'Dingdong and Jessa... In Love',live sa Batangas
March 1, 2002 | 12:00am
Busy ang summer nina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza. Tinapos ng mag-asawa ang unang quarter ng 2002 sa pamamagitan ng Dingdong and Jessa... In Love na idinaos sa Folk Arts Theater noong Pebrero 9. Ang ..In Love ay ang unang major concert na ginawa nila bilang couple. Pinakita sa concert ang mga talento nina Dingdong at Jessa sa pag-awit sa pamamagitan ng ilan sa pinakasikat na awitin ngayon at pati na rin ang mga homegrown love songs natin.
Bukod sa kanilang mga greatest hits, inawit din nina Dingdong at Jessa ang "Time of My Life", "I Finally Found Someone," at "Perfect Combination" among many other romantic songs. Sina Yam Ledesma, G-mix Choir, The Noisy Neighbors at ang comedienne na si Marissa Sanchez ang kanilang nakasama sa show.
Ang nasabing concert ang kanilang pre-Valentine treat sa lahat ng mga romantic. Si Dingdong mismo ang nag-conceptualize ng buong show at siya rin ang nag-direct. Ang Dingdong and Jessa... In Love ay nagdo-document ng mga kaligayahan at iba pang realidad ng pag-ibig mula sa first meetings hanggang sa courtship hanggang sa breaking up hanggang sa commitment at intimacy.
Magkakaroon ng repeat ang concert sa Marso 3 sa Lyceum of Batangas Gymnasium. Ito rin ang unang leg ng provincial tour ng ...In Love. Sa Abril 30, lilipad sina Dingdong at Jessa sa Seoul, Korea para sa isang show na prinodyus ng Filipino Migrant Workers. Ang concert na ito ay in preparation para sa US Tour ng Dingdong and Jessa... In Love na magaganap sa ikatlong quarter ng taon.
Samantala, napili si Jessa ng Meralco para mag-perform sa taunang corporate show nito sa Marso 16. Mayroon ding negosasyon si Jessa upang gumawa ng two-movie contract na scheduled na matapos within the year.
Si Dingdong naman ay isa sa mga featured ng Bantay Kalikasan Street Party ng ABS-CBN sa darating na Marso 22. Tinatapos din niya ang kanyang debut at full-length album under Star Records in time para sa commercial release nito sa ikatlong linggo ng Abril.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended