Ang milagro na nalilikha ng mga damit ni Paul kina Tetay at Juday
January 12, 2002 | 12:00am
Mula sa hindi parehas na katawagang baduy ay nabigla ang publiko sa napakasopistikadang itsura ng batang superstar na si Judy Ann Santos nung nakaraang Star Awards For Television.
Tinanghal pang "Star of the Night" si Juday nang gabing yun, dahil napakaganda niya naman talaga sa suot niyang gown na bukas na bukas ang likod.
Pinupuri ngayon ng marami si Kris Aquino sa magagandang damit na isinusuot niya sa Game KNB?
Bagay na bagay raw sa magaling na TV host ang kanyang mga outfit, "naitatago" ng mga ito ang kung anu-anong milagrong datiy nakikita sa bandang bewang at balakang ng TV host.
Totoong binibigyang hustisya nina Judy Ann at Kris ang mga kasuotang dinidisenyo sa kanila, pero ang kredito ay dapat nating ibigay sa kung sinong designer ang nagpapaganda sa kanilang dating at tindig.
Si Paul Cabral ang designer sa likod ng magagandang kasuotan nina Juday at Kris at ng marami pang ibang mga artistang pinupuri ang pananamit.
Napakasimpleng tao ni Paul, hindi siya mapaggawa ng isyu, mapag-usapan lang siya.
Wala rin siyang hilig sa pagpapa-interbyu, basta palagi lang siyang nasa likod ng mga artistang pinagaganda niya.
Madalas naming makasama sa Kilimanjaro Bar and Restaurant si Paul, dahil mula nang ginawa niya ng gown si Juday nung nakaraang Star Awards, ay naging magkaibigan na sila.
Ganung napakalaki na ng kanyang pangalan sa linya ng pagdidisenyo ay nananatiling simple at hindi apektado si Paul, kaya niyang makisama sa lahat ng uri ng tao, mula sa alta sosyedad man ang mga ito o masang-masa.
Napakaganda ng kanyang pagsisimula, dati lang siyang tagakabit ng mga butones ng mga damit na dinidisenyo ni Fanny Serrano, pero habang naninilbihan siya sa pamosong salon owner-designer ay nag-aaral siya at nagsisikap sa buhay.
Nang makaipon siya nang kaunting halaga ay nagsarili na siya, mahirap nung una, pero dahil sa kanyang talento at pagpupunyagi ay naging posible ang kanyang mga pangarap.
Ngayon at kinikilala nang malaking pangalan si Paul Cabral, siya ang paboritong designer ng maraming pulitiko, businessmen at mga artista.
Isang-isa na lang ang kulang para makumpleto ang kaligayahan ng aming kaibigan, isang taong magmamahal sa kanya nang tapat, yung taong magmamahal sa kanya bilang siya at hindi dahil sa kung anumang meron siya.
Malapit na sigurong dumating ang taong yun sa buhay ni Paul Cabral, naaamuyan na namin ang pagdating nito, kaya magiging maligaya na ang pamosong designer.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended