Living in comfort ang sexy actress dahil sa pulitikong lover
February 18, 2002 | 12:00am
Naibulong ng aking source na living in comfort ang seksing actress na ito kahit manaka-naka na lang siyang gumawa ng pelikula. Naibibigay sa kanya ng isang madatung na pulitiko ang ginhawa sa buhay kahit may anak na ito sa ibang lalaki. Malakas ang kanyang karisma at superlambing pa kaya talo nito ang tunay na asawa ng pulitiko.
Balita pa ng aking source na ibinili ng mamahaling van ng pulitikong lover ang sexy actress na visible pa rin sa showbiz gathering. Ang seksing actress na ito ay pansamantalang nawala sa showbiz pero kamakailan ay nagbalik.
Tumawag sa akin si Mommy Alice (ina ni Rica) Peralejo para magbigay linaw tungkol sa umanoy sinasabi ng kanyang anak na hindi marunong umarte si Bojo Molina. "Kailanman ay walang sinabing ganyan ang aking anak. Never niyang pinintasan ang acting ng dating nobyo. Okey lang na makasama niya ito sa pelikula pero hindi siya papayag na magkaroon sila ng lovescene dahil hindi magiging komportable si Rica. Labis siyang nasaktan sa kanilang paghihiwalay noon.
"Hindi rin niya tinanggihan na makasama si Bojo sa pelikulang Tatarin. Hindi lang siya pumayag ay nang sabihin ng Viva na may lovescene sila at gaganap silang mag-asawa. Sana naman ay huwag na niyang (Bojo) gamitin ang aking anak kapag iniinterbyu siya," aniya.
Sa kabilang banda, hit na hit ang pagpunta ni Rica sa ibat-ibang panig ng lalawigan bilang promosyon sa kanyang pagiging La Tondeña calendar girl. Doon talaga nalaman ng seksing aktres na marami siyang tagahanga kabilang na ang mga bata. Nakiusap pa nga sila na sanay gumawa ng wholesome movie ang aktres para mapanood nila ang kanilang idolo.
After Boso ay baka gumawa na ng wholesome movie si Rica. Natutuwa rin ang aktres dahil kahit may competition sila ni Assunta de Rossi ngayon ay healthy naman ito at never silang nag-away.
Pinabulaanan din ni Mommy Alice na nagli-live-in na ang kanyang anak at ang nobyong si Bernard Palanca. Matatagalan pa raw bago magpakasal si Rica at gusto nga ng aktres na lumagay siya sa tahimik at the age of 30 pero gusto naman ni Mommy Alice na mag-asawa siya kapag 25 years old na para naman bata pa ay makita na nito ang kanyang magiging apo kina Rica at Bernard.
Pinaghalong Sharmaine Arnaiz at Dina Bonnevie ang ganda ng bagong tuklas ng Seiko Films na si Diana Zubiri na bida ng Balot. Nagkakaisa ang lahat sa pagsasabi na class na class ang beauty niya, sariwang-sariwa at 18 years old lang. Huminto siya sa pag-aaral para matupad ang pangarap na maging isang artista.
Pumayag agad na maging artista si Diana nang alukin siya ni Robbie Tan dahil gusto niyang sumikat balang araw gaya ng idolong si Vilma Santos. Unang pelikula ng seksing aktres ang Balot kapareha si Rodel Velayo.
Kumusta naman ang kanilang unang pagkikita? "Noong una ko siyang makita ay nagka-crush agad ako kay Rodel dahil ang guwapo niya at ang ganda ng kanyang mga mata. Hindi ako nakapagsalita agad nang ipakilala kami," ani ni Diana.
Ayon naman kay Rodel, hindi malayong ma-inlove siya sa kapareha dahil taglay nito ang mga katangiang hinahanap niya sa isang babae.
Napanood namin ang Valentine Crazy sa Hotel Rembrandt noong Araw ng Mga Puso na prodyus ng Daisy Romualdez Production. Naroon sina Amalia Fuentes, Azenith Briones at Gloria Romero. Maganda ang show kung saan magagaling lahat ang mga performer gaya nina Jo Awayan, Danita Paner, Carding Castro, Marissa Sanchez at Dulce. Lumutang ang galing sa pag-awit ni Marissa at hindi natalbugan ni Dulce sa kanilang dueto.
Mahusay pa rin sa pag-awit at pagpapatawa si Carding.
At malaki ang iniunlad sa pag-awit ng magandang anak nina Daisy at Manny Paner. Mahusay din si Jo kaya in-demand ngayon sa mga shows. Hindi na ipagtatanong pa ang galing ni Dulce na isang world class performer kung saan naka-20 songs yata ito at parang minamani-mani lang ang pag-awit. Sey nga ni Marissa ay para itong may amplifier sa katawan. Naroon din ang mga taga-alta sosyedad at si Gov. Chavit Singson na special guest ni Daisy.
Balita pa ng aking source na ibinili ng mamahaling van ng pulitikong lover ang sexy actress na visible pa rin sa showbiz gathering. Ang seksing actress na ito ay pansamantalang nawala sa showbiz pero kamakailan ay nagbalik.
"Hindi rin niya tinanggihan na makasama si Bojo sa pelikulang Tatarin. Hindi lang siya pumayag ay nang sabihin ng Viva na may lovescene sila at gaganap silang mag-asawa. Sana naman ay huwag na niyang (Bojo) gamitin ang aking anak kapag iniinterbyu siya," aniya.
Sa kabilang banda, hit na hit ang pagpunta ni Rica sa ibat-ibang panig ng lalawigan bilang promosyon sa kanyang pagiging La Tondeña calendar girl. Doon talaga nalaman ng seksing aktres na marami siyang tagahanga kabilang na ang mga bata. Nakiusap pa nga sila na sanay gumawa ng wholesome movie ang aktres para mapanood nila ang kanilang idolo.
After Boso ay baka gumawa na ng wholesome movie si Rica. Natutuwa rin ang aktres dahil kahit may competition sila ni Assunta de Rossi ngayon ay healthy naman ito at never silang nag-away.
Pinabulaanan din ni Mommy Alice na nagli-live-in na ang kanyang anak at ang nobyong si Bernard Palanca. Matatagalan pa raw bago magpakasal si Rica at gusto nga ng aktres na lumagay siya sa tahimik at the age of 30 pero gusto naman ni Mommy Alice na mag-asawa siya kapag 25 years old na para naman bata pa ay makita na nito ang kanyang magiging apo kina Rica at Bernard.
Pumayag agad na maging artista si Diana nang alukin siya ni Robbie Tan dahil gusto niyang sumikat balang araw gaya ng idolong si Vilma Santos. Unang pelikula ng seksing aktres ang Balot kapareha si Rodel Velayo.
Kumusta naman ang kanilang unang pagkikita? "Noong una ko siyang makita ay nagka-crush agad ako kay Rodel dahil ang guwapo niya at ang ganda ng kanyang mga mata. Hindi ako nakapagsalita agad nang ipakilala kami," ani ni Diana.
Ayon naman kay Rodel, hindi malayong ma-inlove siya sa kapareha dahil taglay nito ang mga katangiang hinahanap niya sa isang babae.
Mahusay pa rin sa pag-awit at pagpapatawa si Carding.
At malaki ang iniunlad sa pag-awit ng magandang anak nina Daisy at Manny Paner. Mahusay din si Jo kaya in-demand ngayon sa mga shows. Hindi na ipagtatanong pa ang galing ni Dulce na isang world class performer kung saan naka-20 songs yata ito at parang minamani-mani lang ang pag-awit. Sey nga ni Marissa ay para itong may amplifier sa katawan. Naroon din ang mga taga-alta sosyedad at si Gov. Chavit Singson na special guest ni Daisy.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended