Mahal ang ngiti ni Meryll
January 20, 2002 | 12:00am
Sabi nga ni Meryll Soriano, during the launching of Milk Magic, ang pinaka-bagong addition sa napaka-popular na "UHT" milk (Ultra High Temperature, isang proseso na ginagawa para mapanatili ang nutritional value ng gatas sa makabagong pag-iimpake nito sa mga tetra pack containers), hindi kinakailangang gumastos pa ng mas malaki ang Consolidated Dairy and Frozen Food Corp. sa pagkuha ng mga di kukulangin sa 100 mga clowns para lamang mapangiti nila siya ng maganda sa kanyang mga larawan na gagamitin sa mga posters at billboards para sa promosyon ng nasabing label ng gatas. Gusto kasi ng mga gumagawa ng Milk Magic ang isang ngiti ng katulad ng kay Mona Lisa. At hindi naman sila nagkamali, di pwersado ang ngiti ni Meryll which they call as a "Smile that could launch a thousand ships."
"Nakatulong naman ang mga clowns kung tutuusin pero, kaya ko namang mag-smile kahit wala sila," ang wika ng magandang teener na nakuhang mag-endorso ng isang produkto for the very first time.
Inabot ng dalawang oras bago nakunan ang nasabing pictorial. Pero, hindi dahilan sa mahirap kunan ang hinahanap na ngiti ng mga may-ari. Maraming ulit na nagpalit ng damit si Meryll.
Nang tanungin ang mga may-ari kung bakit si Meryll ang napili nilang mag-endorso ng kanilang produkto, sinabi nilang "She is fresh looking. She has a face that will be popular in the future and she is still inexpensive," dagdag pa nilang may pagbibiro.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended