Bukas na ang 2 restaurant ni Ara Mina
February 17, 2002 | 12:00am
Kung may mga artistang nagkamal nang milyun-milyong piso ang nalaos nang walang-wala ay nakatutuwa namang makakita ng mga artistang nasa kaitaasan pa ang career ay marunong nang maghanda sa pagdating ng tag-ulan sa kanilang buhay.
Dagdag na naman sa listahan ng mga bata pa lang ay marunong nang maghanda para sa kanilang kinabukasan ang sexy star na si Ara Mina.
Nung nakaraang Martes ay pormal nang binuksan ang Cosmopolitan Cafe, isa sa dalawang negosyong pinasok ni Ara, kasosyo ang kanyang mga kaibigan.
Ang isa pang negosyo ni Ara na bubuksan na rin sa unang linggo ng Marso ay ang Osteria Italia na nasa Tomas Morato, kahilera ng mga restaurant dun na madalas gawing lugar para sa mga presscon sa showbiz.
Kuwento ni Ara ay nag-soft opening daw ang Osteria Italia nung nakaraang linggo, ang inaasahan nilang magkakasosyo ay ilang tao lang ang darating para kumain, kaya limang putahe lang ang kanilang inihanda nang gabing yun.
Pero laking-gulat ni Ara dahil sobra-sobra sa kanilang inaasahan ang nagdatingan, kaya ang limang putahe lang ay kinapos, nagpaluto pa uli sila.
Tatlong Italyano ang nag-aasikaso sa restaurant ni Ara, ang mga ito ang namamahala sa kanilang mga pagkain, kaya makaaasa ang mahihilig sa Italian cuisine na hindi sila mabibigo sa lasang hinahanap nila.
Basta wala siyang trabaho ay laging nasa Cosmopolitan Cafe at Osteria Italia lang ang magandang sexy star, siya mismo ang namamahala sa ilang detalye dun, dahil naniniwala siya na iba ang resulta ng negosyo kapag mismong ang may-ari ang namamahala ng lugar.
"Ganun pala kapag meron ka nang negosyo, matututo ka nang magtipid," nakangiting sabi ni Ara.
Dati nga naman kasi ay sige-sige lang siya sa paggastos, kahit hindi niya naman kailangan dahil meron na siya ay wala siyang pakialam, basta bili lang siya ng bili.
Ngayon ay nag-iisip na muna siya nang ilang beses bago siya magbitiw ng pera, alam na kasi niya ngayon kung gaano kahirap kumita, malaki kasi ang pagkakaiba ng pag-aartista sa nilinyahan niyang negosyo ngayon.
Sabi nga nung minsan ni Mama Alfie Lorenzo kay Judy Ann Santos, dahil pumasok na sa negosyo ang kanyang alaga, sa isang kaway at isang kanta lang daw ni Juday sa mga stage shows ay kikitain na nito ang ilang linggong kikitain ng dalaga sa Kilimanjaro Bar at sa franchise nitong Anonymous.
Pero siyemprey maligaya ang manager sa maagang pagkatuto sa paghawak ng pera ni Juday, hindi sa kung saan-saan lang napupunta ang pinaghihirapan nito.
Ang pagpasok ni Ara sa linya ng pagnenegosyo ay hindi nangangahulugang tatalikuran na niya ang showbiz, nandito pa rin siya, kaya nga lang ay mamimili na sila ng proyekto ng kanyang manager na si Dondon Monteverde.
Lalo na ang pagkanta, dikdikin mo man nang pinong-pino si Ara ay hindi mo maiaalis sa kanya yun, kaya habang nagnenegosyo siya ay tuloy pa rin ang kanyang pag-arte at pagkanta.
"Ayokong maubos ang kinikita ko nang paganun lang, gusto kong makita ang fruits ng labor ko," nakangiti pang sabi ni Ara Mina.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended