^

PSN Showbiz

Manager at aktor nag-away sa bar!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Naikwento ng aking source na malapit sa talent manager at alaga nitong aktor na minsan ay nagpunta sa isang music bar ang dalawa kasama ang ilang kaibigan. Uminom ng alak ang talent manager hanggang naging tipsy na ito.

Maya-maya ay biglang nawala sa kanyang paningin ang alagang aktor, akala niya ay umalis na ito at iniwan siya. May nakapagsabi sa talent manager na naroon lang ang alagang aktor sa katabing bar kaya sinundan niya ito. Marami-rami na ring nainom ang manager kaya iba na ang kilos nito at mainit ang ulo. Nilapitan nito ang aktor at sinurut-surot na waring sinusumbatan dahil sa rami nang naitulong niya rito. Bukod sa pelikula, napalaki rin niya ang pangalan nito. Walang nagawa ang aktor habang nagwawala ang manager sa galit. Hindi nito pinansin ang ibang taong naroon sa bar na nakatingin lang sa kanila.

Sabi naman ng ibang nakakakilala sa talent manager ay mabait naman ito at may sumpong lang kapag lasing na at ang napagtitripang sermunan o sumbatan ay ang alagang aktor na nagbida na rin sa pelikula kung saan mismong manager ang naging prodyuser dahil madatung ito.
Ang B-Day Gift Ni Bernard Kay Rica
Magdiriwang ng kanyang kaarawan si Rica Peralejo sa March 7. Twenty one years old na siya. Noong mga nakaraang taon ay imported puppy ang regalo ni Bernard Palanca sa kanyang nobya. Ano naman kaya ang gift nito kay Rica sa taong ito. "Pupunta kami sa Boracay at ito bale ang regalo niya sa akin pero kasama ko ang aking magulang at kapatid samantalang kasama naman niya ang kanyang mommy at kapatid din. It’s a family affair. Magkasundo ang aming pamilya at boto ang mommy at daddy ko kay Bernard dahil mabait ito at mapagmahal. Yung nga lang sobrang seloso nito. Pero never itong nakialam sa aking career at suportado niya ako," ani Rica.

Gusto ng seksing aktres na mag-ipon muna silang dalawa at malayo pa sa isipan na lumagay sila sa tahimik.
Raven, May Solo Movie
Nakausap ko si Raven Villanueva na kasama sa pelikulang Hari ng Selda (Baby Ama 2). Isang rape victim ang role niya sa pelikula at handa na siyang sumabak sa maiinit na eksena. "Nang magpaseksi ako ay gumanda ang aking career at tuluy-tuloy ang paggawa ko ng pelikula. Handa rin akong maghubad basta’t kailangan sa istorya at magaling ang director. Alaga naman ako ng Viva Films," anang aktres.

Baka sa isang buwan ay matuloy na ang syuting ng Boso na siyang launching movie niya. Makakapareha niya ang hinahangaang si Albert Martinez.
Halina, Insecure Kay Monina?
Sa presscon ng Hinog sa Pilit…Sobra sa Tamis ay may nagtanong kay Halina Perez kung hindi ba siya nai-insecure sa baguhang aktres na si Monina Perez na siya ngayong bagong alaga ng Leo Films.

Ayon sa magandang aktres ay never siyang na-insecure dito bagkus itinuturing niya itong isang kamag-anak.
Masugid Na Mambabasa Sa Hongkong
Na-touched ako kay Miss Lonely Woman na nagtatrabaho sa Hongkong na sumulat sa akin dahil avid reader siya ng PSN. Mahaba ang kanyang liham kaya ibabahagi ko ang pinakabuod nito.

Ayon kay Lonely Woman nang mabasa niya ang isinulat ko tungkol kay Korina Sanchez ay di niya mapigilan na maluha dahil pinagpala ang broadcaster sa pagkakaroon ng masayang pamilya bukod pa sa pagiging matagumpay sa kanyang trabaho. Inihambing nito ang kanyang sarili kay Korina kung saan pakiramdam ko ay nagkaroon siya ng self-pity. Ayon dito labingwalo silang magkakapatid. Dalawa lang ang nakatapos ng high school at karamihan ay nagsipag-asawa na kahit bata pa. Ang kanyang ama ay iresponsable, sugarol, babaero at walang ginawa kundi humingi nang pera. Ayon kay Lonely Woman ay hindi niya kayang pagsabay-sabayin ang paghingi nila ng pera kaya sumasakit na ang ulo nito. "Naiinggit po ako doon sa kakaunti lang na magkakapatid at mayroon pang responsableng ama," aniya.

Ang maipapayo ko lang kay Miss Lonely Woman ay dagdagan pa ang tibay ng loob at pananalig sa Diyos at ipanalangin na sana’y dumating ang panahong magbago ang ama. Alagaan din niya ang kanyang katawan at mag-ipon para sa sarili dahil siya ang tumatayo ngayon (kasama ang kanyang ate) bilang breadwinner ng pamilya. Maging positive thinker at isipin na pagkatapos ng lahat ng problema o unos sa buhay ay mayroon ding bagong pag-asang darating.

PANAWAGAN: Magkaroon ng 50th Grand Alumni Homecoming ang mga graduates Batch ’52, na idaraos sa E. Rodriguez Jr. High School, Mayon Ave. sa La Loma Q.C. sa February 23 at 6 p.m. Tumawag lang kay Bernie Rebulado sa telepono blg. 936-133.0

AYON

CENTER

KANYANG

KAY

LANG

LONELY WOMAN

NITO

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with