^

PSN Showbiz

Jao & Princess, babalik sa GMA !

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Maybe not many people remember na nagsimula ng career si Direk Olive Lamasan sa isang earth-shaking controversy. Yes folks sa 1994 Manila Film Festival kung saan nagkaroon ng switching of envelopes containing the name of the best actor (Edu Manzano, the real winner) and best actress winner who happened to be Aiko Melendez, lead actress ng Maalaala Mo Kaya na siya ang director.

Doon nagsimula ang lahat - ang career ni Direk Lamasan. Hindi nagtagal nakilala siya bilang award-winning director.

Siya ang nagbigay kay Sharon Cuneta ng grand-slam award for her performance sa kanyang obra - Madrasta.

Isa rin sa hindi malilimutang pelikula ni Lamasan ang Sana Maulit Muli starring Aga Muhlach and Lea Salonga na kinunan sa US. The movie was named best picture by Urian Awards the following year (1997).

Si Direk Lamasan din ang nagsimula ng Pangako Sa ‘Yo bago nag-take over si Rory Quintos.

In 1999, nakasama sa Top 3 top grosser for 1999 ang Minsan Minahal Kita starring Sharon Cuneta and Richard Gomez na si Lamasan din ang director.

At sa kanyang latest obra, Got To Believe starring Rico Yan and Claudine Barretto, Direk Olive goes romantic with a feel-light/feel good love story tungkol sa isang wedding planner and a glamour photographer who end up with each other.

Ang nasabing pelikula ay mula sa screenplay ni Direk Olive kasama si Mia Concio, ang president and chairman ng National Broadcasting Network (Channel 4) sa kasalukuyan.

Big screen comeback ito ng real life sweethearts (Rico and Claudine) with Dominic Ochoa, Vhong Navarro and Nikki Valdez.
* * *
Balik-showbiz si Jao Mapa after two years of absence. Yes folks, this coming Thursday mapapanood si Jao sa Kasangga - sa episode na Pumanaw na Lolo, Sumaklolo as tricycle driver na maniac.

Matagal-tagal ding hindi napanood si Jao sa pelikula at telebisyon. Marami noong speculation sa kanyang pansamantalang pagkawala. Actually, dumating pa sa punto na sinasabing nagda-drugs siya kaya nangangayayat na naging rason din para iwan niya ang showbiz.

Wala siyang sinabing dahilan as in hindi siya nagsalita o nagpaliwanag kung bakit siya aalis.

A month ago nang lumabas sa talk show at magpa-interview uli si Jao. Sinagot niya lahat ng mga speculations sa kanyang pag-alis sa showbiz noon at anong ginawa niya during the time na wala siya sa limelight.

Sinabi ni Jao sa ilang interview na nag-concentrate siya sa pag-aaral. Hindi niya lang daw ma-take ang intriga at dumating sa point na parang burnt out na siya sa nangyayari sa career niya kaya siya nagpahinga.

At ngayon ngang pumayag siyang umarte uli, inaasahang magiging active na naman ang career niya. May ilang producer na rin ang nag-express ng interest para kunin siya.

In any case, ayon sa isang insider ng GMA 7, noong una ay medyo hesitant si Jao na tanggapin ang role, pero nang i-present nila ang script, in the end, na-convince rin nila ang actor.

Wala naman daw masyadong adjustment sa pagbabalik ni Jao. In fact, parang miss na miss nito ang pag-arte kaya madali nilang natapos ang taping. At pakiramdam nila sa pagbabalik ni Jao mas magaling na actor na siya - may lalim ang acting.

Makakasama ni Jao sa nasabing episode si Princess Punzalan na kelan lang ay nag-decide na ring mag-quit sa showbiz. Nagpaalam na noon si Princess na magma-migrate na lang siya sa America dahil pakiramdam niya, wala na siyang privacy. Simpleng buhay lang daw kasi ang gusto niya. Pero nag-change siya ng plan matapos silang mag-split ng boyfriend niyang Pastor.

Hindi raw nag-agree si Princess sa idea ng bf niya na magta-travel sila para mag-share ng salita ng Diyos.

Isang source rin ang nagsabi na maraming offer ng ABS-CBN ang tinanggihan ni Princess dahil decided na siyang iwan ang showbiz. Kaya ngayon tuloy, maraming curious kung bakit siya napapayag ng Kasangga na magbalik-TV? May sama rin kaya siya ng loob sa ABS-CBN kaya sa GMA siya pumayag na umarte uli?

At any rate, aside from Jao and Princess, kasama rin sa February 21 episode ng Kasangga na napapanood every Thursday, 9:00-10:30 p.m. sina Jon Arcilla, Spanky Manikan and Hannah Bustillos.
* * *
Feel mag-showbiz ng first runner up sa Miss Mandaluyong, si Amadea Paula Quijano Umisa.

Ayon kay Paula, gusto niyang mag-showbiz pero wala sa plano niyang mag-join sa bold wagon. "Hanggang wholesome lang po ang kaya kong gawin," she said.

UP student si Paula at kahit magkaroon siya ng break sa showbiz, magiging priority pa rin niya ang studies niya.

After Ms. Mandaluyong, baka mag-join din siya sa ibang beauty pageant. Very Filipina kasi ang beauty niya kaya maraming nagi-encourage na mag-join siya next year sa Binibining Pilipinas. "Puwede siguro pero kailangan ko munang mag-prepare. Marami na akong kalaban pag sa Binibining Pilipinas na," she said.

In any case, ang Miss Mandaluyong ay kasabay ng celebration ng pagkakatatag ng Mandaluyong City.

Si Mrs. Menchie Abalos ang in-charge sa nasabing pageant.
* * *
Salve V. Asis’ e-mail: [email protected]/[email protected]

BINIBINING PILIPINAS

DIREK OLIVE

JAO

KASANGGA

KAYA

MAG

MISS MANDALUYONG

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with