Ano'ng laban ng "K" sa ibang game shows?
January 20, 2002 | 12:00am
Tumututok ako sa TV para mapanood ang premiere telecast ng bagong game show ng GMA na K, hosted by Arnell Ignacio. That was last Sunday, 7 to 8 ng gabi.
Kahit nagsisigawan ang mga kasama ko sa bahay dahil sa excitement sa kanilang pinanonood na ibang show, doon sa kabilang kuwarto, di ako natinag sa panonood ng K. Gusto ko kasi talagang makita kung ano ang bagong dulot nito sa mga televiewers at sa lahat ng mga gustong sumali sa show na P1 Million Videoke Challenge ng Channel 7.
Okey naman at madaling sundan lalo pat masiglang host si Arnell kahit nakaka-istorbo ang iba kong kasama sa bahay.
Ang K kasi ay up against sa local version ng The Price Is Right sa Channel 5, hosted by Dawn Zulueta. Lalo pat nang dumating ang show sa parteng malapit ng manalo ng isang van ang isang babaeng kalahok.
Pero tuloy pa rin ang panood ko ng K. Isa kasi ako sa mga mahihilig sa videoke, at ngayon nga ay nagkaroon pa ng game show sa TV na maaari pang manalo ng isang milyong piso. Ito nga ang masasabing isa sa mga game shows na pang-new millennium at original Pinoy concept pa.
Ang K concept ay likha ni Mr. Bobby Barreiro.
But it dawned on me last Sunday, na kahit anong pilit ko sa aking mga pamangkin na ilipat sa Siyete ang kanilang pinapanood, doon pa rin sila na-excite sa The Price Is Right na kasing-luma ng original host ng show na si Bob Barker (na original host din ng Miss Universe pageant) na maaaring octogenarian na ngayon.
Isa lang ang dahilan kung bakit mas maigting ang atraksyon ng local The Price Is Right, higit na malalaki ang premyo at mas malaki ang mapapanalunan. Iba kasi ang vicarious experience ng mga viewers na kasabay ng kaligayahang nadama ng winner ng show.
Ang tanong ay paano madaragdagan ng excitement ang K upang makaabante sa kalabang show on the same slot? Simple lang ang sagot: dagdagan ng higit na malalaking papremyo.
Madali naman gawin ito na hindi magugulo ang original format ng show. Lagyan lang ng mga numero ang mga blankong salita ng kanta. Sa bawat parte ng timpla, magbigay ng isang lucky number o blank na may katapat na premyo tulad ng air-conditioner, ref, sala set, TV, cellphone, o mga buong showcases o kotse kaya. Habang palapit sa jackpot round palaki nang palaki ang premyo sa magic o lucky blank. Kung sino ang suwerteng natapat sa lucky blank o number, siya ang mananalo ng surprise na premyo. Ang sorpresang mapapanalunan ay naka-flash na sa TV (Hindi nakikita ng mga contestants, pati ang lucky blank o number).
Isa lamang ito sa mga paraan upang higit na maging masigla ang show. Isa pa rin itong gimmick para manalo ang higit na maraming contestants at hindi lamang ang isang taong siyang magwawagi sa jackpot round.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended