^

PSN Showbiz

Gretchen, hiwalay na?

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Totoo kayang hiwalay na sina Gretchen Barretto at Tony Boy Cojuangco?

Consistent kasi ang rumor at marami nang may alam sa circle ng alta sosyedad.

Ayon sa isang source ng Baby Talk, hindi pa rin accepted ng family ni Tony Boy si Gretchen na isa sa main reason ng separation.

Hanggang ngayon din daw ay wala pa sa plano ni Mr. Cojuangco ang marriage na matagal nang hinihintay ni Gretchen.
*****
Everyday, may nadi-discover na bago sina Dingdong Avanzado and Jessa Zaragoza sa isa’t isa after they got married several months ago. Like si Dingdong, nadiscover ni Jessa na lahat ng pagkain, dini-dip nito sa vinegar. Ayon naman kay Dingdong, sobra ang pagiging organized ni Jessa sa gamit as in lahat ng gamit nila sa kuwarto wala kang makikitang nakakalat.

Anyway, in a way, love affair nila ang concept ng concert nila sa February 9, Dingdong and Jessa ... In love sa Folk Arts Theater. Ito ang unang pagkakataon na nagsama sa isang concert ang mag-asawa kaya pareho silang excited. Si Dingdong ang magdi-direk ng whole show na ayon kay Jessa, very particular sa lahat ng details dahil concept niya ito from start to finish.

"Pina-promise namin na mai-in love sila after the show, or kung in love na sila, mas lalo silang mai-in love," Dingdong promised.

In any case, nag-express ng support ang mag-asawa na makikita sila sa grupo na nakikipaglaban sa piracy. Nararamdaman din kasi nila ang grabeng epekto ng piracy. "Imagine one time nagpunta ako sa Taiwan, maraming nagpapapirma ng authograph, lima lang yata ang original. Ganoon ka-grabe, hindi ko pinirmahan, ‘yung mga original lang," expressed Jessa after the presscon kasabay ng birthday niya last Thursday na ang celebration ay sa pamamagitan ng Jessa Zaragoza Golf Tournament sa Celebrity Sports Club.

"Meron na nga silang copy ng best of Jessa Zaragoza, samantalang wala pang ganoon," she added.

Maging ang last album ni Dingdong ay madaling na-pirate.

After ng concert nila sa February 9, magko-concentrate sila sa kanilang respective career. And then magkakaroon sila ng series of concert sa US na magsisilbi na rin nilang honeymoon.

Maraming dinaanang intriga ang relasyon nila bago ito nauwi sa kasalan. Pero sila talaga in the end kaya kahit anong intriga, nalampasan. Ngayon, nag-move na sila sa kanilang sariling townhouse to start their own family.

At any rate, available ang ticket ng Dingdong and Jessa ... In Love sa CCP box-office, Music Museum, National Bookstores, Tower Records, Ticket World and Robinsons Department Stores.

Very affordable raw ang ticket ayon kay Jessa, kaya puwedeng manood ang lahat.

AYON

BABY TALK

CELEBRITY SPORTS CLUB

DINGDONG

DINGDONG AND JESSA

DINGDONG AVANZADO

FOLK ARTS THEATER

JESSA

JESSA ZARAGOZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with