^

PSN Showbiz

Robin, marami pa ring kaibigan sa Bilibid

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
For obvious reason kaya relate na relate si Robin Padilla sa kanyang role sa Hari ng Selda (Baby Ama 2). Pero feeling ni Robin, walang masyadong challenge ang role niya dahil actual niyang na-experience ang character niya sa pelikula. Tapos sa New Bilibid Prison in Muntinlupa pa kinunan ang buong pelikula under the direction of Deo Fajardo Jr. for Viva Films.

Almost 80% ng pelikula ang base sa experience niya nang makulong siya sa kasong illegal possession of firearms several years ago. Three years ding nakulong si Robin. Kaya naman tinulungan niyang magsulat ng script ng Hari Ng Selda ang mentor niyang si Direk Fajardo.

"Ang saya-saya ko nung ginagawa namin ‘to dahil nakasama ko uli ‘yung mga kaibigan kong nasa loob. Naalala ko na maraming mabubuting bagay na nagawa sa akin ang Bilibid," he said.

I always remember din, na no’ng unang linggo ni Robin sa Bilibid, dumalaw kami. Si Phillip Salvador with Ms. Ethel Ramos ang nag-organize ng nasabing visit.

Kinukuwento pa ni Robin noon na hindi siya makatulog sa gabi dahil parang takot na takot siya dahil pakiramdam niya may nakabantay sa kanya. Pero hindi nagtagal ang ganoon. Nakapag-adjust ang actor kaya madali siyang nabigyan ng parole.

In any case, ang iba lang sa real story niya sa kuwento ng pelikula ay nang ma-in love ang character niya sa isang Psychology student (Angelika dela Cruz) na dumalaw sa Bilibid Prison for an exposure trip. Walang ganoong nangyari during the time na nasa Bilibid siya. Actually, kabaliktaran nga ito dahil nasa loob siya nang pakasalan niya si Liezel.

Anyway, the movie is Robin’s first hard action flick after a series of romance comedies - Kailangan Ko’y Ikaw with Regine Velasquez and Pagdating Ng Panahon with Sharon Cuneta.

Samantala, matagal ding hindi idinirek ni Deo Fajardo si Robin dahil nagkaroon sila ng misunderstanding na naging rason para pansamantala silang hindi mag-usap. Pero in the end, napag-usapan naman ang lahat kaya ngayon, magkasama na naman sila sa Hari Ng Selda (Baby Ama 2).

Maraming fight scene si Robin sa pelikula, showing his mastery of guns and mano-mano combat. He is particularly proud of the fight scenes, since they were shot with a steady cam, meaning wala silang chance na sumigaw ng cut. The fight scenes were shot on a continues basis from the start to finish.

Aside from Angelika, also in the movie is Raven Villanueva.

Hari Ng Selda (Baby Ama 2
) is set to kick off in Metro Manila theaters on March 13.
*****
Pumayag na ring mag-artista si Nina Ricci Alagao, 2001 Binibining Pilipinas Universe via Got 2 Believe starring Rico Yan and Claudine Barretto. Lifestyle editor ang role ni Nina sa pelikula and cousin of Lorenz (Rico). One shooting day lang siya pero puring-puri siya ni Direk Olive Lamasan dahil very natural daw ang acting ng dating beauty queen. Direk Lamasan described her as ‘a natural and has a talent for acting.’

During her reign marami na siyang movie offer pero hindi niya tinanggap dahil pakiramdam niya, magkakaroon ng conflict sa kanyang responsibility as Binibining Pilipinas-Universe. "Saka gusto kong mag-start sa small role para maging magaling na actress. Ganoon ang belief ko. Ayokong mag-start as leading lady agad," she said in an interview after the presscon of Got 2 Believe.

Action movie ang unang offer sa kanya. "Ayoko kasing maglakas loob na pumasok nang wala naman akong alam."

Graduate si Nina ng Visual Communication sa UP Diliman. After college saka lang siya nag-join sa beauty pageant. Nag-host na rin siya ng Eezy Dancing for almost nine months. Pinalitan niya sa nasabing dance show si Lana Asanin.

Loveless si Nina sa kasalukuyan. Almost one year na since mag-split sila ng last boyfriend niya.

Aside from Rico, Claudine and Nina, also in Got 2 Believe movie are Carlo Muñoz, Dominic Ochoa, Vhong Navarro, Nikki Valdez, Wilma Doesn’t, Maribeth Bichara, Jackie Castillejo among others.
*****
Nakatakdang dumating sa bansa ang phenomenal French singing sensation na si Larusso sa susunod na linggo para sa promo tour ng kanyang latest album under EMI Music. Lalapag ang eroplano ni Larusso sa Lunes ng gabi. Deretso siya ng Cebu at Davao bago ang kanyang big show dito sa Manila.

Last year nang makilala ang French singer sa bansa dahil sa kanta niyang "On Ne S’aimera Plus Jamais" na nagtagal sa music charts nang kung ilang buwan. At kahit hindi naiintindihan ng kanyang mga fans na Pinoy kung ano ang ibig sabihin ng kanta (kasi nga French), sinasabayan nila ito sa kakaibang melody. Naging favorite ring tone rin ito.

Ngayon pagkatapos bumenta ng mahigit dalawang milyong album worldwide, nagbabalik si Larusso na kakaibang anyo, tunog at image sa kanyang self-titled album. Twelve ang song na kasali sa album. Ang carrier single ay "Tous Unis (Give Me Love)" ay madalas nang naririnig sa local radio stations. Nagpapatunay lang ito na hindi one-hit wonder si Larusso.

Sa kanyang new album, piling-pili ang mga songs - malinis na tunog dahil sa state-of-the-art recording facilities sa Europa.

Sa Tuesday and Wednesday (February 26&27), mapapanood siya ng mga Cebuano bago niya yayanigin ang Davao sa Thursday, February 28. Babalik siya sa Maynila para sa kanyang grand Larusso Live concert sa March 1 na gaganapin sa NBC Tent - The Fort.
*****
Salve V. Asis’ e-mail:[email protected]/[email protected]

BABY AMA

BILIBID

DAHIL

HARI NG SELDA

KANYANG

LARUSSO

NINA

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with