Kailangan bang talaga ng lovescene nina Binoe at Angelika?
February 21, 2002 | 12:00am
Hindi lamang nag-iiyak si Angelika dela Cruz matapos kunan ang lovescenes nila ni Robin Padilla para sa pelikula ng Viva Films na pinamagatang Hari Ng Selda Anak Ni Baby Ama 2. May ilang minuto ring parang natulala siya, hindi makausap.
"Okay na yung kissing scenes. Alam ko naman na bahagi yun ng aking growth bilang isang artista. I can not be sweet forever. Somehow, kailangan kong mag-mature at ang ganitong mga eksena ay bahagi na ng pelikula pero, ibang bagay yung lovescenes. Mas maselan ito pero kailangan kong gawin. Katunayan, hindi lamang ang direktor naming si Deo Fajardo, Jr. ang nagsabi nito sa akin kundi maging si Direk Joyce Bernal na hiningan ni Robin ng tulong para ako makumbinsi na gawin ang mga love scenes," paliwanag ni Angelika na ngayon lamang nakatikim ng kanyang first screen kiss and lovescene.
Marami ang nag-iisip na bilang sumulat ng istorya at script ng pelikula ay baka inilagay lamang ni Binoe ang mga nasabing eksena dahil matagal na niyang crush si Angelika pero, si Binoe na mismo ang nagsabi na talagang kailangan yon sa istorya, hindi maiiwasang hindi lagyan.
"In fairness, tinulungan niya naman akong (Robin) ma-execute ng maaayos ang love scenes. Yung reaksyon ko naman ay dulot lamang ng hiya at nerbyos dahil maraming nanonood habang kinukunan ang eksena," dagdag na paliwanag ni Angelika.
Isang bilanggo si Robin sa Hari ng Selda at isang istudyante naman si Angelika na nagbago ang takbo ng buhay nang makilala si Robin.
Dahilan sa mga naganap sa kanila sa pelikula, marami ang nag-aakala na mayroon nang relasyon ang dalawang major stars ng movie. Madalas kasing makita silang lumalabas at magkahawak kamay pa.
"Syempre, after shooting, iniimbita ko siyang kumain pero never na kaming dalawa lamang. Kasama ko ang mga pinsan ko at kasama naman niya ang mga fans niya. Bahagi lang yun ng pag-aasikaso ko sa kanya bilang leading lady ko," pagtatanggol naman ni Binoe.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended