sa kanyang pakikipagkapwa-tao.

Lahat ng makasalubong niya ay nandu’n palagi ang kanyang ngiti at pagbati, na sinusuklian naman ng mga tao ng kilig at pagkamay.

Hindi nga naman sa araw-araw ay makikita mo ang Hari Ng Aksyon, masuwerte nang makita mo sa labas ang action star na pati pananamit at pananalita at pagsuntok ay ginagaya ng kanyang mga tagahanga.
* * *
Nilalambing nga ni Tito Ronnie si Juday kung puwede na nilang simulan ang sequel ng Isusumbong Kita Sa Tatay Ko na ang magiging titulo na yata ay Magsabi Ka Muna Sa Tatay Ko.

Pero mukhang malabo pa nilang masimulan ‘yun, dahil marami pang nakalinyang dapat unahin si Juday kasama sina Sharon Cuneta at Richard Gomez.

Ang gusto ng marami ay si Piolo Pascual ang makasama nina FPJ at Juday sa gagawin nilang pelikula, ewan lang namin kung papayagan ng Star Cinema na du’n na isama ang binatang aktor, kaysa sa gagawin nila ni Juday nang sila lang ang bida.

Kapag natuloy ang pagsasama nina FPJ, Judy Ann at Piolo sa isang pelikula ay puwede na naming sabihin ngayon na hindi pa man ay nakasapatos na ang pera ng bayan para sa kanilang proyekto.

Walang katalo-talo ‘yun kapag natuloy, dahil nandu’n na ang Hari Ng Aksyon ay kabituin pa ang nangungunang tambalan ng bayan.

BATAS NG LANSAGAN

FERNANDO POE

HARI NG AKSYON

ISUSUMBONG KITA SA TATAY KO

JUDAY

JUDY ANN

JUDY ANN SANTOS

KILIMANJARO BAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with