^

PSN Showbiz

Donita, pinag-aagawan!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
True kaya ang balitang pinagselosan ni Mark Anthony Fernandez si Direk Lav Diaz kay Donita Rose during the time na ginagawa nila ang Hesus Rebolusyonaryo?

Balita kasing hindi lang si Mark Anthony ang na-in love kay Donita kundi maging si Direk Lav Diaz. Actually, inamin naman ni Direk Lav na nagkaroon sila ng confrontation ni Mark pero tungkol umano ito sa motivation niya sa actor na ikinapikon ni Mark.

Last November nang lumabas ang issue tungkol sa kanila ni Mark.

In any case, in a way comeback movie ni Mark ang Hesus Rebolusyonaryo. Sexy movie kasi ang karamihan sa ginawa ni Mark nang maging active uli siya sa pelikula. In the movie, he is a young rebel, Hesus Mariano.

"The film is set in 2011," begins Direk Lav. "The whole of the Philippines has come under the rule of a military junta and Mark is a young ang idealistic freedom fighter in the process of discovering the brutal truth about how all revolutions turn out and he is having a hard time coming to terms with it."

Si Donita Rose ang leading lady ni Mark sa pelikula na matagal ding hindi napapanood sa wide screen. "Donita Rose is a great choice for the role of Hilda, my childhood sweetheart in the film," said Mark sa isang press statement.

Unexpected ang love affair nila sa pelikula. An extraordinary love affair na hindi inaasahan. Love that blooms despite the brutal violence and uncertainty of a revolution in full swing na mapapanood sa pelikula.

Unusual ang relationship, ang idealism ay ipinaglalaban para sa kapakanan ng sambayanan. "It’s one of the major reasons I decided to accept the role," Donita stated sa isang press release. "I play not only a character. It is in my image that viewers will see the Philippines in the not so distant, but God forbid, apocalyptic future," she added.

"Sila ang new generation of young Filipinos who stand to inherit whatever is right or wrong in Philippine Society," Direk Lav added.

At any rate, Hesus Rebolusyonaryo also stars Joel Lamangan, Ronnie Lazaro, Pinky Amador, Bart Guingona, Richard Joson, Dido dela Paz and Ricardo Cepeda.
*****
Fan ka ba ni Lea Salonga! Well kung oo, you have a chance to test your knowhow on Lea. Simple lang: just type the name LEA at ipadala sa 2328 (for Globe users) and 2444 (for Smart users ) at padadalhan kayo ng trivia questions tungkol sa kanya at piliin ang alam n’yong tama sa mga ibinigay na choices. Once you garner 50 points, may chance kang maka-chat si Lea on February 2. Kaya ano pang hinihintay n’yo, take the chance and take the quiz. For more details, visit www.leasalonga.com
*****
Nag-celebrate si Transportation and Communication Secretary Pantaleon "Bebot" Alvarez ng ika-44 Birthday Party niya sa Padi’s MINDAVE Restaurant Bar sa Mindanao Avenue kanto ng Congressional Ave., Quezon City kasama ang kanyang mga kaibigan sa media. Sa nasabing celebration, sinabi ni Sec. Alvarez na susuportahan niya ang pelikulang Pilipino laban sa piracy at ibang mga problema, at nais niyang sumuporta sa mga kabataang singers at mga banda tulad ng mga tumutugtog gabi-gabi sa Padi’s MINDAVE.

Kumanta si Secretary Alvarez kasama ang Villanueva Sisters Band at folk singer Willie San Juan.

Ayon sa owner ng MINDAVE, libre ang entrance gabi-gabi sa live band music ng Padi’s MINDAVE at si Secretary Bebot Alvarez ay humahanga sa kakayahan ng mga kabataan sa musika. Inaanyayahan ang mga baguhang banda at singers na mag-audition dito. Sabi ni Bebot Alvarez: "Ang talentong pang-musika ng kabataan ay kayamanan ng bansa, kailangan natin itong bigyan ng sapat na suporta. Ang Pilipinas ay dapat maging sentro ng musika sa Asya." Dating Congressman ng Davao si Bebot Alvarez, isang mahusay na abogado galing sa di mayamang pamilya, at ngayon ay isa sa pinakabatang miyembro ng gabinete sa pamahalaan.

ALVAREZ

ANG PILIPINAS

BART GUINGONA

BEBOT ALVAREZ

DIREK LAV

DONITA ROSE

HESUS REBOLUSYONARYO

MARK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with