Kaye Dacer, action lady ng radyo
February 16, 2002 | 12:00am
Talaga yatang hindi na mapigilan ang pag-arangkada ng matapang na mamamahayag sa radyo na si Kaye Dacer. Kabilang na siya ngayon sa mga hanay ng mga broadcaster na nirerespeto at sinasaladuhan.
Bukod dito, si Ms. Dacer din ang may hawak ng titulong "Queen of Public Service" dahil napakarami na niyang natutulungan sa programa niya noong Pasada 630 with Mayor Fred Lim at ngayoy "Aksyon Ngayon" na mapapakinggan araw-araw sa DZMM ika-1:30 hanggang 2:20 ng hapon.
Sa isang tulad niyang mahinhin, maganda at babaing-babae sa personal, nakakagulat na binibigyang halaga niya ngayon ang target shooting. Tama-tama sa titulo niyang "Action Lady" ang bagong pinagkakaabalahan niya.
Kayang-kaya ito ng dalaga at wala siyang takot kung magpaputok. Sa totoo lang, ikaapat na araw pa lang ng training niya nang mapanood namin. Sabi ng coach niya na si Boy Abu, madali raw matuto si Kaye at malaki ang paniniwala niya na malayo ang mararating niya sa nasabing larangan.
Samantala, may competition na agad si Kaye. Ito ay gaganapin sa West Point Shooting range, Marcos Highway, Baguio City ngayon. Sa mga fans na gustong makita siya, pumunta lang sa naturang lugar.
Nagti-training siya sa First Option and Tool Corporation na nasa #36 Bulacan St., Brgy. Bungad, West Avenue, Quezon City. Rodel Fernando

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended