Nikki Valdez, naka-recover na kay Troy !
February 23, 2002 | 12:00am
Akala ng marami ay matatagalan bago maka-recover si Nikki Valdez sa naging break-up ng walong buwang relasyon nila ni Troy Montero.
"Ganito rin ang akala ko. Una, mahirap. Parang ayaw ko nang magising. Kahit gutom ako ayaw kong kumain. Naging self-destructive ako. Pero, dinagdagan ko ang prayers ko. Nag-work out ako. Naging malaking tulong ang pamilya ko sa mabilis na recovery ko.
"Wala namang sama ng loob ang isa man sa pamilya ko kay Troy, sa naging paghihiwalay namin. Nasayangan lang sila. First relationship ko kasi na naging masyadong open. Pati mga kamag-anak ko sa abroad, alam ang naging relasyon namin. Aware rin sila sa naging break-up."
Naniniwala ba siya na ginamit lamang siya ni Troy?
"Hindi, during the relationship, I felt it was genuine. Mabait siya, hes really a nice person, mapagpatawa. Kung titingnan mo parang intimidating siya pero, hes really sweet."
Napantayan ba niya ang magagandang characteristic na ito ng naging boyfriend niya?
"I think so. Inasikaso ko rin siya. I always made sure na okay siya."
Ano pang mga bagay ang mami-miss niya kay Troy?
"Yung mga good memories, marami yun. Yung maganda niyang relasyon sa pamilya ko, super close siya sa kanila.
"Mami-miss ko rin yung madalas niyang pagkain sa bahay. Hes so easy to feed. Lahat kinakain niya. Paborito niya ang ara-rosep (seaweeds). Nung first dinner namin, dinala namin siya sa Dampa, ang dami niyang kinain.
"Ill also remember the many lessons he taught me. Like I was a brat nang makilala ko siya. Napaka-moody ko, ang dali kong magalit. He has changed this. He taught me how to be humble and how to say sorry."
Is she hoping for a reconciliation?
"Hindi na siguro pero, kung magkakaroon ng chance, siguro marami muna kaming dapat pag-usapan," pagtatapos niya.
Samantala. Maraming trabaho si Nikki, isang dahilan kung bakit madali siyang naka-recover. "Wala kasing time na mag-isip pa ng mga nangyari. After the break-up agad akong nasabak sa maraming trabaho," imporma niya.
Isa rin siyang wedding planner na katulad ni Claudine Barretto sa Got 2 Believe na nakatakdang ipalabas sa ika-27 ng buwang ito. Starring din si Rico Yan sa romantic film na ito na nasa direksyon ni Olive Lamasan.
Wala pala sa bansa ang magaling na direktor na si Joel Lamangan. Isang mahusay na character actress ang nagbigay sa akin ng impormasyon na nasa Amerika ito, specifically sa Hollywood, para mag-audition para sa isang pelikula. Sana naman ay swertihin si Joel. Swerte lamang naman ang kailangan niya. May talino na siya.
Interesado pala ang World Arts Cinema na pinamumunuan ni Jojo Galang na kunin ang serbisyo ni Leandro Muñoz para gumanap ng title role ni Erlinda Marikit. Isang pelikula ito na hahamon sa kakayahan ni Leandro who has just starred in the hit movie, Kung Ikaw Ay Isang Panaginip. Si Erlinda Marikit ay isang bakla na magkakaroon ng mga relasyon sa kapwa niya lalaki.
Will Leandro be bold enough to accept the role? At payagan kaya siya ng Star Cinema?
I thought she look familiar nang makita ko siya sa last presscon ng Got 2 Believe. Hindi ko lang maalala kung saan ko siya unang nakita. And then I remembered. Nakasama namin siya sa dedication ceremonies ng Viva Films, nang i-donate nila sa Manila Post Office park yung bench na ginamit sa pelikulang Ikaw Lamang Hanggang Ngayon.
Angel Jacob ang pangalan niya, gumaganap ng nakatatandang kapatid ni Claudine Barretto na palaging tumutukso dito dahilan sa tumatanda na itong dalaga.
Galing din sa mundo ng advertising si Angel, pinaka-latest niya yung paglabas sa mga commercials ng Secret at Colgate. Napapanood din siya sa seryeng Sa Dulo Ng Walang Hanggan bilang artista at host ng mga programang Breakfast sa Studio 23 with co-host JC Gonzales at Access sa Cinema 1 with Bambam Aquino and JC Gonzales.
Bagaman at magaganda ang natatagpuan niyang trabaho, ang pagiging artista ang nagbibigay sa kanya ng malaking excitement. "Hindi ako makapaniwala na ang mga artistang dati ay napapanood ko lamang at hinahangaan ay kasama ko na ngayon. And I cant believe that they are welcoming me with open arms. Napaka-warm nila and friendly," sabi niya.
Pero nang tanungin siya kung alin sa mga ito ang nagbibigay sa kanya ng pinaka-malaking talent fee, sinabi niyang "More than the money, its the experience that I get from acting that give me the greatest pleasure. And the people that I meet. Its work at play," dagdag pa ni Angel.
"Ganito rin ang akala ko. Una, mahirap. Parang ayaw ko nang magising. Kahit gutom ako ayaw kong kumain. Naging self-destructive ako. Pero, dinagdagan ko ang prayers ko. Nag-work out ako. Naging malaking tulong ang pamilya ko sa mabilis na recovery ko.
"Wala namang sama ng loob ang isa man sa pamilya ko kay Troy, sa naging paghihiwalay namin. Nasayangan lang sila. First relationship ko kasi na naging masyadong open. Pati mga kamag-anak ko sa abroad, alam ang naging relasyon namin. Aware rin sila sa naging break-up."
Naniniwala ba siya na ginamit lamang siya ni Troy?
"Hindi, during the relationship, I felt it was genuine. Mabait siya, hes really a nice person, mapagpatawa. Kung titingnan mo parang intimidating siya pero, hes really sweet."
Napantayan ba niya ang magagandang characteristic na ito ng naging boyfriend niya?
"I think so. Inasikaso ko rin siya. I always made sure na okay siya."
Ano pang mga bagay ang mami-miss niya kay Troy?
"Yung mga good memories, marami yun. Yung maganda niyang relasyon sa pamilya ko, super close siya sa kanila.
"Mami-miss ko rin yung madalas niyang pagkain sa bahay. Hes so easy to feed. Lahat kinakain niya. Paborito niya ang ara-rosep (seaweeds). Nung first dinner namin, dinala namin siya sa Dampa, ang dami niyang kinain.
"Ill also remember the many lessons he taught me. Like I was a brat nang makilala ko siya. Napaka-moody ko, ang dali kong magalit. He has changed this. He taught me how to be humble and how to say sorry."
Is she hoping for a reconciliation?
"Hindi na siguro pero, kung magkakaroon ng chance, siguro marami muna kaming dapat pag-usapan," pagtatapos niya.
Samantala. Maraming trabaho si Nikki, isang dahilan kung bakit madali siyang naka-recover. "Wala kasing time na mag-isip pa ng mga nangyari. After the break-up agad akong nasabak sa maraming trabaho," imporma niya.
Isa rin siyang wedding planner na katulad ni Claudine Barretto sa Got 2 Believe na nakatakdang ipalabas sa ika-27 ng buwang ito. Starring din si Rico Yan sa romantic film na ito na nasa direksyon ni Olive Lamasan.
Will Leandro be bold enough to accept the role? At payagan kaya siya ng Star Cinema?
Angel Jacob ang pangalan niya, gumaganap ng nakatatandang kapatid ni Claudine Barretto na palaging tumutukso dito dahilan sa tumatanda na itong dalaga.
Galing din sa mundo ng advertising si Angel, pinaka-latest niya yung paglabas sa mga commercials ng Secret at Colgate. Napapanood din siya sa seryeng Sa Dulo Ng Walang Hanggan bilang artista at host ng mga programang Breakfast sa Studio 23 with co-host JC Gonzales at Access sa Cinema 1 with Bambam Aquino and JC Gonzales.
Bagaman at magaganda ang natatagpuan niyang trabaho, ang pagiging artista ang nagbibigay sa kanya ng malaking excitement. "Hindi ako makapaniwala na ang mga artistang dati ay napapanood ko lamang at hinahangaan ay kasama ko na ngayon. And I cant believe that they are welcoming me with open arms. Napaka-warm nila and friendly," sabi niya.
Pero nang tanungin siya kung alin sa mga ito ang nagbibigay sa kanya ng pinaka-malaking talent fee, sinabi niyang "More than the money, its the experience that I get from acting that give me the greatest pleasure. And the people that I meet. Its work at play," dagdag pa ni Angel.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended