^

PSN Showbiz

Jay B, bagong ballader

-
May bagong iidolohin ngayon ang masang Pilipino, lalo na ang mga kababaihan. Malakas ang dating, lalaking-lalaki, simpatiko at matalino. Siya ay bagong recording artist na ang mga cassette tapes at compact discs ay idine-distribute ng Ivory Records.

Siya ay si Jay B!

Siya ay nasa kanyang mid-twenties at mababakas sa kanyang mukha ang pagiging responsibilidad at pagnanais na pumalaot sa larangan ng pag-awit.

Sa personalidad pa lang, lalampasan si Jay B. Ang presence niya kapag siya ay nasa isang grupo ay kaagad mararamdaman ng sinuman. Maliban sa pagiging gentleman niya kung kumilos, malalim kung manalita ang binatang mula sa Ilocos Norte.

Nag-umpisa sa murang edad si Jay B nang makahiligan niyang kumanta. Dahil sa hilig nga niya ang musika, natuto siyang tumugtog ng gitara at lumikha ng mga awitin partikular na para sa kanyang sarili. Hanggang sa ito ay kanya nang nakalakihan.

Kaya dito sa kanyang debut album na isang self-titled, halos lahat ay sarili niyang komposisyon. At sa tulong ng kanyang butihing ina, naisakatuparan ang pagre-recording niya.

Limang taon niyang pinaghandaan ito at ngayon ay natupad na ang kanyang pangarap.

Ang album na ito ay ginawa niya sa Estados Unidos, sa Orange County ng California, kung saan naninirahan ang kanyang ina. Mula sa Pilipinas, nagtungo pa doon si Jay B upang isagawa ito.

Tapos na sa kolehiyo si Jay B at may sariling negosyo sa probinsiya kung kaya naisipan naman niyang pumasok sa showbusiness para isakatuparan ang sariling hilig.

DAHIL

ESTADOS UNIDOS

HANGGANG

ILOCOS NORTE

IVORY RECORDS

JAY B

KANYANG

KAYA

ORANGE COUNTY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with