^

PSN Showbiz

Sino ang ama ng isisilang ni Karla?

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Kumpirmadong buntis nga si Karla Estrada. In fact, anytime now ay manganganak nga ito. Nakausap namin ang aktres recently at ayon sa kanya, hinihintay na lang niya ang kanyang due date. Sa tono ng salita ni Karla, mukhang masaya naman siya. Hindi niya pinagsisisihan na sa kabila ng kanyang papabalik nang career ay muli na naman siyang nagmahal.

"Ako kasi yung tipo ng babae na kapag pinasok ang isang bagay at alam ko naman na gusto ko, hindi ko pinagsisisihan. At least, malinis ang konsensiya ko," sabi nito sa amin.

Aware si Karla na may magtataas na naman ng kilay dahil third baby na niya ito at iba naman ang ama. Matatandaan na mayroong anak si Karla courtesy of Rommel Padilla at yung isa kay Naldy Padilla naman.

"Kesa naman, ipalaglag ko, mas malaking kasalanan yun. Alam ko na magdadala ng suwerte sa akin ang bagong baby ko."

Ayaw nang magbigay ng impormasyon sa amin si Karla tungkol sa identity ng ama ng kanyang isisilang. Basta ayon sa kanya, taga-Philadelphia ito at kaibigan ng kanyang American father.

Nangako si Karla na tatawagan kami as soon as isilang niya ang kanyang third baby. Come June ay aalis si Karla papuntang America para mag-show sa mga Pinoy community doon.
* * *
Naaawa kami kay Carlo Aquino nang makita namin sa bakuran ng ABS-CBN na nakasaklay. Naaksidente ang batang aktor habang naglalaro ng basketball. Namimilipit pa ito sa sakit nang makausap namin.

"Actually kuya, umaga pa nangyari yung accident. Hindi ko pa yun naramdaman right away. Noong pagabi na, naramdaman ko na lang yung pangingirot. Hanggang makita ko na lang na namamaga na. Buti na lang, napansin agad ni Tita Cris (Navarro, her handler in Talent Center) at ipinakuha agad niya ako ng saklay," sabi nito sa amin.

Medyo naibsan ang pananakit ng kanyang paa nang tanungin namin kung ano ang reaksyon niya sa double nomination niya sa nalalapit na Star Awards for Movies. Nominado siya sa best actor and best supporting actor categories.

"Naku, huwag n’yo pong banggitin yan, lalong kumikirot ang paa ko," sabi nito pero may ngiti.

Mukhang si Carlo na nga ang masasabing susunod sa yapak ni Jericho Rosales bilang pinaka-promising na batang aktor. Matatandaan na ganito rin ang simula ni Jericho. Dala-dalawa rin ang nomination nito pagdating sa acting awards.

Dalangin namin na isa man lang sa dalawang awards ay maiuwi ni Carlo. Sa totoo lang, napakahusay talaga niyang aktor.
* * *
Nalungkot kami sa balitang pumanaw na ang ina ni Alma Moreno, si Mrs. Jean Laxamana noong Sabado ng hapon. Ang katotong Mario Garcia ang nagparating sa amin ng balita na kinumpirma naman ni Neil de Guia. Hindi kami malapit kay Alma. Mas close kami kay Joey Marquez. Pero sa ganitong sitwasyon kung saan isang haligi ng buhay ng isang tao ang nawawala, dumudugo ang puso namin.

Ayon sa impormasyong nakarating sa amin, Mrs. Laxamana suffered a stroke at agad itong dinala sa ospital. Ilang oras bago yun nangyari ay nag-guest pa si Alma sa Magandang Tanghali Bayan kung saan nagkaroon siya ng dance showdown with Vanessa del Bianco.

Kasalukuyang nakahimlay ang labi ni Mrs. Laxamana sa Holy Trinity Memorial Chapel sa Sucat, Parañaque kung saan binurol din si Ishi Raquiza, ang sumakabilang buhay ding girlfriend ni Vandolph. Hindi pa namin alam kung kailan ang libing.

Mula rito sa amin sa Pilipino Star Ngayon, ang aming pakikiramay sa mga naulila ni Mrs. Laxamana.
* * *
For your comments and feedback, you can e-mail me at [email protected].

ALMA MORENO

CARLO AQUINO

CENTER

COME JUNE

HOLY TRINITY MEMORIAL CHAPEL

ISHI RAQUIZA

KARLA

MRS. LAXAMANA

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with