Eric, sali na sa 'Sana Ay Ikaw Na Nga'
February 10, 2002 | 12:00am
Dahil sa ginawang pagririgodon ng mga panggabing programa ng ABS-CBN ay binigyan nila ng libreng publisidad ang bago nga lang, pero malakas na ang rehistro sa publiko, na Sana Ay Ikaw Na Nga ng Siyete.
Pagkatapos ng paggigirian nila ng Dos ay balik na uli sa ala-sais y medya ang bagong seryeng pinagtatambalan nina Dingdong Dantes at Tanya Garcia, ang seryeng kahit saan kami magpunta ngayon ay tinututukan ng bayan.
Sa mga darating na episodes ng Sana Ay Ikaw Na Nga ay mapapanood na rin sa nasabing serye si Eric Quizon, sa papel ng isang engineer na magpapaopera sa nasirang mukha ni Cecilia ang gagampanan ni Eric, kaya nabibilang na ang maliligayang araw ng salbaheng si Olga!
Hindi na matatawaran ang husay sa pagganap ni Eric, kahit saang papel ay puwedeng-puwede ang actor-director, bukod pa sa masarap siyang katrabaho.
Naging sorpresa para kay Eric ang pagkakasama niya sa seryeng ito, nasa Amerika siya nang makarating sa kanya ang balitang mawawala na sa ere ang Your Honor nila ni Richard Gomez, kaya natural lang na kumilos na ang kanyang manager na si Tita Dolor Guevarra.
Iba na nga naman kasi ang may regular kang nilalabasang programa, puwede mo nang asahan ang nakakahon mo nang talent fee, hindi tulad nung umaasa ka lang sa pa-guest-guest sa ibang shows.
Yun ang pinapangarap ng bawat artista, ang magkaroon sila ng regular na serye, lalo na ngayong mga panahong ito na ang dami-daming artista at kapos ang mga programa sa telebisyon para kargahin silang lahat.
May magandang kuwento ang pagdating ng offer kay Eric para mapasama na sa Sana Ay Ikaw Na Nga.
Kapag walang regular na trabaho ang artista ay ang dibdib ng manager ang kumakabog, kailangan siyempre nilang ihanap ng bagong proyekto ang kanilang alaga.
Nang umagang yun ay dumalo sa isang misang ginanap sa Vera-Perez Gardens si Tita Dolor, kaya sa kanyang pagdarasal ay hiningi niya sa Diyos na sanay magkaroon ng kapalit ang Your Honor ni Eric.
Nung tanghali naman ay tumuloy siya sa bahay ni Maricel Soriano sa White Plains para sa isang kuwentuhan, at sa pagpasok ni Tita Dolor sa sala ng bahay ng aktres ay nakita niya ang nabiling Birhen Ng Manaoag ni Marya.
Bago sila nagkuwentuhan ay nagdasal muna si Tita Dolor, ganun din ang hiningi niyang pabor, ang sanay huwag pabayaan ng Diyos ang kanyang mga alagang sina Eric at Carmina Villaroel.
Nasa kalagitnaan na sila ng pagkukuwentuhan ni Maricel nang tumunog ang kanyang cellphone, tawag mula sa Channel 7 yun, tinatanong siya kung puwede bang kunin ng istasyon ang serbisyo ni Eric para sa Sana Ay Ikaw Na Nga.
Napakababa na nga naman ng langit para sa mga kahilingan, napakabilis sinagot ng Diyos ang dasal ni Tita Dolor, may proyekto na agad si Eric pagkatapos mawala sa ere ang Your Honor.
Ang bait-bait ng Diyos, sabi sa amin ni Tita Dolor, dahil napakabilis na tinugon ang kanyang mga dasal.
Hindi naman kasi siya mapapahiya sa kanyang alaga, dahil si Eric Quizon ang klase ng aktor na nasa puso talaga ang pagtatrabaho, kaya matagumpay.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended