30% amusement tax, ibababa ng 50% sa Maynila
January 25, 2002 | 12:00am
Matapos ang kawalan ng sigla ng industriya ng pelikula, lalo na nitong nakaraang taon, magkakaroon ito ng isang well-deserved break sa Maynila sa pamamagitan ng isang pahayag ni Mayor Lito Atienza na bababaan ng pamahalaan ng Maynila ng 50% ang 30% Amusement Tax na kinukuha mula sa benta ng mga tiket ng mga pelikulang ipinalalabas sa Maynila.
Ang pagbababa ng buwis ay gagawin sa pamamagitan ng isang ordinansa na ipinasa nina Konsehal Miles Roces at Boy Laxa at ipa-file sa susunod na linggo ng ika-5th Councilor and City Council President Pro-Tempore Kim Atienza.
"Nangangahulugan ito na ang kasalukuyang 30% Amusement Tax na nagmumula sa benta ng mga tiket ng mga pelikulang ipinalalabas sa mga sinehan sa Maynila ay bababa ng 15%. Ito ang aming pamamaraan ng pagtulong sa lokal na industriya ng pelikula lalo na sa panahong ito ng economic crisis," anang mayor.
Bagaman at ang pagbababa na ito ng nasabing buwis ay mangangahulugan ng less revenues para sa city government, sinabi ni Mayor Atienza na babawi na lamang sila sa mas magandang performance ng mga pelikula sa boxoffice na mangangahulugan ng mga mataas na kita ng gobyerno sapagkat mas magaganda pang pelikula ang magagawa ngayon.
"Inaasahan din na mai-encourage nito ang mga producer na gumawa ng mga pelikulang may mataas na antas," dagdag pa niya.
Hindi kasali sa pagbaba ng Amusement Tax ang mga pelikula na hindi ginawa ng mga local film outfits. 30% pa rin ang babayaran ng mga foreign film distributors and producers.
Im sure maraming TV sets ang nakatutok ngayong gabi sa palabas na Sana Ay Ikaw Na Nga na kung saan ay isang enggrandeng kasalan ang magaganap kina Carlos Miguel (Dingdong Dantes) at Olga na taglay ang mukha ni Cecilia (Tanya Garcia).
Kababalik pa lamang ng dalawa mula sa Amerika at magpapakasal na sila. Paano patutunayan ni Cecilia sa dating kasintahan na impostor ang kasama niya?
At kung matutuloy ang kasal, ano na ang mangyayari sa pagiibigan nilang dalawa?
Habang naghihiganti si Consuelo (Angelu de Leon) at hinahanap ni Vladimir si Olga, tuluy-tuloy naman ang ibang sorpresa sa sinusundang teleserye ng GMA Lunes hanggang Biyernes, 6:30 n.g.
Isang kasamahan sa hanapbuhay na nagdidirek din sa TV ang ngayon ay nagmamaneho na rin ng mga baguhang artista. Siya si Elmer de Vera na dalawa sa mga talent na mina-manage niya ay nagsisimula nang gumawa ng pangalan sa larangan ng TV. Sila ay sina Michael Roy Fernales at si Karen Goyena.
Kasama si Karen sa pirmahang, naganap between VDB Marketing at St. Peter Life Plan, Inc. na kinatawan nina Violet Domingo-Balois at York B. Vitanggol para sa paglulunsad ng Talkline Prepaid Cards na may karagdagang benepisyo gaya ng sumusunod: P50,000 life insurance, P100,000 accident insurance, P15,000 burial insurance, P100, 000 unprovoked murder insurance, P15, 000 accident medical reimbursement at P1,000 per 365 days hospitalization insurance. O di ba bongga?! Sinong mahilig mag-cell ang di mararahuyo sa ganitong benepisyo?
Nagte-telepono ka lang, insured ka pa!
Bubuksan na rin ang Greenhills Theater Mall, ngayong Linggo, Enero 27.
Pangungunahan ng mga opisyal at artista na kasapi ng Katipunan Ng Mga Artista Sa Pelikula At Telebisyon ang grand opening na magsisimula sa ika- 5:30 n.u. sa pamamagitan ng isang "Fun Run". Susundan ito ng isang Holy Mass.
Maraming pangyayari ang magaganap sa gabi na dadaluhan ng mga artista sa showbiz, sports at politics.
Sa tatlong entrances ng Mall, magkakaroon ng magicians, fortune tellers, henna tattoo artists, bead makers, mime artists, jugglers at clowns.
Magkakaroon din ng 70-ft. dragon dance at lighting of torch bago ang ribbon cutting. Pagkatapos ng blessing, isang live concert ang mapapanood na magtatampok kina Regine, Pilita, APO, Ogie, Ara, Mulatto, Parliament Syndicate atbp.
Ang pagbababa ng buwis ay gagawin sa pamamagitan ng isang ordinansa na ipinasa nina Konsehal Miles Roces at Boy Laxa at ipa-file sa susunod na linggo ng ika-5th Councilor and City Council President Pro-Tempore Kim Atienza.
"Nangangahulugan ito na ang kasalukuyang 30% Amusement Tax na nagmumula sa benta ng mga tiket ng mga pelikulang ipinalalabas sa mga sinehan sa Maynila ay bababa ng 15%. Ito ang aming pamamaraan ng pagtulong sa lokal na industriya ng pelikula lalo na sa panahong ito ng economic crisis," anang mayor.
Bagaman at ang pagbababa na ito ng nasabing buwis ay mangangahulugan ng less revenues para sa city government, sinabi ni Mayor Atienza na babawi na lamang sila sa mas magandang performance ng mga pelikula sa boxoffice na mangangahulugan ng mga mataas na kita ng gobyerno sapagkat mas magaganda pang pelikula ang magagawa ngayon.
"Inaasahan din na mai-encourage nito ang mga producer na gumawa ng mga pelikulang may mataas na antas," dagdag pa niya.
Hindi kasali sa pagbaba ng Amusement Tax ang mga pelikula na hindi ginawa ng mga local film outfits. 30% pa rin ang babayaran ng mga foreign film distributors and producers.
Kababalik pa lamang ng dalawa mula sa Amerika at magpapakasal na sila. Paano patutunayan ni Cecilia sa dating kasintahan na impostor ang kasama niya?
At kung matutuloy ang kasal, ano na ang mangyayari sa pagiibigan nilang dalawa?
Habang naghihiganti si Consuelo (Angelu de Leon) at hinahanap ni Vladimir si Olga, tuluy-tuloy naman ang ibang sorpresa sa sinusundang teleserye ng GMA Lunes hanggang Biyernes, 6:30 n.g.
Kasama si Karen sa pirmahang, naganap between VDB Marketing at St. Peter Life Plan, Inc. na kinatawan nina Violet Domingo-Balois at York B. Vitanggol para sa paglulunsad ng Talkline Prepaid Cards na may karagdagang benepisyo gaya ng sumusunod: P50,000 life insurance, P100,000 accident insurance, P15,000 burial insurance, P100, 000 unprovoked murder insurance, P15, 000 accident medical reimbursement at P1,000 per 365 days hospitalization insurance. O di ba bongga?! Sinong mahilig mag-cell ang di mararahuyo sa ganitong benepisyo?
Nagte-telepono ka lang, insured ka pa!
Pangungunahan ng mga opisyal at artista na kasapi ng Katipunan Ng Mga Artista Sa Pelikula At Telebisyon ang grand opening na magsisimula sa ika- 5:30 n.u. sa pamamagitan ng isang "Fun Run". Susundan ito ng isang Holy Mass.
Maraming pangyayari ang magaganap sa gabi na dadaluhan ng mga artista sa showbiz, sports at politics.
Sa tatlong entrances ng Mall, magkakaroon ng magicians, fortune tellers, henna tattoo artists, bead makers, mime artists, jugglers at clowns.
Magkakaroon din ng 70-ft. dragon dance at lighting of torch bago ang ribbon cutting. Pagkatapos ng blessing, isang live concert ang mapapanood na magtatampok kina Regine, Pilita, APO, Ogie, Ara, Mulatto, Parliament Syndicate atbp.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended