^

PSN Showbiz

Puwersa ng boses ni Regine, sa nipples nanggagaling!

FRONT SEAT - Cristy Fermin -
Kung si Martin Nievera ang sinasaluduhan naming singer na lalaki ay natural lang na meron din kaming hinahangaang mangangantang babae.

Totoo ’yun, pero nakahihigit sila sa bilang, hindi tulad ni Martin Nievera na nag-iisa lang sa aming listahan.

Malaki kasi ang pagkakaiba ng paborito kaysa sa gusto. Parang pagkain din kasi ang mga singers, marami kaming gustong kumanta, pero si Martin lang ang paborito namin.

Parang sa mga babaeng singers din, gusto naming kumanta sina Lani Misalucha at Zsazsa Padilla, pero si Regine Velasquez ang paborito namin.

Gusto rin naming kumanta sina Dessa at Bituin Escalante, idagdag mo pa sina Kuh Ledesma at Lolita Carbon ng Asin, pero ang album ni Regine ang binibili namin.

Gusto rin naming naririnig ang boses nina Carol Banawa at Jolina Magdangal, pero gusto naming laging pinatutugtog ang CD ni Regine.

Ang mundong walang musika ay isang malungkot na mundo, kasabihan na, pero ang mundo ng musika ay mas magkakaroon ng kahulugan kung ang mga boses na maririnig mo ay may karapatan.

’Yung pagiging sinsero ng kanyang pag-atake, ’yung mga letrang sa puso nagmumula at hindi basta sa lalamunan lang, ’yun ang mga katangiang minahal namin kay Martin Nievera.

Ang kasimplehan ni Regine, kahit pa ang galing-galing na niyang kumanta, ang pagkanta niyang may kaluluwa kahit pa ang tono at tining ng kanyang boses ay parang hanggang langit na, ’yun ang gustung-gusto namin kay Regine.
* * *
Pero nu’ng isang gabi lang ay may nadiskubre kami, isang rebelasyon na tumambad mismo sa magkabila naming mata, na gusto naming sulatin ngayon nang walang malisya.

Kapag napapanood kasi namin si Regine, kadalasan ay itim ang damit niya, nu’ng Martes ng gabi lang namin siya napanood na nakaputing damit sa inagurasyon ng KLOWNZ Comedy Bar nina Allan K at Lito Alejandria.

Mga dalawang dipa lang ang layo ni Regine sa amin nina Lito Camo, Jerome Abalos at Mommy Carol Santos habang kumakanta siya, kaya ang buo niyang katawan ay maaari mong pagpistahan nang wala siyang kaalam-alam at kalaban-laban.

Tuwing tumataas ang tono ng kinakanta ni Regine ("On The Wings Of Love" at "Tuwing Umuulan") ay napansin namin, lumalaki ang bilog sa mismong sentrong bahagi ng kanyang dibdib, habang humihirit siya ay lalo namang naninigas ’yun, kaya naisip namin na sa kanyang mga nipples pala kumukuha ng puwersa ang magaling na singer.

Akala nami’y kami lang ang nakakapansin ng nagaganap, pero hindi pala, ’yun din ang napansin nina Jerome at Lito, mga kilalang recording artists na may otoridad na magsabi kung saan kumukuha ng kambiyo o puwersa ang isang kumakanta.

At hindi puwedeng itago ’yun, dahil kapag mababa naman ang kanyang tono ay walang bumubukol sa kanyang dibdib, lumalabas lang ang dalawang butil sa magkabilang bundok ni Regine kapag tumataas na ang kanyang pagkanta.

Puti pa naman ang kulay ng damit ng magaling na singer, puti na at ang nipis-nipis pa, kaya kitang-kita namin kung paano unti-unting "nagagalit" ang dalawang butil na perlas sa magkabilang dibdib ni Regine Velasquez.

Napakasimple niyang kumanta, abot-langit na ang tonong dinadala niya ay walang kahirap-hirap lang niyang inaabot ’yun.

Sa mga pagkakataong halos ikalagot na ng ugat sa leeg ng ibang singers ang matataas na tono ay hahalakhakan lang sila nang malakas ng paborito naming si Regine.

ALLAN K

LANG

MARTIN NIEVERA

NAMIN

NAMING

PERO

REGINE

REGINE VELASQUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with