Di gaanong mainit sa fans ang Valentine show ni Piolo
February 10, 2002 | 12:00am
Isang source ang aming nakausap na mas gugustuhin ng ilan sa mga tagahanga ni Piolo Pascual na nasa bahay na lang sila at manonood ng Sa Puso Ko, Iingatan Ka kaysa dayuhin nila ang Hunks: First Time Mo? (The Virgin Valentine Concert) na gaganapin mismo sa Araw Ng Puso sa Folk Arts Theater.
Ang dahilan na ibinigay sa amin ay nalalayuan sila sa venue ng show at namamahalan sa ticket price. Isa pa, kung magiging malaking tagumpay ang show ay hindi ibibigay kay Piolo ang credit kundi sa lahat at idinagdag pa nito na ang kanilang idolo ang magdadala ng show.
Tinitiyak naman ng mga tagahanga na magiging all out ang support nila kung solo concert ito ng aktor at lalong magiging full support sila kung magkasama sina Piolo Pascual at Judy Ann Santos sa iisang show lalo na sa isang Valentine show.
Katunayan, ilan sa may kayang mga tagahanga ng dalawa ay naghahanda na ng kanilang mga papeles lalo na iyong may kamag-anakan sa Hawaii na sasabay sa dalawa papuntang Hawaii kung matutuloy yung show ng dalawa sa naturang estado ng America. AD

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended