Wanted: a man with a good heart for Jolina
January 10, 2002 | 12:00am
Sa mga nagtatanong sa amin ng update sa screen team up nina Richard Gomez at Regine Velasquez, narito ang balitang nakuha namin. Valentine offering ng Viva Films ang Goma-Regine starrer na Ikaw Lamang Hanggang Ngayon. As of press time, limang araw na lang ang natitirang shooting days at tapos na ito. Si Yam Laranas ang direktor ng movie.
Kwento ito ng old-fashioned na dalaga who works in a postal service played by Regine. Goma plays a golf instructor. Kuwela ang pagkikita ng dalawa na magiging dahilan din para sila ma-inlove sa isat isa.
Romantic ang mga lugar kung saan nag-shoot ang movie. Mostly ay sa Luneta at Intramuros. Ayon sa kuwento sa amin, kung si Aga Muhlach noon (nang gawin nila ang pelikulang Pangako... Ikaw Lang ay smitten sa charm ni Regine, ganito rin ang nangyari with Goma. Meaning may ibang charm talaga si Regine na kahit sinasabing probinsyana, nahuhulog pa rin sa kanya ang loob ng bawat kalalakihang nakakatrabaho niya.
Ang Ikaw Lamang Hanggang Ngayon ay mula sa album ni Ogie Alcasid na siya ring theme song ng movie.
Ibang klase talaga si Jun Magdangal, ang ama ni Jolina Magdangal. Kapag para sa kanyang anak, walang hindi ibibigay si Daddy Jun kapag kaligayahan ng anak. Kamakailan ay nilambing ni Jolina sa ama na iregalo na lang sa kanya ang Z-3, isang sports car na pag-aari ng ama.
Knowing how malambing Jolina is, agad namang pumayag si Daddy Jun na ibigay ang kotse. Ang kondisyon lang, kailangan ni Jolina na kumuha ng drivers license at mapapasakanya lang ang kotse kapag marunong na siyang mag-drive. Ang swerte talaga ni Jolina na magkaroon ng isang tatay na tulad ni Jun Magdangal.
Pagdating sa lovelife, mukhang ready na rin si Daddy Jun na tanggapin kung sino man ang maging boyfriend ng anak ngayon. All-out ang support na ibinigay nito. Pero hindi pa rin mawawala ang proteksyon na ibibigay sa anak. Sabi nga ni Daddy Jun nang tanungin namin sa presscon ng Kung Ikay Isang Panaginip, "Kung sa tingin niya, ready na siya, wala kaming tutol. Basta kailangan lang sincere, honest and with a good heart yung guy."
Speaking of Jolina movie, showing na ito sa January 30, Bale ito ang opening salvo ng Star Cinema for the year 2002. Leading man niya rito sina Leandro Muñoz at Rafael Rosell IV. Si Wen Deramas ang direktor ng pelikula.
Gandang-ganda ang mga press people na nakapanood ng American Adobo sa special screening nito sa Power Plant Cinema Rockwell Center kamakalawa. Sabi nila, expected daw na maganda na ang pelikula dahil sa bukod na mahusay na mga artista na bumubuo ng pelikula, obra rin ito ni Laurice Guillen, ang direktor ng megahit movie na Tanging Yaman.
Hanga ang mga nanood na film reviewers sa performance ng cast sa pangunguna nina Christopher de Leon, Dina Bonnevie, Sandy Andolong, Cherry Pie Picache, Gloria Romero at Ricky Davao. Naaaliw sila sa karakter ni Ricky. Bagay na bagay daw ito sa role.
Star studded ang preview night dahil sa presence ng naglalakihang bituin, Marilou Diaz Abaya, Chito Roño, Gina Alajar, Jackie Lou Blanco, Pilita Corrales, Dominic Ochoa, Janna Victoria, Pinky Amador, Jerry Barican at mga top guns ng ABS-CBN na sina Eugenio Lopez (with wife Panjee Gonzales- Lopez), Ms. Charo Santos-Concio, Ms. Malou Santos, Lawrence Tan, Patricia Planas-Daza, Jackie Liu at iba pa.
Sa January 16 ang regular showing ng American Adobo. Prodyus ito ng ABS-CBN Entertainment at Unitel.
For your comment and feedback, you can e-mail me at [email protected].
Kwento ito ng old-fashioned na dalaga who works in a postal service played by Regine. Goma plays a golf instructor. Kuwela ang pagkikita ng dalawa na magiging dahilan din para sila ma-inlove sa isat isa.
Romantic ang mga lugar kung saan nag-shoot ang movie. Mostly ay sa Luneta at Intramuros. Ayon sa kuwento sa amin, kung si Aga Muhlach noon (nang gawin nila ang pelikulang Pangako... Ikaw Lang ay smitten sa charm ni Regine, ganito rin ang nangyari with Goma. Meaning may ibang charm talaga si Regine na kahit sinasabing probinsyana, nahuhulog pa rin sa kanya ang loob ng bawat kalalakihang nakakatrabaho niya.
Ang Ikaw Lamang Hanggang Ngayon ay mula sa album ni Ogie Alcasid na siya ring theme song ng movie.
Knowing how malambing Jolina is, agad namang pumayag si Daddy Jun na ibigay ang kotse. Ang kondisyon lang, kailangan ni Jolina na kumuha ng drivers license at mapapasakanya lang ang kotse kapag marunong na siyang mag-drive. Ang swerte talaga ni Jolina na magkaroon ng isang tatay na tulad ni Jun Magdangal.
Pagdating sa lovelife, mukhang ready na rin si Daddy Jun na tanggapin kung sino man ang maging boyfriend ng anak ngayon. All-out ang support na ibinigay nito. Pero hindi pa rin mawawala ang proteksyon na ibibigay sa anak. Sabi nga ni Daddy Jun nang tanungin namin sa presscon ng Kung Ikay Isang Panaginip, "Kung sa tingin niya, ready na siya, wala kaming tutol. Basta kailangan lang sincere, honest and with a good heart yung guy."
Speaking of Jolina movie, showing na ito sa January 30, Bale ito ang opening salvo ng Star Cinema for the year 2002. Leading man niya rito sina Leandro Muñoz at Rafael Rosell IV. Si Wen Deramas ang direktor ng pelikula.
Hanga ang mga nanood na film reviewers sa performance ng cast sa pangunguna nina Christopher de Leon, Dina Bonnevie, Sandy Andolong, Cherry Pie Picache, Gloria Romero at Ricky Davao. Naaaliw sila sa karakter ni Ricky. Bagay na bagay daw ito sa role.
Star studded ang preview night dahil sa presence ng naglalakihang bituin, Marilou Diaz Abaya, Chito Roño, Gina Alajar, Jackie Lou Blanco, Pilita Corrales, Dominic Ochoa, Janna Victoria, Pinky Amador, Jerry Barican at mga top guns ng ABS-CBN na sina Eugenio Lopez (with wife Panjee Gonzales- Lopez), Ms. Charo Santos-Concio, Ms. Malou Santos, Lawrence Tan, Patricia Planas-Daza, Jackie Liu at iba pa.
Sa January 16 ang regular showing ng American Adobo. Prodyus ito ng ABS-CBN Entertainment at Unitel.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended