^

PSN Showbiz

"Di ako retokada"

-
Habang nalalapit ang showing ng pelikulang Buko Pandan ng World Arts Cinema ay lalo namang naiintriga si Maricar de Mesa.

Kung no’ng ang pinag-uusapan sa kanya ay ‘yung diumano’y gap nila ng Buko Pandan, co-star niya, ngayon naman ay ang pagiging retokada raw niya. Lately kasi ay may mga nang-iintrigang maraming ipinaretoke si Maricar sa kanyang mukha at katawan.

Pero totoo nga ba ‘yon?

"That’s not true! That’s a big lie," sey ni Maricar nang makausap namin habang nagpo-promote ng Buko Pandan. "At ano naman daw ang ipinaretoke ko sa mukha’t katawan ko? Naku, maglabas muna sila ng evidences na nagparetoke nga ako, ‘no!"

Sabi pa ni Maricar, walang mailalabas na evidence ang mga taong nagkakalat na siya ay isang "salamat po, doktor" beauty dahil wala naman talaga siyang ipinareretoke sa kanyang mukha’t katawan.

"Hindi ko naman ikinakailang hindi talaga kalakihan ang boobs ko at may nag-suggest na rin sa akin na magpa-bust augmentation, pero hindi ko naman itinuloy ‘yon. Hanggang plano lang. Sabi naman kasi ng mga kaibigan ko, cute naman talaga ang boobs ko, hindi rin naman puwedeng sabihin na maliit ‘yon. Kumbaga, tamang-tama lang talaga," pahayag pa ng sexy star.

Dapat nga raw panoorin siya ng mga tao sa pelikulang Buko Pandan na magsu-showing na bukas, January 16, para mapatunayan nilang hindi talaga siya nagparetoke.

"Marami naman akong sexy scenes sa pelikula, kaya panoorin na lang nila ang pelikula dahil kung may retoke naman sa akin, eh, mapapansin nila ‘yon sa mga eksena ko sa pelikula," pahayag pa niya.

Bukod nga pala kay Maricar, kasama rin sa movie si Pyar Mirasol at idinirehe ang pelikulang ito ng newest box-office director na si Uro Q. dela Cruz at prodyus ni Ms. Jojo Galang.

vuukle comment

BUKO PANDAN

BUKOD

JOJO GALANG

MARICAR

NAMAN

PYAR MIRASOL

SABI

URO Q

WORLD ARTS CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with