Onemig, magpapakita ng puwet!
January 22, 2002 | 12:00am
Para kay Onemig Bondoc hindi naging maganda ang taong 2001 dahil hindi naging aktibo ang kanyang career. Ito ang panahong hindi niya alam kung ano ang gagawin para maging masigla ang kanyang career.
Nagsimulang lumabas sa daring na eksena ang aktor sa nawalang programang Your Honor ni Richard Gomez bilang isang macho dancer. Marami tuloy ang nagtanong kung ito na ba ang magiging simula para magbago na siya ng kanyang image.
Ngayon ay na-realize ni Uno na tumanggap ng mature roles at ang pa-tweetums ay ibigay na lang sa mga bagets.
May gagawin siyang pelikula katambal si Assunta de Rossi, at magsisimula na silang magsyuting next month. Kaya na niyang gawin ang pagiging daring ni Diether Ocampo kaya nga pumayag na makapareha si Assunta. May butt exposure siya sa movie nila ng seksing aktres. Naniniwala siya na sa pelikulang ito ay baka magkaroon ng pagbabago ang kanyang career.
Ilang linggo na naming hindi napapanood si Aiza Marquez sa Lunchbreak kaya nagtanong-tanong ako. Napag-alaman ko na suspendido pala siya ng dalawang linggo na inabot na ng six weeks. Lumabas kasi ang young actress sa Talk TV kung saan ang last part nito ay tumama sa unang kalahating oras ng Lunchbreak. Nangako naman kasi ang mga taga Talk-TV na ipalalabas nila ito sa araw na wala siya sa Lunchbreak kaso hindi natupad ang pinagkasunduan.
Kahit may offer si Aiza for another noontime show ay mas gusto niyang manatili sa Lunchbreak kasi parang magpapamilya na sila ng mga kasamahang artista at staff.
Ngayon ay balik-programa si Aiza. May ginawang pelikula sa MMG Films ang magandang young actress titled Okey Ka Lang na ang bida ay si Patrick Ervie Mateo.
Balitang crush si Aiza ng binatilyong anak ng prodyuser pero wala pa sa loob niya ang pag-ibig dahil gusto niyang gumawa ng malaking pangalan sa showbiz balang araw.
May balita kaming natanggap at nagtatanong kung totoo bang lumaki na ang ulo ni Allona Amor dahil sa kasikatang tinatamo ngayon. Bukod sa paborito siya ng ATB Films ay may movie rin siya sa Seiko titled Balut gayundin sa Maverick Films na pinamagatang Nang Lumaban si Adan kapareha si Jay Manalo.
Nakausap namin ang seksing aktres at sinabing kailanman ay hindi niya inisip na lumaki ang ulo dahil utang nga niya sa mga tagahanga ang kasikatang tinatamo niya. Marunong pa rin siyang makisama sa mga kasamahang artista at direktor. "Tita, kilala mo naman ako at never akong naging prima donna. Kung lumaki ang ulo ko ay baka hindi na ako kunin ng ibang kompanya. Nagpapasalamat nga ako sa dami ng blessings na dumarating sa aking buhay at never kong inisip na malunod sa isang basong tubig," aniya.
Ang sikat na veteran actor na ito ay naging pambato noon ng isang sikat ding kumpanya kung saan nagkaroon siya ng ka-loveteam na visible pa rin hanggang ngayon sa showbiz. Ang aktor ay isa sa may magandang PR dahil balita na berde din ang dugo nito kahit nakapag-asawa ng di-taga-showbiz na nabibilang sa mayamang angkan.
Ayon sa isang source ay mahilig din itong pumunta sa gay bar at karaniwang natitipuhan ay mga guwapong bagets. Kapag siyay nalalasing at may katabing guwapong bagets ay gumagapang ang kanyang kamay sa ibat ibang bahagi ng katawan ng lalaki-nananantsing ika nga. Pero minsan ay hindi na nito alam ang ginagawa kapag lango na at ang kamay ng katabing guwapong bagets ay ipapatong niya sa ibabaw ng kanyang pantalon at ikikiskis sa kanyang private part.
Nagkasama ang veteran at magaling na actor sa isang programa sa telebisyon pero natsugi na ito sa ere.
Nagsimulang lumabas sa daring na eksena ang aktor sa nawalang programang Your Honor ni Richard Gomez bilang isang macho dancer. Marami tuloy ang nagtanong kung ito na ba ang magiging simula para magbago na siya ng kanyang image.
Ngayon ay na-realize ni Uno na tumanggap ng mature roles at ang pa-tweetums ay ibigay na lang sa mga bagets.
May gagawin siyang pelikula katambal si Assunta de Rossi, at magsisimula na silang magsyuting next month. Kaya na niyang gawin ang pagiging daring ni Diether Ocampo kaya nga pumayag na makapareha si Assunta. May butt exposure siya sa movie nila ng seksing aktres. Naniniwala siya na sa pelikulang ito ay baka magkaroon ng pagbabago ang kanyang career.
Kahit may offer si Aiza for another noontime show ay mas gusto niyang manatili sa Lunchbreak kasi parang magpapamilya na sila ng mga kasamahang artista at staff.
Ngayon ay balik-programa si Aiza. May ginawang pelikula sa MMG Films ang magandang young actress titled Okey Ka Lang na ang bida ay si Patrick Ervie Mateo.
Balitang crush si Aiza ng binatilyong anak ng prodyuser pero wala pa sa loob niya ang pag-ibig dahil gusto niyang gumawa ng malaking pangalan sa showbiz balang araw.
Nakausap namin ang seksing aktres at sinabing kailanman ay hindi niya inisip na lumaki ang ulo dahil utang nga niya sa mga tagahanga ang kasikatang tinatamo niya. Marunong pa rin siyang makisama sa mga kasamahang artista at direktor. "Tita, kilala mo naman ako at never akong naging prima donna. Kung lumaki ang ulo ko ay baka hindi na ako kunin ng ibang kompanya. Nagpapasalamat nga ako sa dami ng blessings na dumarating sa aking buhay at never kong inisip na malunod sa isang basong tubig," aniya.
Ayon sa isang source ay mahilig din itong pumunta sa gay bar at karaniwang natitipuhan ay mga guwapong bagets. Kapag siyay nalalasing at may katabing guwapong bagets ay gumagapang ang kanyang kamay sa ibat ibang bahagi ng katawan ng lalaki-nananantsing ika nga. Pero minsan ay hindi na nito alam ang ginagawa kapag lango na at ang kamay ng katabing guwapong bagets ay ipapatong niya sa ibabaw ng kanyang pantalon at ikikiskis sa kanyang private part.
Nagkasama ang veteran at magaling na actor sa isang programa sa telebisyon pero natsugi na ito sa ere.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended