^

PSN Showbiz

Long Mejia, dating tindero sa Baclaran

-
Dati, nagtitinda ng tela sa Baclaran si Long Mejia. Wala pa sa isip niya ang pag-a-artista dahil tuwing haharap siya sa salamin ay sinasagot siya nito. "Huwag na iho, huwag ka ng mag-ambisyon. Nang panahong iyon kasi, mga taong 1985, ay mga mestiso’t mestisa pa ang lagi niyang napapanood sa pelikula. Saan nga naman siya lulugar?

"Kaya lang, nalugi ang negosyo ko. Sa tinagal-tagal ng pagsisikap ko, sa wala rin napunta ang aking mga pangarap," aniya. "Saka ko natuklasan ang isang pa-contest sa TV. Si Ipe Pelino ang nago-audition. Akalain mo, nakapasa ako. Maliliit noong una ang roles ko, pero, tuwang-tuwa na ako. Sarap ng feeling na kahit ganito ang mukha ko ay puwede rin palang panoorin sa TV."

Matagal nagtiyaga sa TV si Long bago siya nagkaroon ng break sa pelikula. "Actually nitong nakaraang taon lang ako kinuha sa pelikula. Sa Escort ni Trovador "James" Ramos, Kapitan Ambo (Outside Da Kulambo) with Eddie "Manoy" Garcia pati nga ang Susmaryosep (4 Fathers) ng Maverick Films. At eto ngang Burles King Daw... Oh! kasama ko si Andrew E."

Bigla ring naalaala ng mga nakapanood ng rushes ng pelikulang ipalalabas na sa Jan. 16 sina Apeng Daldal at Rene Requiestas sa tipo ng comedy ni Long. Faces ika nga, only a mother can love. Pero, nakakagulat, dahil, mga babaero.

Latest nga kay Long, eh, ang pagiging mag-MU nila ni Angelica Jones na kasama niya sa isang noontime show. Balitang-balita nga ang pagbibigay niya ng isang diamond ring sa napakagandang dalaga.

At inamin daw ni Long na totoo nga, may mutual understanding na sila ng guwardiyadong dalaga. Bilib na bilib tuloy sa kanya ang kasama niyang si Andrew E. sa pelikulang Burles King Daw... O! na dinirek ni Ipe Pelino.

ANDREW E

ANGELICA JONES

APENG DALDAL

BURLES KING DAW

IPE PELINO

KAPITAN AMBO

LONG MEJIA

MAVERICK FILMS

OUTSIDE DA KULAMBO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with