Hunks vs. Aiza sa Valentine's Day
January 18, 2002 | 12:00am
Ang JLF Organization, Inc., ang producer ng mga malalaking konsyerto nina Martin Nievera, (XVll Series of Shows), Patricia Javier (Dish concert) at Aiai delas Alas (3 sold out FAT and Araneta Coliseum concerts) ay producer din ng special Valentine concert ng The Hunks na pinamagatang Hunks: First Time Mo? The "Virgin" Valentine Concert na magaganap sa Tanghalang Francisco Balagtas (dating Folk Arts Theater) sa Pebrero 14, 8:00 ng gabi.
Kung ang matinik na concert artist na si Regine Velasquez at ang nakakatawang si Aiai ay hindi nangiming itago ang kanilang agam-agam na baka hindi nila mapuno ang nasabing venue, walang ganitong takot na narinig o nadama sa apat na kabataang artistang lalaki (Diether Ocampo, Carlos Agassi, Bernard Palanca, Jericho Rosales, late dumating si Piolo Pascual) na humarap sa media nung Miyerkules ng tanghali para sa launching ng kanilang pinaka-unang major concert.
Sinabi nilang kakaiba ang konsyerto in the sense na hindi ang galing nila sa pagkanta ang itatampok kundi ang pagpapasaya na gagawin nila sa mga manonood ng konsyerto. "Pero, may mga sorpresa kaming inihahanda," pangako nilang lahat.
Para tulungan sila sa show, kinuha sina Aiai, Kristine Hermosa, John Lapus at Rica Peralejo. Siguradong gagaan ang trabaho ng mga ka-partner nilang sina Bernard at Echo pero sina Diether ba at Carlos, at maging si Piolo, ay magkakasya na lamang kina John at Aiai? Obviously, hindi "mababastos" ni Aiai ang object ng kanyang desire na si Echo sapagkat naroroon si Kristine. Ganun din si Bernard.
Sino kaya sa tatlong walang ka-Valentine ang mapupuruhan ng komedyante?
Kumpara sa ibang Valentine shows, mura lamang ang tiket para sa The "Virgin" Concert ng The Hunks na nagpaliwanag na hindi nangangahulugan na mga "virgin" pa sila na gaya ng isinasaad sa titulo, virgin lamang sila sapagkat first time nila na mag-perform sa isang napakalaking lugar. P1,000 ang pinakamahal nilang tiket. Ang iba pa ay P800, P600, P300, P200 at P150.
Musical director si Homer Flores at stage director si Johnny Manahan.
Walang takot na sumabak na rin sa labanan ng Valentine concerts si Aiza Seguerra na mapapanood sa mismong Araw Ng Mga Puso sa Crossroad 77, matatagpuan sa Mother Ignacia Ave. cor. Sct. Reyes, Diliman, QC.
Pinamagatang Its Magic!, makakasama ni Aiza sina Kyla, MTV Philippines Best New Artist at ang Manila Pop Youth Orchestra.
Tinawag na "wonder kid" nung kanyang panahon sapagkat inabot niya ang sukdulan ng kasikatan bilang isang batang artista kasama sina Tito, Vic & Joey, nakalulungkot na bumaba ang kanyang popularidad nang magdalaga siya. Kaya siya namahinga sumandali. Maituturing na isang milagro ang matagumpay niyang pagbabalik sa eksena, bilang isang recording artist, sa pamamagitan ng "Pagdating Ng Panahon", sa panahong ang OPM ay tinatalo ng mga CD pirates.
Ngayon, sa pamamagitan niya, hinahangad ng mga taga-mundo ng musika na muling mabuhay ang local recording industry.
Ang Its Magic! ay magbibigay ng tulong sa Quezon City Parks and Development Foundation, Inc. Para sa iba pang mga katanungan, tumawag sa 375-0680. Direksyon ni Majo Visitacion.
Inihahandog ng Radyo Pitlag ng Radio Mindanao Network (RMN 558 Khz) ang isang serye ng drama, ang Kwento ng Buhay, Isyu ng Bayan, Lunes hanggang Biyernes, 4:00 n.h.Isa itong 30-minutong social drama forum na prodyus ng Phil. News and Information Network.
Isa itong makabagong pamamaraan ng paglalahad ng mga isyu sa masang mahilig manood ng soap opera at ang epekto nito sa kanila.
Nagsimula ang new season ng Radyo Pitlag sa pamamagitan ng Ground Zero nung Enero 14 sa pagsasadula ng atake ng terorista ng World Trade Center, sa punto ng isang nurse na Pinoy. Sa pagtatapos ng serye, pagkaraan ng limang araw magkakaroon ng isang forum tungkol sa terorismo. Guest sina Defense Sec. Angelo Reyes at UP College of Law Dean Raul Pangalangan, kasama si Lucha Alforque na nasa NY nang maganap ang trahedya. Program anchor si Ferdinand Quicho.
Ang feature next week ay Urong-Sulong: Panalo Ka Ba, Bayan?, isang pagtingin sa game show format na mabenta ngayon sa manonood ng telebisyon.
Kung ang matinik na concert artist na si Regine Velasquez at ang nakakatawang si Aiai ay hindi nangiming itago ang kanilang agam-agam na baka hindi nila mapuno ang nasabing venue, walang ganitong takot na narinig o nadama sa apat na kabataang artistang lalaki (Diether Ocampo, Carlos Agassi, Bernard Palanca, Jericho Rosales, late dumating si Piolo Pascual) na humarap sa media nung Miyerkules ng tanghali para sa launching ng kanilang pinaka-unang major concert.
Sinabi nilang kakaiba ang konsyerto in the sense na hindi ang galing nila sa pagkanta ang itatampok kundi ang pagpapasaya na gagawin nila sa mga manonood ng konsyerto. "Pero, may mga sorpresa kaming inihahanda," pangako nilang lahat.
Para tulungan sila sa show, kinuha sina Aiai, Kristine Hermosa, John Lapus at Rica Peralejo. Siguradong gagaan ang trabaho ng mga ka-partner nilang sina Bernard at Echo pero sina Diether ba at Carlos, at maging si Piolo, ay magkakasya na lamang kina John at Aiai? Obviously, hindi "mababastos" ni Aiai ang object ng kanyang desire na si Echo sapagkat naroroon si Kristine. Ganun din si Bernard.
Sino kaya sa tatlong walang ka-Valentine ang mapupuruhan ng komedyante?
Kumpara sa ibang Valentine shows, mura lamang ang tiket para sa The "Virgin" Concert ng The Hunks na nagpaliwanag na hindi nangangahulugan na mga "virgin" pa sila na gaya ng isinasaad sa titulo, virgin lamang sila sapagkat first time nila na mag-perform sa isang napakalaking lugar. P1,000 ang pinakamahal nilang tiket. Ang iba pa ay P800, P600, P300, P200 at P150.
Musical director si Homer Flores at stage director si Johnny Manahan.
Pinamagatang Its Magic!, makakasama ni Aiza sina Kyla, MTV Philippines Best New Artist at ang Manila Pop Youth Orchestra.
Tinawag na "wonder kid" nung kanyang panahon sapagkat inabot niya ang sukdulan ng kasikatan bilang isang batang artista kasama sina Tito, Vic & Joey, nakalulungkot na bumaba ang kanyang popularidad nang magdalaga siya. Kaya siya namahinga sumandali. Maituturing na isang milagro ang matagumpay niyang pagbabalik sa eksena, bilang isang recording artist, sa pamamagitan ng "Pagdating Ng Panahon", sa panahong ang OPM ay tinatalo ng mga CD pirates.
Ngayon, sa pamamagitan niya, hinahangad ng mga taga-mundo ng musika na muling mabuhay ang local recording industry.
Ang Its Magic! ay magbibigay ng tulong sa Quezon City Parks and Development Foundation, Inc. Para sa iba pang mga katanungan, tumawag sa 375-0680. Direksyon ni Majo Visitacion.
Isa itong makabagong pamamaraan ng paglalahad ng mga isyu sa masang mahilig manood ng soap opera at ang epekto nito sa kanila.
Nagsimula ang new season ng Radyo Pitlag sa pamamagitan ng Ground Zero nung Enero 14 sa pagsasadula ng atake ng terorista ng World Trade Center, sa punto ng isang nurse na Pinoy. Sa pagtatapos ng serye, pagkaraan ng limang araw magkakaroon ng isang forum tungkol sa terorismo. Guest sina Defense Sec. Angelo Reyes at UP College of Law Dean Raul Pangalangan, kasama si Lucha Alforque na nasa NY nang maganap ang trahedya. Program anchor si Ferdinand Quicho.
Ang feature next week ay Urong-Sulong: Panalo Ka Ba, Bayan?, isang pagtingin sa game show format na mabenta ngayon sa manonood ng telebisyon.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended