^

PSN Showbiz

Matet, luka-luka pa rin!

FRONT SEAT - Cristy Fermin -
Nais lang linawin ni Matet de Leon ang kumakalat na balitang hindi na raw si Tita Angge ang kanyang manager ngayon.

"Kami pa rin, in fact, nagpabili pa nga po ako ng computer set kay Tita Angge, ibabawas na lang niya sa talent fee ko ang pambayad!" sabi sa amin ng dalaga sa Kilimanjaro nu’ng minsang makakuwentuhan namin.

Totoong nagkaroon sila ng problema ni Tita Angge nu’ng una, pero tapos na ‘yun, nakapag-usap na sila nang maayos at wala nang problema sa pagitan nila ngayon.

Maganda ang kanilang relasyon, nakikinig si Matet sa mga payo ng kanyang manager at nangako naman ang dalaga na hindi na niya uli pasasamain pa ang loob ni Tita Angge.

Nakikita naman namin ang pagbabago ni Matet, dahil siya na mismo ang dumidisiplina sa kanyang sarili ngayon.

Ang hindi naman kailangang pagmumura ay nakontrol na niya, nakapaninibago nga dahil dati’y namumulaklak ang mga put–na sa kanyang pagsasalita, pero salamat naman dahil ngayon ay wala na.

Pati ang pag-inom ay nabawasan na niya, kung talagang nagkakasarapan ang aming kuwentuhan ay nakakatatlong bote na lang siya ng inuming nakahihilo at nakapagpapadulas ng dila, pero kadalasan ay kapareho na lang namin siya na iced-tea lang ang iniinom sa magdamag.

Pero may dalandan slush na ngayon sa Kilimanjaro na dinadayo ng maraming kostumer, sariwang dalandan ‘yun na tinitimplahan ng syrup, talaga namang hahanap-hanapin mo ang lasa no’n.

At kapag may taping o shooting si Matet kinabukasan ay hindi na talaga siya umiinom, nagpapalipas na lang siya ng oras kasama namin, maaga na siyang umuuwi para makapaghanda sa trabaho sa susunod na araw.

Ang laki-laki na talaga ng ipinagbago ngayon ng sinasabing prodigal daughter ni Nora Aunor, malayung-malayo na siya sa dating maldita, palamura at luka-lukang Matet na bumulaga noon sa publiko.
* * *
Sila pa rin hanggang ngayon ni Harold Macasero, ang young actor na napapanood naman sa Anna Karenina, mas maayos na ang kanilang relasyon ngayon, kahit pa hindi na siguro makahahanap ng katapat na gamot ang sobrang pagkaselosa ni Matet.

Sobrang selosa ang dalagang ito, tumingin lang sa ibang babae si Harold ay may reaksyon na agad, at ang nakakaloka pa, pati ang kanyang panaginip at ang horoscope na nababasa niya ay ipinangungulit sa binata.

Nagpapaniwala siya sa panaginip at sa horoscope, inaaway niya kung minsan si Harold nang dahil lang du’n.

Tawa na lang kami nang tawa ni Mommy Carol (Santos), dakilang ina ni Judy Ann) kapag ‘yun ang nagiging dahilan ng kanilang tampuhan.

Ang totoo ay wala ring ipinagkaiba si Matet sa kinagisnan niyang ina–luka-luka!

vuukle comment

ANNA KARENINA

HAROLD MACASERO

JUDY ANN

KILIMANJARO

LANG

MATET

NGAYON

NORA AUNOR

TITA ANGGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with