Si Aga ang unang nakahalik kay Claudine!
March 2, 2002 | 12:00am
Anytime next week ay pupunta ng Bicol si Claudine Barretto para magsimula na ng kanilang pelikula ni Aga Muhlach para sa Star Cinema.
Isang dream movie ito ng isa sa major star ng box-office movie na Got 2 Believe. Simula pa nung Oki Doki Doc ay talagang pinangarap na niyang makapareha ito.
"Pero, hindi ito ang dream project namin ni Aga. Mayroon talaga kaming naisip na istorya, ala Leaving Las Vegas pero, at the time ay masyado pa akong bata para kay Aga na sa TV ay bf ng aking kapatid, portrayed by Agot Isidro. In real life ay parang ganito rin ang naging takbo ng istorya namin ni Aga. Dumadalaw siya sa sister kong si Gretchen (Barretto) nun," kuwento ni Claudine.
Tentative title ng movie ay Ginataang Apoy (sili) at ang role ni Aga ay isang chef. Hindi pa malaman ni Claudine kung isa na naman itong love story. Sa March 3 or 4 pa sila mag-uusap ni Direk Rory Quintos na siyang magdi-direct ng pelikula.
Unang nagkasama sa movie sina Claudine at Aga sa May Minamahal.Naulit ito sa Kailan Mo ako Mamahalin ni Director Marilou Diaz Abaya.
Si Aga ang first real and screen kiss ni Claudine. "I was 13 then. Kumain pa muna siya ng manggat bagoong before the take, tapos ayaw niyang mag-brush ng teeth. Isinumbong ko siya sa direktor," natutuwang kwento ni Claudine.
Dahil sa tagumpay ng Got 2 Believe, may mga nagsasabi na siya na raw ang reyna ng Star Cinema. "It is not true. Kaya siguro ako binibigyan ng magagandang projects dito ay because I really work so hard. I am not after titles. Masaya na ako na hindi ako nababakante. Kahit na one or two movies lang ang magawa ko a year, because of the soap opera. Naka-focus ako ngayon sa Sa Dulo Ng Walang Hanggan," dagdag pa niya.
Ikinuwento pala ni Claudine na nilagnat si Rico Yan dahilan sa nerbyos na makakatapat ng pelikula nila ang pelikula ni FPJ. Tuloy ay hindi ito nakapag-report sa MTB nang araw na mag-open ang movie nila. Wala pala itong dapat na ikabahala sapagkat kumita ang movie nila at maging yung kay FPJ.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended