^

PSN Showbiz

Husband ng TV exec, may bold star na gf

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Kilala ang celebrity na tatawagin nating si A sa larangan ng pulitika. Marami siyang natulungang tao sa kanyang nasasakupang lungsod noong panahon na siya ay nanunungkulan pa sa isang lungsod. Dumating ang panahon na nakilala niya ang isang iginagalang na female celebrity na si B na konektado sa isang major network. Naging maganda ang relasyon ng dalawa hanggang humantong sa pag-iisang dibdib.

Hanggang magkaanak ang mag-asawa pero dumating sa puntong may nakilalang magandang sexy actress si celebrity A na lingid sa kaalaman ng kanyang asawa. Ang sexy actress na tatawagin nating si C ang balitang bagong apple of the eye ngayon ni A.

Pansamantalang namahinga sa showbiz ang aktres pero visible pa rin ito sa showbiz gathering at mga shows dahil magaling naman siyang kumanta. Samantala si celebrity A ay natalo sa election.
Cesar & Sunshine Walang Problema
Kahit hindi naging maganda ang dating sa mga tao ng acceptance speech ni Cesar Montano sa MMFF, hindi naman siya naapektuhan ng intriga. Katwiran niya ay may kanya-kanyang opinyon ang bawat tao at para sa kanya ay tama lang ang kanyang sinabi.

Ayon nga sa aktor ay wala na siyang mahihiling pa sa kanyang buhay dahil nakapag-asawa siya ng isang mabait at mapagmahal na misis bukod pa sa pagkakaroon ng maganda at malusog na baby.

Sinabi rin ni Cesar na lalo siyang sinuwerte nang ipanganak si Angelina Isabelle dahil sunud-sunod ang kanyang mga pelikula ngayon.

Bukod pa sa pagiging bankable action star ay wala silang problema ni Sunshine Cruz taliwas sa balitang nag-aaway sila at napagbubuhatan nito ng kamay ang kanyang misis. "Hindi maiwasan na magselos si Sunshine at normal lang naman ito pero hindi naman siya over sa pagiging selosa at possessive. Pagpapatunay lang yun na talagang mahal niya ako," anang aktor.
Bojo, Handa Na Ring Maghubad
Kung si Bojo Molina ang masusunod ay ayaw na niyang pag-usapan ang nakaraan nila ni Rica Peralejo. Katwiran niya ay pareho na silang maligaya sa kanilang buhay sa piling ng kanilang minamahal.

Kung may offer sa kanyang maghubad at makipagsabayan kay Rica ay kaya niyang gawin basta’t kailangan sa istorya. Umaasa nga siya na sana’y magkatambal uli silang dalawa.

Kapag walang pinagkakaabalahang pelikula ay naka-concentrate sa kanyang negosyo si Bojo bukod pa sa iba’t-ibang TV appearances.

Natutuwa nga siya dahil makakasama na siya sa soap opera na Ikaw Lang Ang Mamahalin sa naiibang papel.
Lj, Binato Ng Isang Tagahanga
Magaling na aktres si LJ Moreno dahil hindi lang niya maaasahan sa pagiging bida kundi gayundin sa pagiging kontrabida. Katunayan ay epektibo ang kanyang role sa Ikaw Lang Ang Mamahalin bilang tinik sa buhay ng bidang si Angelika dela Cruz. Kaya nga naniniwala pala ang ibang tagahanga na salbahe siya sa tunay na buhay.

Minsan ay dumalo si LJ ng isang pagtitipon sa The Fort at nang makita siya roon ng isang fan ay inirapan ito at sabay siyang binato nang palihim. Dinig na dinig nito ang isang tagahanga ni Angelika dela Cruz na nagagalit at nagrereklamo kung bakit inaapi nito ang kanyang idolo.

Sa halip na magalit ay lihim na natuwa ang magandang aktres dahil nailalarawan pala niya ang karakter ng isang kontrabida.
‘Sis’, Di Matsutsugi
Paganda nang paganda ang episode ng Sis hosted ng magkapatid na sina Janice at Gelli de Belen. Iba’t-ibang topic ang kanilang pinag-uusapan kung saan minsan ay may psychological touch ito gaya nang pagiging emotionally stable sa gitna ng mga problemang dumarating sa buhay ng isang tao.

May mga nagtatanong kung totoo ba ang balitang matsutsugi na ito. Ayon sa executive ng programa ay malabong mangyari ito dahil nagre-rate ang talk show.
Jacky, Magaling Ding Dancer
Naging matagumpay ang mall tour ng international action star-turned singer na si Jacky Woo sa SM Manila, SM Fairview at SM Bacoor noong January 18 hanggang 20. Maraming humanga sa galing niyang kumanta at ilan ang na-in love nang awitin niya ang "Naroon Pa Rin" kabilang na ang kaibigang si Virgie Balatico.

Hindi lang sa pag-awit maaasahan si Jacky kundi gayundin sa pagsayaw na ala-Michael Jackson habang kinakanta ang "Hanggang Sa Muli" at "My Lady". Para siyang si Gary Valenciano na isang total performer, anang mga fans.

Super busy ngayon ang action star dahil sa promosyon ng kanyang self-titled album.

Sa susunod na linggo ay magpo-promote na siya ng kanyang pelikulang The Hustler na iri-release ng Solar Films.

vuukle comment

ANGELIKA

ANGELINA ISABELLE

CENTER

DAHIL

IKAW LANG ANG MAMAHALIN

ISANG

KANYANG

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with