Si Regine ang original na Tondo Girl
February 16, 2002 | 12:00am
Mula sa kanyang amang si Mang Gerry Velasquez, napag-alaman ko na hindi naman pala lehitimong mga Bulakenyo ang pamilya niya. Taga-Tondo sila originally. Lumipat lamang sila ng Bulacan to live temporarily with some relatives pero sandali lamang sila. Umalis din sila agad para mangupahan ng sarili nilang bahay. Ito ay nung panahong hindi pa Regine Velasquez ang tinaguriang Asias Songbird. Hindi isang Bulakenya belle si Regine kundi ang orihinal na Tondo Girl.
Sinabi rin ni Mang Gerry na related sila sa mga popular na pamilya ng Velasquez sa Tondo. In the same way na auntie ni Regine si Tita Duran at marami silang kamag-anak na artista.
Showing na ang pelikula ni Regine kasama si Richard Gomez na Ikaw Lamang Hanggang Ngayon. Nagkaroon sila ng dedication ceremony na kung saan ay ibinigay nilang donasyon sa parke na matatagpuan sa may harap ng Manila Post Office ang upuan na ginamit nila sa pelikula, na kung saan ay naganap ang istorya ng pelikula. Sinaksihan pa ni Mayor Lito Atienza at ng ilan niyang opisyales at staff ang nasabing dedication ceremonies.
Kamakalawa ng gabi nagsimula na ang two night concert ni Regine sa Araneta Coliseum kasama si Brian McKnight.
Nakatakda siyang umalis patungong Hollywood para kumanta sa Lunar Festival sa Linggo, Peb. 17. Dapat sana ay sina Chaka Khan at Britney Spears ang kakanta dito pero since it is an Asian song festival, minarapat ng komite na isang Asyano rin ang kunin para mag-peform. Kaya nakuha si Regine. Tinatanggap ni Regine na isang malaking karangalan na makapagpadala ng kinatawan ang isang bansa na tulad ng Pilipinas na minamaliit ng maraming malalaking bansa. Nagtataka lamang siya kung bakit mga dancers ang ipadadala ng ibang mga bansang Asyano gayong isang songfest ang okasyon.
Ang isa sa pinakamasipag na parish priest in the country si Fr. Ric Torrefiel ng San Bartolome Parish sa Malabon City ay magsasagawa ng isang fund-raising concert dubbed as FR. RIC and Friends in Concert: Just For Love... Just for Church...Just for You and Me. Proceeds of this concert will be used for the renovation of San Bartolome church, one of the oldest churches in the country, the first stone of which was built in the year 1622. The concert will be held today, Saturday, February 16, 2002 at 8:00 in the evening at San Bartolome Parish Church. Special guests are Marco Sison and Lindsay Custodio. Ticket are priced at 300, 200, 50 and 20 pesos.
Sinabi rin ni Mang Gerry na related sila sa mga popular na pamilya ng Velasquez sa Tondo. In the same way na auntie ni Regine si Tita Duran at marami silang kamag-anak na artista.
Showing na ang pelikula ni Regine kasama si Richard Gomez na Ikaw Lamang Hanggang Ngayon. Nagkaroon sila ng dedication ceremony na kung saan ay ibinigay nilang donasyon sa parke na matatagpuan sa may harap ng Manila Post Office ang upuan na ginamit nila sa pelikula, na kung saan ay naganap ang istorya ng pelikula. Sinaksihan pa ni Mayor Lito Atienza at ng ilan niyang opisyales at staff ang nasabing dedication ceremonies.
Kamakalawa ng gabi nagsimula na ang two night concert ni Regine sa Araneta Coliseum kasama si Brian McKnight.
Nakatakda siyang umalis patungong Hollywood para kumanta sa Lunar Festival sa Linggo, Peb. 17. Dapat sana ay sina Chaka Khan at Britney Spears ang kakanta dito pero since it is an Asian song festival, minarapat ng komite na isang Asyano rin ang kunin para mag-peform. Kaya nakuha si Regine. Tinatanggap ni Regine na isang malaking karangalan na makapagpadala ng kinatawan ang isang bansa na tulad ng Pilipinas na minamaliit ng maraming malalaking bansa. Nagtataka lamang siya kung bakit mga dancers ang ipadadala ng ibang mga bansang Asyano gayong isang songfest ang okasyon.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended