Umamin na talo siya ng mga gay beauticians
February 15, 2002 | 12:00am
Marahil ay dahilan sa matagumpay na siya kung kaya madali nang aminin ngayon ng beauty expert na si Ellen Lising na talo siya ng mga gay beautician, pagdating sa pagmi-make-up at pagaayos ng buhok.
"Dito ako nagsimula nung 1979, sa pagiging isang beautician sa isang maliit na parlor sa Rizal Avenue na mayroon lamang dalawang salamin at apat na silya," simula nang pagkukuwento niya, in between her takes for her segment na pinamagatang "Skin Talk" para sa malaganap na programa sa telebisyon na Ricky Reyes Beauty Plus, 11:00 n.u.-12:00 n.t. sa RPN 9.
"Kaya hindi ako nagtagal dito. Naisip ko, mas magagaling silang mag-ayos ng buhok maglagay ng make up. Ako, inisip ko kung saan naman ako pwede. Nagpalit ako ng specialty, sa skin care and permanent cosmetics. Pumunta pa ako ng abroad para makapag-aral ng mga makabagong teknolohiya tungkol dito. Hindi naman ako nagkamali, dito talaga ang linya ko. Ngayon sa kabila ng napakaraming beauty salon sa bansa, wala akong kalaban sa aking linya.
"Twenty three years na ako sa business at sa awa ng Diyos ay mayroon na akong mga branches, the latest of which ay ito ngang nasa Libis, QC. Its my 6th branch of Ellen Lising at kung ako ang masususunod, ito na ang last. Pero, ewan ko, minsan kahit ayaw mo kung ito ang nakatakda, mangyayari pa rin," amin niya.
Ellen Lisings specializes in skin care and permanent cosmetics at siya ang pinaka-perfect example ng kanyang mga trabaho. Sa kabila ng kanyang gulang, shes in her 50s, napaka-bata pa niyang tingnan at flawless ang skin. "Sa akin ko unang sinusubok ang aking mga produkto. One year ko muna itong ginagamit at kapag successful, I put it out in the market," dagdag pa niya.
Ipinagmamalaki niya na kaya niyang magtanggal ng mga eye bags, mag-face lift without surgery. Mayroon din siyang hand rejuvenation and permanent eyebrow, eyeliner and lipstick.
Tumanggap ako ng isang liham mula sa Verje Music Publishing Inc., kinatawan sa bansa ng EMI Music Publishing Group na nagtataglay ng kanilang official statement sa mga binitawang mga salita ni Martin Nievera na nailathala sa isang babasahin.
Hindi lamang ang hindi pagbibigay ng kredito ni Martin sa singer na si Diane Warren na siyang composer ng awiting "We Dont Know How to Say Goodbye" na isinama niya sa kanyang "More Souvenirs" album kundi ang ginawa niyang pagbabago sa awitin sa pamamagitan ng pagdaragdag at pagpapalit ng mga linya na nagbigay ng ibang kahulugan sa awitin kundi maging ang pagpapaiksi ng awitin na ang lahat ay hindi nila binigyan ng kapahintulutan.
Idinagdag pa ng sumulat na si Atty. Marivic Benedicto na hindi mahalaga sa kanila kung mas napaganda man ni Martin ang awitin. Ang nakikita nila ay ang tuwirang pag-apak sa karapatang legal ng kanyang kliyente at ang hindi nito pagpansin sa integridad ng awitin bilang isang artistic work.
"Contrary to statements by Mr. Nievera, it is not a "compliment" to a songwriter to have someone take liberties at her work."
Hindi nila kailangan ng isang hit song mula kay Martin para mas sumikat pa si Ms. Warren dahil sa matagumpay na ito sa ngayon. Nakakalungkot na hindi na lamang tanggapin ni Mr. Nievera na gumawa siya ng unauthorized rewrite ng isang awitin ni Ms. Warren sa halip na gumawa siya ng mga baseless excuses anila.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended