Billy pinayuhang magpahinga
January 6, 2002 | 12:00am
Napaka-memorable sa akin ang araw na ito, January 6. Dalawang bagay ang dahilan.
Unang dahilan kaarawan ngayon ng nag-iisang megastar Sharon Cuneta na isa sa original na anak-anakan ko sa Germs Special.
Parang kailan lang ay taun-taon naming ipinagdiriwang ang kanyang birthday sa aming programa, Germs Special. Pero ngayon ay ibang-iba na ang sitwasyon. Ang hirap na niyang makausap dahil sa rami ng ginagawa bilang isang ina at asawa ng isang senador. Tapos may regular show pa siya. Pero di bale nangako naman sa akin si Sharon na magkakaroon kami ng kanyang birthday celebration sa Master Showman. Tatapusin niya lang ang selebrasyon sa kanyang sariling programa, Sharon.
Naalala ko kung paano siya ipinagbilin sa akin ng kanyang amang namayapa at ng namayapa na ring si Mina Aragon. Ingatan ko raw si Sharon tulad ng kanilang pagmamahal at pag-aalaga sa isang Sharon Cuneta.
Kaya naman ganoon na lang ang pag-aalala ko kay Sharon sa lahat ng pagkakataon kahit hindi niya kaarawan.
Mabait na bata si Shawie kaya lahat ng suwerte sa buhay ay nasa kanya na career, family, karangyaan at lahat-lahat ng bagay na nagbibigay ng kasiyahan sa isang tao.
May mahihiling pa ba ang isang Sharon Cuneta? Palagay ko, wala na. May dalawa siyang anak na angel ng buhay ng senador niyang asawa, Senator Kiko Pangilinan, matagumpay na movie at TV career at isama pa ang pagiging recording artist niya at pagiging commercial queen.
Sa iyo anak, maligayang kaarawan.
Ang pangalawang bagay na nagpapahalaga sa petsang January 6 ay ang anibersaryo ng Thats Entertainment.
Hanggang ngayon ay buhay pa rin sa isip ng lahat ang Thats lalo na sa mga bahagi ng programa. Katulad nang nakagawian na, ipinagdiwang namin ang anibersaryo ng Thats sa Master Showman kagabi. Ang nasabing selebrasyon ay bilang pag-alala sa masasayang araw ng nasabing programa na nagpasikat ng maraming artista.
Sa lahat ng mga anak ko sa Thats na dumating kagabi, salamat sa inyong lahat. Hangad ko ang inyong magandang buhay.
Nais ko ring batiin ang kambal nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi na nagdiriwang din ng kanilang kaarawan ngayong araw.
Ang bilis ng panahon ano. Isang taon na ang kambal ng dalawa samantalang parang kailan lang ay katakut-takot na intriga ang ipinupukol sa kanila. Ngayon one happy family na sila.
Maraming fans ni Billy Crawford ang nagtataka kung bakit hanggang ngayon ay di pa nila nakikita sa TV ang kanilang idolo.
Ang rason nagpapahinga pa si Billy dahil kung matatandaan nyo, na-mention ko na pinayuhan siya ng doctor na mamahinga.
Saka bubulaga na lang siya na may dalang sorpresa sa lahat kaya huwag kayong mainip ha!
Ipanalangin din natin na huwag magka-aberya dahil may music video siyang kasama sa isang MTV contest sa France.
Huwag din kayong mag-alala dahil tiyak na bago siya umalis ng bansa ay mapapanood siya sa Master Showman.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 29, 2024 - 12:00am