Bakit ayaw ligawan ni Piolo si Juday?
February 8, 2002 | 12:00am
Binulabog ng Side A kasama sina Pops Fernandez, Piolo Pascual at Troy Montero ang Nakano Sun Plaza Hall ng Tokyo, Japan nang kanilang punuin ang venue minutes bago nagsimula ang concert at 2:30 p.m. nung nakaraang Linggo, February 3. Talagang punumpuno ng tao ang nasabing venue na first time nangyari. Ang maganda pa, masayang lumabas ang audience after the show dahil napakaganda ng show at nag-enjoy ang lahat sa two-hour-and-a-half concert na ipinamalas ng Side A, Pops, Piolo at Troy na ganadung-ganado dahil sa mainit na pagtanggap sa kanila ng mga tao.
Naunang dumating sa Tokyo, Japan sina Piolo at Troy last Thursday at kinabukasan (Friday) naman dumating ang Side A at si Pops. Since parehong image model sina Piolo at Troy ng IPS, Inc., isang telecommunications company in Japan, naging abala ang dalawa sa pagpu-promote ng kanilang respective prepaid cards before the concert. Naglibot ang dalawa sa ibat ibang Filipino outlets clubs and restaurants. Pero pagkatapos ng kanilang promo tour ay sa Roppongi parati ang tuloy nina Piolo at Troy kasama si Ronald Padriga ng Classified Media para gumimik at umaga na halos kung bumalik ang tatlo sa kanilang hotel at inulit nila ito ng dalawa pang gabi maliban na lamang last Saturday (February 2) dahil maaga silang gigising for the concert the following day. Walang kasawaan sina Piolo, Troy at Ronald sa pagba-bar-hopping sa Roppongi. Of course, in-enjoy ito nina Piolo at Troy dahil hindi nila ito magawa sa Pilipinas dahil wala silang oras halos para gumimik dahil sa trabaho.
After the concert nung Linggo, naging abala sina Piolo, Troy, Pops at ang Side A sa pictorial at autograph signing na umabot din ng isang oras at pagkatapos nito ay tumuloy na ang lahat including IPS officers and staff and sponsors sa Shabu Zen sa Roppongi kung saan ginanap ang cast party at birthday celebration ng IPS big boss na si Mr. Koji Miyashita. Nang magkahiwa-hiwalay ang lahat, nag-ikot muli sa Roppongi sina Piolo, Troy at Ronald at umaga na rin halos nang silay nakabalik ng hotel.
Enjoy ang tropa dahil walang nag-prima donna sa grupo. Lahat professional at down to earth kaya walang naging hassle sa kanilang four-day stay in Japan. Kung hindi nga lamang sila may kani-kanyang schedule back in Manila, gusto pa sana ng grupo na mag-extend for another day para makapag-shopping at mamasyal pero hindi na ito nangyari dahil may mga commitments silang dapat harapin sa kanilang pagbalik ng Maynila.
Ang dami sana naming exclusive pictorial sa grupo pero sa kasamaang palad, nasira ang aming kamera kaya kahit isang shot ay wala kaming napakinabangan.
May standing commitment pala si Piolo Pascual with Star Cinema na gagawa siya ng one movie a year with perennial screen partner Judy Ann Santos. Unang nagkasama ang dalawa sa Esperanza, The Movie pero bilang love team ay nagsimula lamang sila sa Kahit Isang Saglit na sinundan ng Bakit Di Totohanin nung isang taon. Both films were certified box office hits.
Aminado si Piolo na hindi niya sukat akalain na magki-click ang loveteam nila ni Juday whom he considers as his best friend in the business.
"Parehong pareho kami ni Juday, workaholic. Right now, pareho kami na ang aming trabaho ang aming priority. The reason why I am not courting Juday is because ayokong masira ang maganda naming samahan bilang magkaibigan," paliwanag sa amin ni Piolo who admits na Mamas boy siya.
"I love my mom very much. Siguro, being the youngest, Im so attached to my mom. Kahit naman sa mga kapatid ko, very close ako. We are a closely-knit family kaya kapag may chance, gusto kong magkakasama kami ng mommy ko at mga kapatid ko," patuloy pa ni Piolo.
Dapat sanay kasama ni Piolo sa Japan ang kanyang mommy pero hindi ito nabigyan ng visa ng Japanese Embassy kaya nalungkot ang binata. Ganunpaman, naging sandali lamang ang kanyang pagkalungkot dahil naging instant barkada niya sa Japan si Troy.
Tapos nang gawin ni Piolo sa Regal Films ang Sweethearts (working title) nila ni Joyce Jimenez at malapit na ring matapos ang unang tambalan nila ni Donita Rose, ang Nine Mornings na pinamamahalaan ni Jose Javier Reyes for Star Cinema. There is also a possibility na makasama niya si Regine Velasquez sa isang movie and another movie with Juday bago matapos ang taon.
Piolo has two regular TV shows sa Channel 2, ang ASAP at ang teleserye nila ni Juday, ang Sa Puso Ko, Iingatan Ka and the rest of the days ay nakalaan sa shootings at show. Pinaghahandaan na rin ni Piolo ang nalalapit na concert ng The Hunks sa FolkArts Theater on February 14 plus shows in the US kaya wala talagang panahon na makapagpahinga man lamang ang binata.
"Yung one-month vacation na hiningi ko sa Talent Center ay ni-request ko talaga because I needed a break. Pero after that, sabak na naman ako sa trabaho," ani Piolo.
Habang nasa Japan, tinawagan ni PJ ang isa niyang kapatid na nag-birthday, ang kanyang mommy at siyempre pa, si Juday. Sa pagkakaalam nga namin ay may pasalubong kay Juday si PJ pero ayaw naming itong i-preempt.
Ang show ni Piolo (with Side A, Pops and Troy) sa Japan ay nagsilbi ring bakasyon sa kanya. Actually, mas marami pa siyang lakwatsa run kesa trabaho kaya nag-enjoy siya nang husto.
"I love Japan," bulalas niya.
Since parating laman ng Roppongi sina Piolo at Troy, tinagurian namin ang dalawa na Roppongi Guys.
Email: ([email protected])

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended