Jolina, Kauna-unahang Pinay na naimbita sa Hula Bowl
January 25, 2002 | 12:00am
Talagang taon ni Jolina Magdangal ang Year of the Horse dahil this early, base sa mga matagumpay niyang concert sa Asia, Australia at sa USA ay naimbita siya ng mga namumuno ng Hawaiis Hula Bowl. Isa itong taunang palaro ng football na ginaganap sa Mauis War Memorial Stadium.
Gaganapin ang palaro sa darating na Pebrero 2 na tinitiyak ang pagdagsa ng 30,000 spectators mula sa ibat ibang isla ng Hawaii at ng US Mainland.
Kauna-unahang Pinay si Jolina na naimbita sa naturang palaro na iko-cover ng ESPN Cable TV na mapapanood sa buong America. Nakahanda rin ang isang solo concert ng young pop icon na gaganapin agad pagkatapos ng naturang palaro.
Mula rito, tutuloy si Jolina sa California para sa launching ng kanyang Jolinas Fashion Gallery products at Musikang Pilipino sa West Covina sa darating na Pebrero 5 at sa 8 naman, isang solo concert ang kanyang gagawin sa Alex Theater na matatagpuan sa Glendale, California. Alex Datu

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended