^

PSN Showbiz

Huwag tularan ang ginawa nina Richard at Regine

- Veronica R. Samio -
Napaka-aga pa, wala pang alas otso ng umaga nung araw ng Miyerkules, pero napakarami nang tao sa ginagawang park sa may harapan ng gusali ng Manila Post Office. Eh bakit nga hindi dadami ang tao, eh naroon ang dalawang artista ng pelikulang Ikaw Lamang Hanggang Ngayon – sina Richard Gomez at Regine Velasquez. Naro’n sila para idedicate yung ginamit nilang bench sa pelikula sa pinagagandang liwasan ng kasalukuyang Mayor ng Maynila na si Lito Atienza. Sa tabi ng nasabing upuan na kakaiba sa maraming bench na makikita sa nasabing lugar dahil hindi ito kahoy at kulay tanso at may mga nakasulat na mga salita na ginamit ng dalawang main characters sa pelikula.

Sa may bandang itaas na bahagi ng poste na nasa likod ng bench ay ang recogniton plaque na kung saan ay nagpapasalamat ang Viva Films sa pamahalaang Lungsod ng Maynila sa suporta na ibinigay nito sa Ikaw Lamang Hanggang Ngayon na ang kabuuan ay kinunan sa Maynila.

Kasama nina Richard at Regine sa dedication ceremonies sina Boss Vic del Rosario, Vincent del Rosario, ilang staff ng Viva, Mayor Lito Atienza, Councilor Miles Roces, ang City Administrator na si Bonjay Isip, Director Yam Laranas at marami pang iba.

Bukod sa unveiling ng upuan at recognition plaque, nagpalipad din ng maraming mga lobo na sinundan ng napaka-habang kuhanan ng larawan. Game ang dalawang artista na makipag-pose sa napakaraming empleyado na iniwan sumandali ang kanilang mga trabaho.

Sinabi ni Mayor Atienza na sana raw ay marami pang kasaysayan ng pag-ibig ang maganap sa kanyang pinagagandang parke na pwede rin daw pagpalipasan ng oras kapag may problema ka. At sana naman ay huwag tularan ng mga pupunta ng park ang ginawang pagsusulat nina Richard at Regine sa bench sa pelikula sapagkat isa itong uri ng vandalism at hindi makakatulong sa ginagawang beautification ng Maynila.
*****
Kasalukuyang ginaganap sa Mowelfund Film Institute sa Quezon City ang Fernando Poe, Jr. Fellowship workshop on integrated basic and advance scriptwriting. Ginaganap ang workshop tuwing Sabado at Linggo, 1:00 n.h. hanggang 7:00 n.g. Nagsimula na ang workshop na itinataguyod ng Screenwriters Guild of the Philippines nung Enero 14 at magtatapos sa Pebrero 24. Ang workshop director ay si Armando Bing Lao.

Ang susunod na workshop ng
SGP na nasa umbrella ng FAP ay ang FPJ Fellowship workshop para sa alternative writing para sa radyo, short story, play romance, novel, docu, film review/criticism, production scripts para sa beauty contest, game show at awards night.

Bukas ang workshop para sa mga SGP members at iba pang interested parties. Sponsor ng workshop ang long-reigning king of Philippine Movies na si
Fernando Poe, Jr. na bumabalik sa pelikula pagkaraan ng dalawang taong pamamahinga sa pelikula ng Maverick Films na pinamagatang Batas ng Lansangan. Kasama niya sa pelikula sina Dina Bonnevie, Kaye Abad, Roi Vinzon at marami pang iba.

ARMANDO BING LAO

BONJAY ISIP

CITY ADMINISTRATOR

DINA BONNEVIE

FERNANDO POE

IKAW LAMANG HANGGANG NGAYON

JR. FELLOWSHIP

MAYNILA

WORKSHOP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with