^

PSN Showbiz

Doktor na naglilibot

-
Saan kayo nakakita ng doktor na hanep sa porma, bitbit ang backpack, at inililibot pa ang lansangan para tuparin ang kanyang tungkulin bilang manggagamot? ABC 5 lang ang may Urban Doktor, isa sa mga apat na reality shows ng Ideal Minds Corp. at kung saan host si Makati Med based Psychiatrist Doc Ed Tolentino.

Bilang Urban Doktor, binago ni Doc Ed ang hinaharap ng med-ucational TV programs sa bansa dahil sa show na ito: The doctor is hip, his clinic is out on the streets and his patients are just about everyone. Sa Urban Doktor, pinag-uusapan ang kung anu-anong klase ng problemang pangkalusugan, from common to absurd, habang nililibot ni Doc Ed ang siyudad. Maliban sa pagpuna ng mga health concerns tuwing shoots, ipinaliliwanag din ni Doc Ed ang kahalagahan ng healthy living bilang solusyon dahil ayon sa kanya, "hindi sapat ang pagbigay ng kaukulang impormasyon kundi mahalaga rin ang ipaalam sa mga pasyente na healthy lifestyle ang sagot sa problema."

Habang nasa trabaho, Doc Ed doesn’t only educate but also learns from his personal experiences with them. "As the Urban Doktor, mas nakilala ko ang mga pangangailangang pangkulusugan ng mga tao, na hindi mo makikita sa loob ng klinika. Mas marami ang mapag-uusapan sa labas, mga issue na nakakaapekto sa mas marami," aniya. Gaya na lang sa taping ng paborito niyang episode na tungkol sa drug addiction, nakilala niya ng personal ang mga batang palaboy na tanging bitbit ay boteng rugby. Dito tumambad sa kanya at sa mga manonood ang masamang dulot ng droga.

Masaya si Doc Ed sa trabaho niya bilang host ng Urban Doktor sa kabila ng malaking responsibilidad na dala nito. "Bilang isang psychiatrist of ten years, I deal with clients on a one-to-one basis kaya isa lang ang napagsisilbihan mo each time. Pero bilang Urban Doktor sa TV, libu-libong tao naman ang nararating ng mga tintuuro ko," paliwanag niya. Sa katunayan, may natanggap siyang mga text messages matapos ipalabas ang episode ng drug addiction. "It really touched many people just like it did me."

Sa ngayon, wish lang ni Doc Ed na mas marami pa ang matulungan niya sa pamamagitan ng kanyang programa. Kaya naman pati ang pagiging Urban Doktor niya ay dinala pa niya sa cyber space, sa www.urbandoctor. com, kung saan kahit sino ay maaaring humingi ng tulong pang kalusugan sa kanya.

Ngayong Martes, abangan siya dahil pag-uusapan naman ang mga common forms ng fungal infection, kung saan isa bawat limang tao ay meron nito. Ilan na rito ang ringworm, athlete’s foot at jock’s itch. Sasamahan rin niya ang isang pamilyang may history ng fungal infection para ituro sa kanila ang iba’t-ibang paraan ng paggagamot nito, gayun din ang mga paraan para ito maiwasan.

vuukle comment

AS THE URBAN DOKTOR

BILANG URBAN DOKTOR

DOC

DOC ED

DOKTOR

ED TOLENTINO

IDEAL MINDS CORP

URBAN DOKTOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with