Carlos, tumangging mag-t-back
January 11, 2002 | 12:00am
Ang t-back ay yaong usong undergarment ngayon na gamit ng babae at maging ng mga lalaki. Ginagamit ito para hindi bumakat ang panty ng mga babae at briefs ng mga lalaki sa suot nilang damit o pantalon.
Ang t-back ay isa sa line of apparel na gawa ng isa sa mga ini-endorso ni Carlos Agassi, ang Hanford. Mayroon din nito ang Dickies, ang isa pa ring produkto na ini-endorso niya pero mas concentrated siya sa mga outer apparel nito. Gaya ng t-shirts, jeans, shirts, shoes at marami pang accessories.
While wearing t-back may prove comfortable to the Amir of Rap, tumanggi siyang magsuot nito sa isang play na pinamagatang Rocky Horror Show na inialok ng direktor na si Bobby Garcia. The play would have required him to perform on stage clad only in t-back. Sa halip, Carlos would rather concentrate on his upcoming shows na pinamagatang Dickies Nights at inilinya para sa kanya ng mga taong nasa likod ng Dickies. Ilan sa mga malalaking entertainers na nagsusuot ng Dickies ay sina Madonna, Britney Spears, Blink 182, Backstreet Boys, NSync, Hanson, Sugar Ray, No Doubt, Limp Bizkit at TLC.
Nung buwan ng Nobyembre lamang, taong 2000, nagbukas ng kanilang unang outlet sa Pilipinas ang Dickies pero, mayroon na itong 80 outlets nationwide.
Bilang selebrasyon sa kanilang unang anibersaryo, magsasagawa si Carlos ng isang serye ng walong concerts na tinawag niyang X Project. Magsisimula ito sa Enero 18 sa Hard Rock Cafe Makati. Ang iba pang palabas ay ang mga sumusunod Enero 19, Spirits Baguio; Enero 25, Barracks Iloilo; Peb. 1, Quorums Bacolod; Peb 2, Hard Rock Makati; Peb 22, Venue Davao; Mar.1, El Camino Dumaguete at Mar. 2, Ratsky Cebu.
Tinatayang magiging abalang taon ni Regine Velasquez ang 2002. Isang bagong pelikula, ang Hanggang Ngayon ng Viva Films na pinagtatambalan nila ni Richard Gomez, at ang promosyon ng kanyang bagong album, ang "Reigne" ay prioridad sa kanyang agenda.
"Dream come true sa akin ang pelikula namin ni Richard. Nung bago pa lamang ako ay talagang pinangarap ko na makatambal siya. Magandang karanasan ang makatrabaho siya. Professional siya at very supportive," sabi niya tungkol kay Richard.
Magbubukas ang Hanggang Ngayon sa Peb. 13. Sa susunod na dalawang gabi Peb.14 at 15, may konsyerto siya sa Araneta Coliseum na pinamagatang Two For The Knight. Makakasama niya rito ang sikat na foreign singer na si Brian McKnight. Makakabili ng tiket sa Araneta Ticketnet, SM Ticketnet at Viva Entertainment.
Tatanggap din siya mula sa Viva Records ng Platinum Album Award para sa kanyang album na "Reigne", isang koleksyon ng mga original Filipino songs na ang unang single na inilabas ay ang "To Reach You" nina Lisa Dy at Chat Zamora.
Napaka-mahal din palang magpaaral ng medisina. Bukod sa napaka-laking matrikula, mahal din yung mga miscellaneous fees na kinakailangan para makapag-apply ang isang mag-aaral ng pagdudoktor. Xerox lamang ng maraming requirements na hinihingi ay malaking gastos na paano kung talagang nag-aaral na? Ibig bang sabihin wala nang tsansa na makapag-dodoktor ang isang karaniwang pamilya? Kaya naman pala pag nakatapos ng karera at naging doktor, binabawi ang ginastos sa mga pasyente. Tsk. Tsk. Tsk.
Ang t-back ay isa sa line of apparel na gawa ng isa sa mga ini-endorso ni Carlos Agassi, ang Hanford. Mayroon din nito ang Dickies, ang isa pa ring produkto na ini-endorso niya pero mas concentrated siya sa mga outer apparel nito. Gaya ng t-shirts, jeans, shirts, shoes at marami pang accessories.
While wearing t-back may prove comfortable to the Amir of Rap, tumanggi siyang magsuot nito sa isang play na pinamagatang Rocky Horror Show na inialok ng direktor na si Bobby Garcia. The play would have required him to perform on stage clad only in t-back. Sa halip, Carlos would rather concentrate on his upcoming shows na pinamagatang Dickies Nights at inilinya para sa kanya ng mga taong nasa likod ng Dickies. Ilan sa mga malalaking entertainers na nagsusuot ng Dickies ay sina Madonna, Britney Spears, Blink 182, Backstreet Boys, NSync, Hanson, Sugar Ray, No Doubt, Limp Bizkit at TLC.
Nung buwan ng Nobyembre lamang, taong 2000, nagbukas ng kanilang unang outlet sa Pilipinas ang Dickies pero, mayroon na itong 80 outlets nationwide.
Bilang selebrasyon sa kanilang unang anibersaryo, magsasagawa si Carlos ng isang serye ng walong concerts na tinawag niyang X Project. Magsisimula ito sa Enero 18 sa Hard Rock Cafe Makati. Ang iba pang palabas ay ang mga sumusunod Enero 19, Spirits Baguio; Enero 25, Barracks Iloilo; Peb. 1, Quorums Bacolod; Peb 2, Hard Rock Makati; Peb 22, Venue Davao; Mar.1, El Camino Dumaguete at Mar. 2, Ratsky Cebu.
"Dream come true sa akin ang pelikula namin ni Richard. Nung bago pa lamang ako ay talagang pinangarap ko na makatambal siya. Magandang karanasan ang makatrabaho siya. Professional siya at very supportive," sabi niya tungkol kay Richard.
Magbubukas ang Hanggang Ngayon sa Peb. 13. Sa susunod na dalawang gabi Peb.14 at 15, may konsyerto siya sa Araneta Coliseum na pinamagatang Two For The Knight. Makakasama niya rito ang sikat na foreign singer na si Brian McKnight. Makakabili ng tiket sa Araneta Ticketnet, SM Ticketnet at Viva Entertainment.
Tatanggap din siya mula sa Viva Records ng Platinum Album Award para sa kanyang album na "Reigne", isang koleksyon ng mga original Filipino songs na ang unang single na inilabas ay ang "To Reach You" nina Lisa Dy at Chat Zamora.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
November 4, 2024 - 12:00am
November 2, 2024 - 12:00am