Makinig ka, Nora Aunor!
February 3, 2002 | 12:00am
Sa nagkakaisang pananaw ng marami ay napakakapal ng mukha ng kaibigan lang daw at hindi karelasyon ni Nora Aunor na si John Rendez.
Kung hindi ba naman tabla na ang mukha ng deejay raw na kaibigang-matalik ni Nora ay bakit ang lakas-lakas pa ng kanyang loob na magsabing ang buhay at career daw niya ang sinira ng magkakapatid, kabaligtaran ng mga lumalabas na balitang siya ang sumira sa buhay at career ng mga anak-anakan ni Nora.
Unang tanong ng bayan, anong career daw kaya niya ang tinutukoy ni John na sinira nina Ian, Lotlot, Matet, Kiko at Kenneth?
Dati kayang aktor na may magagandang oportunidad sa buhay si John, na nang ireklamo ng mga anak ni Nora ay biglang nawala sa eksena, dahil naapektuhan ng mga sinasabi ng mga anak ng aktres?
Umangat ba ang career ang mestisong kaibigan daw ni Nora, o napansin man lang ba ng publiko ang kanyang presensiya, para masabi niyang may career siyang winasak ng mga anak ni Nora?
Ano nga kaya ang gustong tukuyin ng John na ito na winasak daw ng mga kapamilya ni Nora, lalo na nina Ian at Matet?
May nasira nga kaya?
O para mas diretsa, may career bang mawawasak sa kanya ang magkakapatid?
Kung pataliman ng dila ang gustong laban ni John ay hindi uurong sa kanya ang malalabahang dila ng matapang at diretso kung maglitanyang si Matet.
Lalo na kung maraming impormasyong maaaring isambulat si Matet para sa mas ikalilinaw ng sitwasyon, ang matabil na dila ng bubulol-bulol magsalitang si John ay walang mailalaban.
Kung sanay walang maibabato pabalik sa kanya ang mga anak ni Nora, kung sanay may kahit konting porsiyento man lang ng pakikisamang ipinuhunan ang lalaking ito, kaso nga ay wala naman.
Pinalalabas pa ngayon ni John na malandi si Matet, na siya raw ang tinukso ni Matet at ang dalaga ang nagbigay ng motibo sa kanya.
E, bakit kaya isang araw ay nag-iiyak na lang nang nag-iiyak si Matet habang sakay ng minamanehong kotse ni John?
Takot na takot si Matet, parang nakakita ng multo, sigaw nang sigaw.
Yun ba ang babaeng nagbibigay ng motibo, dinadaan sa sapilitan?
Maraming beses nang gustong kausapin nina Lotlot, Ian at Matet si Nora para maglabasan na sila ng baraha sa mesa, pero lagi ring nagdadalawang-isip ang magkakapatid sa gusto nilang gawin, dahil kahit kailan naman ay hindi nagkamali si John sa paningin ni Nora.
Basta si John na ang kalaban ay palaging mali ang mundo para kay Nora Aunor.
Kailanman ay hindi nagkamali ang lalaking ito sa pananaw ni Nora. Kaya para ano nga naman at magsasayang pa ng panahon at laway ang magkakapatid?
Si Nora Aunor mismo ang nagpapahaba ng sungay ni John Rendez, huwag naman sanang dumating ang panahon na siya na mismo ang sinusuwag ng lalaking ito.
Sana nga.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended