^

PSN Showbiz

Travel the world with Maybelyn & Tisha

- Veronica R. Samio -
Bukod sa mga magagandang lugar, dito sa Pilipinas at maging sa labas nito, na itatampok sa pinakabagong palabas ng RPN 9 na pinamagatang World Guide, pinaka-atraksyon pa rin ng itinuturing the Philippine Global Travelogue ang dalawang kabataang babae na kinuhang host ng nasabing programa, sina Maybelyn dela Cruz at Tisha Veloso.

Si Maybelyn ay ang 19 na taong gulang na kabataang artista na regular na napapanood sa Click at Bubble Gang ng GMA at Kapiterya Pinoy ng RPN. Nasa ikatlong taon siya ng pag-aaral ng BS Management sa Perpetual Help College sa Las Piñas City.

Disinuebe anyos din si Tisha at nasa ikalawang taon sa UP, sa kursong Business Administration.

Of the two, hindi pamilyar ang mukha ni Tisha bagaman at ang paghu-host niya ng World Guide ay hinuhulaang magsisimula ng isang mabulaklak na career niya sa showbiz. Taga-Tacloban, Leyte siya at mula sa kilalang angkan ng mga Veloso. Kasali siya sana sa beauty contest na Miss Global Philippines pero, nag-back out siya sa huling sandali nang malaman niya na nakuha siya bilang isa sa dalawang hosts ng World Guide. Bago ito ay nanalo siya bilang Miss Leyte Pintados, Miss Tourism Regional na kung saan ay 1st runner-up lamang siya na nagbigay sa kanya ng matinding kasiphayuan at Miss Maglipayon, isa ring beauty contest na itinataguyod ng isang organisasyon sa Tacloban.

Hindi niya puwedeng ipagwalang bahala ang World Guide dahil unang pagkakataon niya na makapag-host sa TV kaya kahit nakapasa na siya sa first and second screening ng Miss Global Philippines na kung saan ay P1M ang napanalunan ng nangwagi, hindi pa rin ito naging dahilan para pagsisihan niya ang pag-back out dito.

Nakakailang episodes na sila ng World Guide. Sa Pebrero 2, sa initial telecast nito 3:00-3:30 n.h., itatampok ang siyudad ng Davao. Ang mga pagkaing representative of the place ay si Tisha mismo ang nagluto at kinain nila sa isang primitive restaurant.

Alternate hosts sina Tisha at Maybelyn pero may pagkakataon na magsasama sila sa show.

Sa Pebrero, magtutungo sila ng Hongkong at tutuloy na rin sila ng China at Vietnam.

Ang World Guide ay isang travel guide show na makikita sa mga mata ng dalawang kabataang babae.
*****
Pagkatapos ng tagumpay ng "Larawang Kupas", umaarangkada naman ang "Bulag Pipi at Bingi" na pinasikat ni Freddie Aguilar pero ngayon ay ni-revive ni Jerome Abalos at matatagpuan sa kanyang ikalawang album sa Vicor Music Corporation na may carrier single na "Inaamin Ko". Apart from "Bulag...", kasama rin sa album ang "Kailangan Ko’y Tulad Mo," "Sana’y Maligaya Ka," "Muli Mong Mahalin," "Ayoko Nang Masaktan," "Wala Nang Hihigit Pa," at ang mga revivals na "Kumusta Ka Kaibigan," "I Never Cry" at "I Can’t Get No Satisfaction".

Pawang personal choices ni Jerome ang mga revived songs, lalo na yung kay Ka Freddie na maliit pa lamang siya ay talagang idolo na niya.

vuukle comment

AYOKO NANG MASAKTAN

BUBBLE GANG

BULAG PIPI

BUSINESS ADMINISTRATION

MISS GLOBAL PHILIPPINES

SA PEBRERO

SIYA

TISHA

WORLD GUIDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with