^

PSN Showbiz

Walang putol, hindi harang

-
Ipalalabas na ang Kaulayaw, ang unang pelikula ng bagong tatag na Tri-Vision Films sa direksyon ni Francis "Jun" Posadas. Tampok si Barbara Milano sa role ng isang nymphomaniac. Dito diumano ay ipinakita niya ang kanyang kabuuan na kailangan ng mabilis na mata para makita ng manonood. Yes, ganito raw kabilis ang eksena na kumurap ka lamang ay hindi mo na makikita ang nasabing eksena ni Barbara sa pelikula.

Binigyan ng R18 rating ng MTRCB ang movie na maraming mga eksena ng hubaran hindi lamang ng mga artistang babae (Barbara at Aleck Bovick) kundi maging ng mga lalaki (Allen Dizon, Alberto de Esteban, Allan Paule at Johnny Vicar).

Kwento ng isang normal na babae na nagkasakit matapos magkaroon ng isang near-death experience para masagip niya ang kanyang boyfriend sa isang aksidente.

Hindi huminto ang kwento ng Kaulayaw sa pagpapakita lang kung paano ito nakukuha. Diniretso ni Posadas ang kabuuan hanggang sa paano ito nabigyan ng lunas.

Laking tuwa ng bagong movie outfit na kahit ganoon karami ang mga delikadong eksena, pinasa pa rin ito ng movie review board ng walang hininging cut.

Balitang napaiyak pa raw ang isa sa mga reviewers nang mapanood ito.

ALBERTO

ALECK BOVICK

ALLAN PAULE

ALLEN DIZON

BALITANG

BARBARA MILANO

BINIGYAN

JOHNNY VICAR

KAULAYAW

TRI-VISION FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with