^

PSN Showbiz

Dating sikat na aktor, namamalimos na lang!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Guwapo, matangkad at malakas ang sex appeal ng dating bold actor na sumikat noong late 60s. Nakapag-asawa ito ng isang dayuhan, pero naghiwalay din sila. Ang mga anak ay napuntang lahat sa kanyang asawa.

Kawawa ang naging buhay ng aktor sapul nang mapahiwalay sa kanyang asawa at mga anak. Balitang itinakwil siya ng kanyang pamilya. Nagkasakit siya ng diabetes hanggang maputol ang paa. Ngayon nag-iisa na lang ang aktor at namamalimos na lang siya sa bangketa. Minsan ay doon na rin siya natutulog sa bangketa kung saan ilang taga-showbiz ang nakakakita sa kanya.
Robin, Kaibigan Pa Rin Ang Mga Bilanggo
Wala pa ring pagbabago si Robin Padilla kahit matagal na siyang nakalaya. Kung ano ang pag-uugali niya at magandang pakikisama sa mga bilanggo noon ay nananatili pa rin ito hanggang ngayon.

Katunayan ay nagi-enjoy siya sa syuting ng Hari ng Selda (Baby Ama 2) dahil nakita at nakasama niyang muli ang mga kaibigang bilanggo. Ipinakilala rin niya ang mga ito sa kanyang kaparehang si Angelika dela Cruz.

Parang Reyna ang turing niya kay Angelika. Pati ang kanyang aircon na room sa set ay ipinagamit niya rito at doon na lang siya sa labas ng kuwarto namamalagi.
Aimee, Ayaw Mag-Bold
Nakilala namin si Aimee Torres sa presscon ng Kaulayaw ng Tri Visions Films. Tinanong namin ang Miss Tondo ’99 kung magbo-bold din siya gaya ng mga kasamahang artista sa movie. "Tita, ayaw kong maghubad dahil unang-una dalawa ang tiyahin kong madre. Relihiyosa ako gayundin ang aking pamilya. Kaya lang napunta ako sa sexy movie dahil bata pa ay talagang hilig ko na ang mag-artista. May pagawaan kami ng religious articles at may gift shop sa San Pablo kaya okey lang kung di ako magbida agad. Basta’t ang gusto kong gampanan ay mga wholesome na role gaya dito sa Kaulayaw bilang isang titser," aniya.

Nakalabas na si Aimee sa tatlong pelikula kaya lang ekstra lang pero sa Kaulayaw ay nabigyan siya ng magandang break. Tapos siya ng MassCom sa Lyceum.

Ang kanyang pangarap ay makasama si Fernando Poe, Jr. sa isang pelikula balang araw at umaasa na sana’y magampanan niya ang buhay ng isang santa. Type rin ng baguhang aktres na makalabas sa komedi.
Nicole, Muling Hahangaan
Kung naibigan ang pelikulang Sixth Sense, The Blairwitch Project at The Shining ay higit na maiibigan ang The Others, isang kakaibang istorya, tungkol sa mga lihim na mga namatay na di matahimik sa kabilang buhay.

Tampok si Nicole Kidman na kilala na sa pagiging isang magaling na aktres na naging Golden Globe Awards nominee.

Sa pelikulang The Others ay pinapayuhan ang mga taong may mahinang puso na huwag itong panoorin nang nag-iisa.

Ayon sa direktor na si Alejandro Amenabar ay gustung-gusto ng mga manonood ang pelikulang katatakutan gaya din ng mga horror movie sa ating bansa na kinakagat ng mga tao lalo na kapag ginamitan na ng special effects. Ang mga location gaya ng haunted house ang lalong nagpapatindig sa balahibo ng mga manonood kung saan may maganda ring mensaheng mapupulot tungkol sa pagtatagumpay ng kabutihan laban sa kasamaan.

Palabas na ang The Others sa January 23 mula sa Solar Films na siya ring naghandog ng Blairwitch Project.

vuukle comment

AIMEE

AIMEE TORRES

ALEJANDRO AMENABAR

ANGELIKA

AYAW MAG-BOLD

BLAIRWITCH PROJECT

KAULAYAW

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with