^

PSN Showbiz

"Feeling ko sing-ganda ako ni Lucy Torres" - Regine

- Veronica R. Samio -
Marami na ang nakatambal ni Richard Gomez pero, lubha siyang humanga sa kasimplihan ng kanyang kapareha na si Regine Velasquez sa pelikulang Ikaw Lamang, Hanggang Ngayon sa Viva Films.

"Sikat na siya, may pangalan na, pero wala siyang star complex. Napaka-simple niyang tao. Walang masyadong hinihingi. Ganun dapat ang mga artista," ani Richard sa isang recent interview.

Sinabi ni Goma na wala pa siyang napapanood ni isa mang pelikula ng tinaguriang Asia’s Songbird pero aware siya sa lakas nito sa boxoffice. He has always been awed by her beautiful and powerful singing voice. Regine on the other hand, has always admired his acting gift and good looks. "Ang feeling ko kasing-ganda ako ni Lucy Torres," referring to Goma’s lovely wife.

Sa pelikula isang golf instructor si Richard. Isa namang ordinaryong babae si Regine na nagtatrabaho sa Post Office. Nagkakilala sila at nagkaibigan. Kinunan ang movie ni direktor Yam Laranas sa mga magaganda at historic landmarks ng Maynila. "Noon ko lamang na-realize na napaka-ganda pala ng Maynila," amin ni Richard during the presscon of the movie sa opisina ng Viva.

Sa pelikula, ang presence at influence ni Richard ay naging dahilan para ang isang napaka-ordinaryong babae ay maging isang masayahin at magandang babae, from an ugly duckling into a beautiful swan.

Mararamdaman din ng mga manonood ang napaka-lakas na chemistry at electricity ng dalawang artista na nagtambal sa unang pagkakataon.
*****
Masaya at mabituin ang ginawang paglulunsad ng Ultra Bykes Cafe nung Peb. 1 na ang konsepto ay brain child ng limang kabataang babae na pawang naglilingkod sa Ultra organization. Sila sina Jennifer Saberon na Gen. Mgr ng UBC, si Therese Castillo na assigned sa Finance, si Mayette Ocampo sa Sales & Marketing at si, Lovely Rivero na in-charge sa Promotions and Advertising at siya ring spokesperson ng kumpanya. Si Patricia de Guzman ay Deputy Head ng Administration at ng Ultra Car, ang mother company ng UBC na na-established sa bansa nung 1994.

Sina Jennifer, Therese at Patricia ay graduates ng Loyola Marymount University (California), si Lovely ay nagtapos sa Maryknoll at si Mayette ay graduate ng UST. Ang lima ay dati nang naglilingkod sa Ultra organization. Isang bagong myembro, si Trina Inigo ay Deputy Head for Operations.

Ang UBC ay unang inisip bilang isang coffee shop para sa mga scooter and motorcycle enthusiasts. Ngayon ay isa na itong restaurant, bar and coffee shop na nagsisilbi ng breakfast, lunch, dinner and merienda at nagpapalabas ng mga special shows regularly. Mayroon din itong outside bar-kiosk na nagsisilbi ng coffee, food and drinks para sa mga drive-thru customers at dun sa mga gusto lamang manatili sa labas ng cafe. Matatagpuan ito sa corner ng Sabio St. at Chino Roces Ave. Bukas ito, Lunes hanggang Sabado mula 11n.u. hanggang 2:30 n. u.

Nag-cut ng ribbon sina Lorna Tolentino at MMDA Chairman Benjamin Abalos. Nagperform sa labas ng cafe sa saliw ng isang live band sina Stella Ruiz, Jo Awayan, Miriam Pantig at marami pang iba. Nakita rin sa naturang affair sina Angel Aquino, Carol Dauden at marami pang iba.

ANGEL AQUINO

CAROL DAUDEN

CHAIRMAN BENJAMIN ABALOS

CHINO ROCES AVE

DEPUTY HEAD

GOMA

HANGGANG NGAYON

IKAW LAMANG

ISANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with