Imbyerna sa namaskong reporter
January 8, 2002 | 12:00am
Kwento ng aking source na taga-showbiz din na masama ang loob ni Rosanna Roces sa ilang namasko sa kanya dahil ibang klaseng magsalita ang mga ito.
Minsan ay nagpunta sa kanila ang ilang reporter para mamasko. Nagkataong wala siya kaya ang katulong niya ang sumalubong sa kanila. Sinabing wala si Maam Osang. Kaso isa sa kanila ang nagdayalog ng ganito "Baka matulad siya kay Nida Blanca." Nang makarating ito kay Osang ay naimbyerna siya at sinabing ganito na ba ang uri ng mga reporter ngayon? Natural lang na ang prioridad na bigyan ng mga artista yung mga kaibigang manunulat na sumusuporta sa kanila sa pamamagitan ng pagbibigay ng magagandang publisidad.
Hindi na si Angge ang manager ni Matet bagamat tinutulungan pa rin niya ito. Habang naghahanap ng bagong manager ay si Mommy Carol Santos muna (mommy ni Judy Ann Santos) ang gumagabay sa aktres.
Nagkaroon ng problema sa pagiging manager ni Angge kaya pinakawalan na niya si Matet. Kahit nagkabati na ang aktres at nanay-nanayan na si Nora Aunor ay hindi na ito bumalik sa kanilang bahay at pinanindigan na ang pamumuhay nang solo. Lumipat na siya ng bagong tirahan sa may V. Luna sa Quezon City para malapit sa kanyang trabaho.
Habang naghihintay ng pelikula ay abala si Matet sa kanyang mga TV shows kung saan mainstay siya ng isang soap opera.
Ayon sa aking source ay tutungong Japan si Lorna Tolentino, Gladys Reyes at Rudy Fenandez for a show. Sa hirap ng buhay ngayon ay kailangan talagang humanap ng ibang raket. Kahit sabihing bankable action star si Daboy ay tutungo pa rin siya ng Japan dahil sayang naman ang kikitain.
Sa kabilang banda, may bagong binuksang negosyo si LT na pinangalanang Gals Bakery na talagang pang-masa. Itoy karagdagan sa iba pang negosyo ng mag-asawa gaya ng mineral water station at pwesto sa Cogeo Wet & Dry market. Nare-realize ni LT na talagang nakalinya siya sa negosyo kaysa sa showbiz. Naghahanap pa ng tamang proyekto si LT kung saan matagal-tagal na rin siyang nakabante sa paggawa ng pelikula.
Nakakwentuhan namin si Jojo Galang na siyang may-ari ng World Arts Cinema at sinabing kahit matamlay ang kalagayan ng ating industriya ay patuloy pa rin siya sa pagpoprodyus ng pelikula. "Naniniwala ako na gumaganda na ang kalagayan ng pelikulang Tagalog dahil sa pagtangkilik ng mga tao sa nakaraang MMFF. Ayusin lang ang pagba-budget ay makakagawa ka ng isang matinong proyekto. Never akong hihinto dahil gusto ko ring matulungan ang mga taong bahagi ng industriya," aniya.
Anim na ang pelikulang nagagawa ng kompanya gaya ng Di Ko Kayang Tanggapin, Saranggani, Haplos, Paninda, Buko Pandan at Sana Totoo Na. Malapit nang ipalabas ang Buko Pandan at kasunod na ang Sana Totoo Na na tatampukan nina Glydel Mercado at Tonton Gutierrez. Nagsimulang magprodyus si Jojo noong 1999 at ngayon ay kilala na rin sila.
Ano ba ang dream movie mo? "Noon pa ay paborito ko na si Lorna Tolentino kaya sana makagawa siya ng pelikula sa amin someday. Pero dream ko na makagawa ng isang movie na pampamilya na tatama sa puso at mailarawan kung ano ang nangyayari sa ating lipunan ngayon lalo na kung paano masusugpo ang droga. Gusto kong kuning mga artista dito sina Albert Martinez at Jeffrey Quizon. Wala naman akong naging problema noon at ngayon dahil may sistema ako at gusto kong laging organized ang trabaho," anang lady produ.
Si A ay isang sikat na talent manager na host din ng isang malaganap na talk show samantalang si B ay isang sikat ding aktres na lumalabas na ring kontrabida sa soap opera. Nagbida na ito dahil magaling umarte.
Minsan ay nagkita ang dalawa sa isang bangko kung saan dinedma ng aktres ang sikat na talent manager. Ni hindi man lang ito ngumiti at tiningnan lang ang manager. Naunang nag-withdraw ang aktres ng $300 at nang ang talent manager na ang nag-withdraw sa kanyang account ay nagparinig ito at sinabing magwi-withdraw siya ng $20,000. Natameme ang supladitang aktres dahil natalbugan siya ng sikat na talent manager na hamak palang mas mapera kaysa sa kanya.
Minsan ay nagpunta sa kanila ang ilang reporter para mamasko. Nagkataong wala siya kaya ang katulong niya ang sumalubong sa kanila. Sinabing wala si Maam Osang. Kaso isa sa kanila ang nagdayalog ng ganito "Baka matulad siya kay Nida Blanca." Nang makarating ito kay Osang ay naimbyerna siya at sinabing ganito na ba ang uri ng mga reporter ngayon? Natural lang na ang prioridad na bigyan ng mga artista yung mga kaibigang manunulat na sumusuporta sa kanila sa pamamagitan ng pagbibigay ng magagandang publisidad.
Nagkaroon ng problema sa pagiging manager ni Angge kaya pinakawalan na niya si Matet. Kahit nagkabati na ang aktres at nanay-nanayan na si Nora Aunor ay hindi na ito bumalik sa kanilang bahay at pinanindigan na ang pamumuhay nang solo. Lumipat na siya ng bagong tirahan sa may V. Luna sa Quezon City para malapit sa kanyang trabaho.
Habang naghihintay ng pelikula ay abala si Matet sa kanyang mga TV shows kung saan mainstay siya ng isang soap opera.
Sa kabilang banda, may bagong binuksang negosyo si LT na pinangalanang Gals Bakery na talagang pang-masa. Itoy karagdagan sa iba pang negosyo ng mag-asawa gaya ng mineral water station at pwesto sa Cogeo Wet & Dry market. Nare-realize ni LT na talagang nakalinya siya sa negosyo kaysa sa showbiz. Naghahanap pa ng tamang proyekto si LT kung saan matagal-tagal na rin siyang nakabante sa paggawa ng pelikula.
Anim na ang pelikulang nagagawa ng kompanya gaya ng Di Ko Kayang Tanggapin, Saranggani, Haplos, Paninda, Buko Pandan at Sana Totoo Na. Malapit nang ipalabas ang Buko Pandan at kasunod na ang Sana Totoo Na na tatampukan nina Glydel Mercado at Tonton Gutierrez. Nagsimulang magprodyus si Jojo noong 1999 at ngayon ay kilala na rin sila.
Ano ba ang dream movie mo? "Noon pa ay paborito ko na si Lorna Tolentino kaya sana makagawa siya ng pelikula sa amin someday. Pero dream ko na makagawa ng isang movie na pampamilya na tatama sa puso at mailarawan kung ano ang nangyayari sa ating lipunan ngayon lalo na kung paano masusugpo ang droga. Gusto kong kuning mga artista dito sina Albert Martinez at Jeffrey Quizon. Wala naman akong naging problema noon at ngayon dahil may sistema ako at gusto kong laging organized ang trabaho," anang lady produ.
Minsan ay nagkita ang dalawa sa isang bangko kung saan dinedma ng aktres ang sikat na talent manager. Ni hindi man lang ito ngumiti at tiningnan lang ang manager. Naunang nag-withdraw ang aktres ng $300 at nang ang talent manager na ang nag-withdraw sa kanyang account ay nagparinig ito at sinabing magwi-withdraw siya ng $20,000. Natameme ang supladitang aktres dahil natalbugan siya ng sikat na talent manager na hamak palang mas mapera kaysa sa kanya.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended